Secret Assassin Agents ꨄ

28 14 0
                                    

Habang nagliliwaliw si Heart kasamang boyfriend nitong si Cejay.. Nag aalala naman ang Mama nitong si Mia, dahil galit na galit na naman ang asawa nitong si Prince.. Ng malaman na limang araw na palang di umuuwi ng bahay ang dalaga.

"Yan ang resulta sa pagiging mapagbigay mo Mia, ilang beses na ba kitang sinabihan na tigilan mo na yang pangungunsinti mo sa batang 'yan! Kita mo ng kinalabasan ha?"

Nagtitimpi lang ng kanyang galit si Prince, dahil nakikita nyang parang maiiyak ng kanyang asawa. Kahit ang pagsigaw hindi nya magawa, dahil baka magtampo na naman ito sa kanya, at mag disappear na naman sa kanyang buhay. Ilang beses na ba syang iniwan ni Mia, sa tuwing may pinagtatalunan at hindi mapagkasunduan silang dalawa? Ahhh... Maraming beses na..! nangyayari ito kapag sumasama ang loob at nagtatampo sa kanya ang kanyang asawa.

"Gusto ko lang naman na maging masaya ang anak natin, Prince! Masama ba yun..?"

Dun na napigtas ang kinikimkim na galit ni Prince ng marinig ang salitang 'Anak'. Yung biglang bwelta nya paharap sa kanyang asawa, at sigawan ito, ay ang malaking pagkakamali na nagawa nya sa kanyang buhay.

"Hindi ko sya anak..!! Kaya 'wag mo ng ipagduldulan sa'kin ang suwail na batang 'yun!"

"Prince..!"

Nanlalaki ang mga mata ni Mia sa pagkagulat.. Kaagad na nagtubig ang kanyang mga mata, at sa pagkisap nito sabay na tumulo ang kanyang mga luha. Pigil ang samut saring emosyon na kanyang nararamdaman, napahawak syang bigla sa sandalan ng upuan sa kanilang sala ng manlambot ang kanyang mga tuhod. To the rescue naman kaagad si Prince, na saglit pang natigilan sa kanyang nagawang pagsigaw sa kanyang asawa.

"Mahal..! Halika, umupo ka muna dito!"

Dahan dahang inalalayan nitong makaupo sa sofa si Mia. Bago tinawag ang katulong para magpakuha ng maiinom nitong tubig. Umupo sya paharap kay Mia. Pinahid ng kanyang kamay ang basa nitong pisngi..

"Shh... tahan na! Wag ka ng umiyak!"

Ng hindi na matiis ang sumbat ng kanyang konsensya.. Masuyong kinabig at niyakap ng mahigpit ni Prince ang kanyang asawa.

"Sorry! I'm Sorry, Mia..! Nasaktan na naman kita! Patawarin mo sana ako, kung napaiyak na naman kita!"

Masuyong hinaplos haplos ni Prince ang mahabang buhok ng kanyang asawa. Dahan dahan syang bumitaw dito, saka hinalikan ito sa nuo, bago seryosong nakipagtitigan dito.

"Prince... Saan ba ako nagkulang, bilang isang magulang kay Jewel? Hindi ko ba sya napalaki ng maayos? Hindi ba naging sapat ang pagmamahal ko sa kanya? Kaya ba sya nagkakaganito?"

Sunod sunod ang pagpatak ng masaganang luha mula sa mga mata ni Mia.. Nababasa ni Prince ang lungkot, higit ng sakit sa mga mata nito. Sa tatlong anak nilang lalaki, ni hindi man lang nila naranasan ang lungkot, pagdaramdam, pasakit at higit sa lahat ang kawalan ng respeto. Kahit puro lalaki ang mga anak nila ni Mia, lumaking mabubuting mga bata ang mga ito.. Masunurin, mapagmahal at higit sa lahat... Malaki ang respeto sa kanila ni Mia, bilang mga magulang ng mga ito. Pero, itong si Heart Jewel, na ampon nila,, sobra sobrang pasakit at kahihiyan ang ibinigay sa kanila.

"Unang kita ko pa lang sa batang yun, ramdam ko ng kaguluhan lang ang hatid nya sa'ting pamilya... Kaya nga ganun na lang ang pagtanggi kong ampunin natin sya..."

Napabuntong hininga si Prince, ng maalalang nakaraan, nung panahon na unang dumating sa buhay nila si Heart.

".. Pero, dahil sa alam ko namang gustong gusto mong magkaroon ng isang Prinsesa sa'ting pamilya, at nakita kong tanggap at masasaya ang tatlo nating Prinsipe, pumayag akong ampunin na lang natin sya."

 Loving A Masochist ꨄ✔💯Место, где живут истории. Откройте их для себя