Bulag sa Katotohanan ꨄ

28 11 0
                                    

Hindi malaman ni Heart kung papanu nya kakausapin si Bogz, Simula kasi ng mangyari ang trahedyang 'yun sa Treinops, ramdam nyang malaking pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya.

Kagaya ngayon, magkasama nga silang nag aalaga at nagbabantay sa mga kaibigan nito, pero para syang ibang tao kung tratuhin nito, kung tutuusin ilang buwan na rin naman silang magkakilala, pero kung umasta ang binata, parang isa syang estranghera.

Sa totoo lang naiilang na si Heart kapag kasama nya si Bogz, hindi naman kasi pwedeng layuan nya ito, kasi nga sabi ni Zero sa kanya ay savior at protector nyang binata..

Napasandal na lang si Heart sa sofang kina uupuan, napatutok ang mga mata sa kesame at napabuntong hininga sa mga naiisip.

"Haaay..!"

Napalakas yatang pag buntong hininga ni Heart, at umabot sa pandinig ni Bogz.

"What?" Kunot nuong tanong ni Bogz kay Heart, na tila nagulat naman kaya hindi kaagad nakasagot sa binata.

"Ha!" Napakurap kurap pa ng kanyang mga mata si Heart. Awang pang labi ng bumaling ng tingin kay Bogz.

"Me kelangan ka ba?" Seryosong tanong ulit ni Bogz sa dalaga.

"Ha! Ako?" Tinuro pa ni Heart ang kanyang sarili, na tila di ito makapaniwala na sa wakas kinibo na rin sya ni Bogz.

"Bakit? May ibang tao paba dito? Eh! Ikaw at ako lang naman ang nandito?"

Asik ni Bogz kay Heart na natitigilan, nababasa ni Bogz sa mukha ng dalaga ang kalituhan at pagtataka, marahil sa inaasta nya ngayon ay naninibago na ito sa kanya.

Pumapalakpak na sanang tenga ni Heart sa tuwa, pero biglang natigil dahil beast mode na naman ang binata.

'Ayan na naman po sya! Nagsusuplado na naman sa'kin! Haayy.. Anuba kasi ang problema nya at pakiramdam ko eh, tila allergic sya sa'kin?'

Iniwas ni Heart ang tingin kay Bogz, ayaw na nya itong sagutin, baka kasi mauwi na naman sa bangayan ang simpleng pagtatanong lang. Di nga ba't nung dumating sila dito sa Hospital, matapos maipasok sa emergency room ang mga kaibigan nito, nilapitan nyang binata para sana i comfort kasi nakatulala lang itong nakatingin sa malayo, kaso bad timing sya, kasi nung mga oras na 'yun ay galit na galit ang binata.

Tapos nung magising si Heart sa pagkakahimatay nung nabitawan sya ng Zomblins na tumangay sa kanya, nagtanong din sya nun kay Bogz, kung anong nangyari, pero di rin sya sinagot nito. Ilang araw na nga sila sa Hospital na'to, dipa rin nagku kwento sa kanya ang binata.

Nakakasama na nga ng loob, kasi nagmumukhang tanga na sya kakaantay na magkwento ito sa kanya, o kahit na pansinin lang sana sya, ikatutuwa na nya yun. Kaya lang waley talaga! Tahimik lang ang binata.

Pinansin nga naman sya ngayon, pero pa suplado naman, daig pang dalagang nereregla sa pagka bugnutin at ka mainitin ng ulo eh!

Ng biglang tumunog ang cellphone ni Heart....

♪ ♪ Kay rami ko nang naririnig
Kay raming gumugulo sa aking isip
Sabi nila ikaw raw ay may ibang mahal
Sabi rin nila na tayo'y hindi magtatagal

O kay sakit namang isipin
Mawawala ka sa 'king piling
Kaya't mabuti pa
Wag alamin ang totoo ♪ ♪

Dali daling hinagilap ni Heart ang kanyang cellphone, kapa sa bulsa ng suot nyang pants,,, wala!! Inabot nyang shoulder bag sa katabing upuan..

♪♪ Ayoko nang malaman pa
Na mayroon ka nang iba
Hayaan nang maging manhid itong isipan
'Di na inalam ang totoo
Baka masaktan lang ako
Hayaan nang maging bulag sa katotohanan
Mahal ko ♪♪♪

 Loving A Masochist ꨄ✔💯Where stories live. Discover now