Ziglo ꨄ

57 15 0
                                    

Malayo layo pa si Max sa bahay ni Trixie, naispatan na nyang Alfa Romeo sports car ni Bogz sa gilid ng kalsada, tatlong dipa sa kulay itim na gate.

"Nyeta! Nandito lang pala ang isang 'to, kandahilo hilo pa kaming maghanap kung san saan!"

Inabot nitong cellphone sa dashboard, saka tinawagan ang kaibigan.. Pero, kagaya ng dati, ring lang ng ring ito. Naiinis na hinagis nitong pabalik ng dashboard ang kawawang cellphone.

"Shett! Bakit ba di nito sinasagot ang cellphone nito? Kainis!"

Mas binilisan pa nyang pagmamaneho patungo sa bahay ni Trixie, at ng sapitin nya ito, Pabalibag syang pumarada sa harapan ng kotse ni Bogz.. Akma na syang bababa ng kanyang sasakyan ng mapasulyap sa gate na bumukas. Lumabas dun ang kanyang kaibigan, napailing na lang si Max ng makitang nakalingkis na parang sawa si Trixie dito, dipa nakontento inabot pa nitong pisngi ni Bogz hinaplos haplos bago siniil ng halik sa labi.

"Kenginang babae yan! Lang kasawa sawa sa romansa eh!"

Napataas pang kanyang kilay ng makitang pagdakma ni Trixie sa harapan ng kanyang kaibigan. At ng akmang hihilahin pa nito papasok ng gate si Bogz, dun na sya umeksina. Bumwelo sya't pasigaw na tinawag ang kaibigan.

"Hey! Bro! 911..!"

Sabay pang napatingin kay Max yung dalawang naglalampungan.

"Max?"

"Yow! Come on Bro, hurry up! Zero, needs us!"

Pagkarinig ni Bogz sa sinabi ni Max sa kanya, mabilis ang kilos na bumitaw sya sa kayakap at mabilis na tinungo ang sariling sasakyan. Kahit na panay pang tawag ni Trixie sa kanya, deadma na lang sya't senenyasan si Max na umalis na't susunod na lang sya dito. Mabuti na lang at bagong ligo na sya't bagong laundry ang suot na damit, kaya di sya mukhang haggard ngayon.

"Grabeng babaeng yun! Nakaka drain ng energy.."

Panu ba naman! Simula kahapon.. wala na yata silang ginawa kundi magsex ng magsex.. kain lang ang pahinga nya. Naiiling na inabot nyang cellphone na naiwan sa katabing upuan, saktong nag ring ito pagka open pa lang nya.

'Mom Calling...'

Kaagad nyang sinagot ang tawag ni Tamara. Dipa nga sya nakakapag hello, rumatsada na ang bunganga ng kanyang Ina. Napatapik na lang ng kanyang nuo si Bogz.

"Klyto! Kahapon pa ako tawag ng tawag sa'yo! bakit hindi mo sinasagot ang telepono mo ha? Anong kalokohan na naman bang pinaggagawa mo't dika na naman namin mahagilap? San ka ngayon? Ikaw na bata ka, kapag may babae na namang umiiyak na nagpunta dito sa bahay, malilintikan kana naman sakin..!"

"Mom.. Relax lang po kayo! Kila Paolo lang po ako nagpunta."

"Mabuti naman kung ganun, mabait na bata yang si Paolo, kaya wala akong masasabi kung sa kanila ka lang nagpupunta."

'Puff! Si Pao! Mabait? Haha.. Kung alam mo lang Mom, kung anung nakatago sa maamong mukha ng burdadong yun, baka mapa Dyosmeyong damuho kapa sa kanya!'

Kaya palaging si Paolo ang ginagawa nyang kasangkalan sa Ina, dahil malinis ang pangalan nito sa kanyang pamilya, lalo na kay Tamara. Bilib na bilib kasi ito sa kanyang kaibigan.. Malaki ang tiwala at respeto nito kay Paolo Viena Andrade. Isa sa mga ka brother nya sa underground society na Ziglo..

Ziglo, ang pangalan ng founder ng brotherhood nila, na hanggang ngayon ay hindi pa ulit nya nakikita.. Isang mahiwaga at matalinhaga ang pagkatao ni Ziglo.. Na kung hindi dahil dito, wala na sana sya sa mundong ito. Utang nya ang kanyang buhay kay Ziglo, iniligtas sya nito sa tangkang assassination sa kanya ng kanyang mortal na kalaban sa fraternity. Malaki ang pagtanaw nya ng utang na loob dito, kaya ng magtatag ito ng isang brotherhood society, sya ang unang kasapi nito, at mula ng mawalang parang bula si Ziglo, sya na ang nag patuloy sa nasimulan nitong samahan.. hanggang sa makilala nya isa isa sila Zero, Arrow, Max, Kleiton, Magnus, Lucas at Paolo.. Sa iba't ibang sitwasyon, panahon at pagkakataon nga lang.

 Loving A Masochist ꨄ✔💯Where stories live. Discover now