Chapter Sixteen: The Lies

580 22 37
                                    

➴➵➶➴➵➶➴➵➶SCOUT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

➴➵➶➴➵➶➴➵➶
SCOUT

"ANO, SCOUT? KAYA PA BA?" Tanong ni Cap. Umiling lang ako habang nakatulala pa rin. Natawa naman siya at saka niya ako tinapik sa likod. "Ano? Pogi problems pa more?" Sarakastiko at tumatawa niyang komento bago ininom 'yung shot na nasa lamesa.

Sinamaan ko siya nang tingin. "Hindi niyo kasi ako maiintindihan dahil hindi naman kayo pogi."

"Aba'y siraulo ka talaga no? Ako? Hindi pogi? Mas pogi kaya ako sa'yo!" Sagot ni Cap kaya natawa ako.

"Biro lang naman Cap. Alam ko namang habulin din kayo ng babae noong kabataan ninyo." Sabi ko sabay tawa kaya nakatanggap na naman ako ng isang malakas na hampas sa likod mula sakaniya.

"Gago 'to. Bata pa ako."

"Sige na nga, sabi niyo, e." Nagsalin ako ng alak sa shot glass at saka ininom 'yon.

"Pero teka nga at mabalik tayo tungkol sa problema mo," seryosong sabi ni Cap habang nagsasalin ulit ako ng alak sa shot glass namin. "Anong balak mo ngayon? Sino ba talaga ang gusto mo? Mahirap kasi 'yung ginagawa mo na binibigyan mo sila pareho nang motibo. Kung hindi ka sigurado sa isa dapat bitawan mo na. Hindi 'yung tumatawid ka sa parehong kalsada nang hindi ka sigurado."

Huminga ako nang malalim. "Sa totoo lang hindi ko talaga alam, e. Pati ako nalilito kung sino ba talaga ang gusto ko." Inabot ko 'yung shot glass na halos puno ang laman at saka ko 'yun ininom. Ramdam ko 'yung mainit na pag-guhit sa lalamunan ko noong alak.

"Mabait si Stella, Cap. Masarap siyang kasama, sobra, pero alam niyo 'yun parang may kulang, e. Si Mackenna naman, siya 'yung tipong kahit wala kaming pinag-uusapan at puro ako lang ang dumadaldal madalas ay okay lang. 'Yong tipong kahit pakiramdam ko nakukulitan na siya sa'kin at mapipikon na siya ay tuloy pa rin ako kasi kahit magalit siya sa'kin ay okay lang basta kausapin at mapansin lang niya ako."

"Ayon naman pala, e! May sagot ka naman. Bakit hindi mo muna kausapin si Stella habang maaga pa. Anong nakakalito doon?"

"Pero mukhang bad shot ako kay Mackenna, e. Galit ata dahil nalaman niya 'yung ginawa ko kay Stella. Tapos mukhang may something din sakanila nung pinsan ni Stella."

"Ahh... 'yung sinabi mong blue eyes na umaaligid din kay Mackenna?" tanong ni Cap at tumango lang ako. Captain clicked his tongue while shaking his head. He then gently tapped my back. "Wala ka pala, e. Pogi ka nga, pero tinalo ka ng blue eyes." bulong niya sabay humagalpak nang tawa.

"Funny ka na niyan?" sarkastiko kong sabi at masamang nakatitig sakaniya, habang siya naman halos maiyak na sa katatawa. Napatingin na rin 'yung ibang customer sa bar dahil sa lakas ng tawa ni Captain Mendez. Kung hindi lang talaga mas matanda 'tong si Cap baka nasikmuraan ko na 'to. Kanina pa ko pinagtatawanan nito, e. Namomroblema na nga ako tapos siya ginagawa pang laugh trip lang 'yung problem ako.

One Drunken Night in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon