Chapter Seventeen: The Routine

557 19 8
                                    

➴➵➶➴➵➶➴➵➶MACKENNA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

➴➵➶➴➵➶➴➵➶
MACKENNA

ANG UNANG PUMASOK AGAD SA isipan ko ay kung naka-drugs ba 'tong si Scout dahil kung ano-anong ang sinasabi niya. Eksaktong medyo namumula pa ang kaniyang mga mata tapos sobra siyang pinagpapawisan sa gilid ng ulo niya. Pakiramdam ko talaga wala siya sa katinuan ngayon.

"Jina-judge mo na naman ako no? Ganiyan ka na naman makatingin sa'kin."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa sinabi niya. Akala ko si Savanna lang ang psychic, pero mukhang mas matindi pa 'tong si Scout dahil parang nababasa niya ang nasa isip ko.

I crossed both my arms across my chest and stared at him with a serious face. "Excuse me? I'm not judging you. Masyado kang assuming diyan." Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Weh?"

"Oo nga."

"Okay, sabi mo, e." natatawang sabi niya. I bit my lower lip. Pinipikon na naman niya ako kaya hindi na ako sumagot para makipagtalo. Alam ko namang matatalo ako sa pakikipag debate sakaniya.

Inabot niya ulit 'yung glass of water at saka inubos 'yung laman no'n.

"You're done drinking water now. So, answer all my questions." I demanded. Nakatayo pa rin ako dahil ayaw kong maupo sa tabi niya.

Nagbuntong-hininga siya bago sumandal sa couch ko habang feel at home na nakataas at patong pa ang dalawang braso sa couch at naka-dikwatro ang binti, na parang sanay na sanay na siyang maupo sa couch ko. Hindi nalang ako nag-react dahil baka sabihin na naman niya ay jina-judge ko siya.

"Hindi mo pa nga sinasagot 'yong tanong ko, e."

"What question?"

"Na kung puwede akong matulog ngayong gabi dito."

I chuckled. "Stop kidding around, Scout."

"Hindi naman ako nagbibiro, Mackenna. Tinatanong talaga kita kung pwede akong makitulog ngayon dito."

"What?!" I exclaimed. "Are you serious?!" Nanlaki 'yong mga mata ko. Akala ko nagbibiro lang siya sa sinabi niya kanina. Kasi gano'n naman siya palagi e, mahilig magbiro nang mga ganyang bagay. Lahat dinadaan sa biro.

"Shh..." he hushed me. "H'wag kang maingay. Baka marinig ka no'ng katabing unit at sugurin tayo dito." He whispered. My eyes widened in disbelief.

"Get out." I said with a firm voice while pointing at the door. Siya naman ang nanlaki ang mata ngayon.

"Leave now. You can't just barge in here and ask for a favor to sleep over."

"Gusto lang naman kitang makausap nang maayos."

"Wala naman tayong dapat pang pag-usapan. You're going back to the Philippines and will continue your life back there with Stella. Plus, you'll never see me again, Scout. So, what's the point of us talking?" sabi ako habang siya ay nakatingin lang sa'kin, na para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

One Drunken Night in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon