Chapter I

3.8K 115 3
                                    


            "I'm so dizzy.  I need a break." Sinabi ni Andrea kay Chelsey.

            "You need company?" tanong ng kasama.

            "No, I'm okay. I just need to go to the comfort room." Sagot nito at pagkatapos ay nagpagewang-gewang mula sa dance floor patungo sa c.r. ng night club na iyon.

            Biglang hinatak ni Jake si Chelsey papunta sa table nila. "Bakit ba?" naiinis na tanong nito, pilit siyang pinaupo ng lalake.

            "Okay lang 'yung kaibigan mo?"

            "Maybe. Marami lang yatang nainom kaya ganoon na."

            "Hayaan mo na yon pare, she can handle herself." Wika naman ni Rick na kagagaling lang din sa dance floor.

            "Sigurado kayo huh?"

            Tumango ang dalawa. "We know our friend. She does better more than we do." Sambit ni Rick at tumawa ang dalawa.

            Nag-alala si Jake. Ilang araw pa lang niyang nakikilala si Andrea subalit naging malapit na agad ang loob niya sa dalaga. Sikat ang nakilala niyang mga bagong kabarkada. Mula sa isang sikat din na unibersidad ay lumipat siya sa Arlington Univeristy. Dahil nga gwapo, mayaman, maappeal at isang commercial model si Jake ay agad na napasama siya sa barkada. Kumbaga, they are the so-called Mr. and Ms. Popular ng kanilang paaralan dahil na rin sa status sa buhay at good looks.

            Parang ritwal na sa magbabarkada ang magparty on a Friday night dahil kasunod noon ay weekend at walang pasok. Minsan pa nga ay bar hopping ang gawain nila until everyong gets drunk at magpaumaga na sleeping on someone's car.

            "Ang tagal naman nila Jesse." Narinig niya na sinabi ni Chelsey habang nakatingin ito sa wristwatch.

            "What do you expect? Ganoon talaga ang mga 'yon di ba Marco?" Sagot naman ni Rick at siniko ang katabing lalake. Halata sa mukha nito ang pagkaseryoso na kanina pa hindi nagsasalita simula noong humabol ito sa club. "Hoy Marco, magsalita ka naman, mapapnisan ka na nyan ng laway eh." Dagdag pa ni Rick.

            "Hayaan mo na, kanina pa nga hindi nagpapansinan yung dalawa ni Andrea, may lovers quarrel yata eh." Si Chelsey naman ang sumagot at hinila na si Rick pabalik ng dance floor. Naupo na lang si Jake at tinungga ang isang bote ng beer.

            "Pare, may problema ba?" tanong niya sa katabi.

            Hindi sumagot si Marco. Kahit paglingon at pagtingin sa kanya ay hindi nito ginawa. Patuloy lang ito sa pagkalog ng yelo sa hawak na baso ng beer. Hindi na niya ito kinausap ulit at baka magalit na ito. Napansin niya ang pagdating pa ng ibang kaibigan.

            "Hi guys!! Sorry we're late." Sigaw ni Molly sa dalawang nakaupo.

            "Yeah guys, pasensya na." sabi naman ni Sam.

            "What took you so long?" natanong ni Jake.

            "We took care of so many things!" sagot ni Molly.

            Napansin ni Jake na may bitbit si Molly na isang maliit na plastic bag na may mga laman. Hindi niya maaninag kung ano ang nasa loob sapagkat madilim ang loob ng club.

            "Ano 'yan?" tanong ulit ni Jake at itinuro ang hawak ng kaibigan.

            "Oh this? No-nothing." Sagot nito at itinago ang hawak sa likuran. Narinig ni Jake si Sam na nagbulong dito. Bagama't masyadong maingay sa loob ay narinig niya ang sinabi nito. "Tinago mo na dapat 'yan sa kotse."

The Case of Andrea MillerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora