Chapter V

2.7K 100 0
                                    


                "Kilala mo ba itong babaeng ito?" tanong ni Police Inspector Larry Verano sa nakaupong lalake sa loob ng interrogation room. Nakaposas ang mga kamay nito. Magulo ang buhok at makapal ang bigote at balbas, marumi ang suot na damit at may bahid ng dugo. Binugbog ito ng taong bayan nang tangkang patayin ang isa pa sana nitong bibiktimahin.

                "Hindi ko kilala 'yan. Ngayon ko lang nakita 'yan." Sagot ni Albert Roso habang nakatitig sa litrato ni Andrea Miller. Si Albert ang suspect sa pagpatay kay Andrea. Ang sinasabing serial killer na gumagala.

                "Nasaan ka noong gabi ng November 24?"

                "Nasa bayan ng San Nicolas!"

                "Aamin ka ba o hindi!" galit na tanong ni P/Insp. Verano at hinawakan sa leeg  si Albert. Hinigpitan niya ng hawak dahilan para maghabol ito ng hininga.

                "Tama na 'yan Verano, baka ireklamo ka na ng police brutality n'yan." Pag-awat ng babaeng partner niyang pulis na si P/Insp. Dana Olseco.

                "Eh @#$!&* itong gagong ito eh! Umamin na sa ibang krimeng ginawa pero sa isang biktima, hindi!" sabi niya at binitawan na ang leeg ng suspect.

                Patuloy sa paghabol ng hininga si Albert. "Hin—hindi ko—- nga kila—la 'yan."

                "Ikaw na nga ang bahala d'yan. Umiinit ang ulo ko, lalabas muna ako." Sabi nito at naglakad palabas ng pinto. Dumating na sa presinto ang grupo ng mga kabataan at sinalubong siya sa may labas. May mga tagamedia na ring pilit na pumapasok sa loob subalit pinipigilan sila ng ibang mga pulis.

                "Siya po ba 'yung pumatay sa kaibigan namin?" tanong ni Molly habang nakaturo mula sa salamin ng kwarto.

                Hindi sumagot ang pulis. Bagkus ay nagsindi ito ng sigarilyo.

                "Bawal po 'yan di ba." Puna ni Jesse subalit binugahan siya ng usok sa mukha.

                "Gusto mong ikulong kita?" tanong ng pulis.

                Nabigla si Jesse, bumulong kay Jake. "Anong kasalanan ko?"

                Inabot ng pulis sa kanila ang isang folder habangpatuloy sa paghithit ng sigarilyo, profile data ng suspect. "Confidential po ito di ba? Pwede po ba talaga naming itong makita?" natanong ni Sam.

                Tinitigan siya ng masama ng pulis. Natahimik si Sam. Tiningnan na lamang nila ang ilang impormasyon ng suspect.

PROFILE DATA

NAME: Albert Lodrino y Roso

AGE: 28 years old

OCCUPATION: Carpenter

"Police records, jailed for shoplifting, damage to property, grave threat and attempted rape." Pagbasa ni Chelsey sa kanila.

"Marami na rin palang criminal records ang taong 'yan." Pansin ni Rick.

"At ang pinakalatest nga ay multiple murder na ginawa niya." Sambit ni Jake.

"Hindi pa siya umaamin sa pagpatay sa kaibigan ninyo." Sagot ng pulis.

"Are you sure na isa nga si Andrea sa mga biktima niya? Do you have evidence?" tanong ni Chelsey.

"Because of the circumstances that all of the victims were women and located within the four towns . At isa pa, may nakuhang kutsilyo dito na may bahid ng dugo."

The Case of Andrea MillerWhere stories live. Discover now