Chapter VIII

2.3K 98 3
                                    


                "I'm so sleepy. Can we just go home?"  reklamo ni Chelsey habang nakaupo sa steel chair na nakahilera sa hallway ilang dipa ang layo mula sa kwarto kung saan naroroon si Molly.

                "We can't Chelsey. Kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang nangyari." Sabi ni Sam.

                "Yeah, I know that. Pero may nakabantay na pulis sa labas oh." Turo nito sa nakatayong pulis na malaki ang tiyan sa labas ng pinto.

                "Tama si Chelsey, we should get rest first. We can visit her tomorrow first thingin the morning." Pahayag ni Jake.

                Isa-isa na silang nagtayuan habang humihikab at nagdesisyon nang umuwi sa kani-kanilang bahay. Bukas ay babalikan nila si Molly para malaman kung ano na ang kalagayan nito. Nang makaalis na ang kotse kung saan nakasakay ang magbabarkada ay siya namang dating pa ng isang kotse. Ang sakay nitong suot na nakahoodie ay dahan-dahang pumasok sa loob ng ospital. Nagtanong sa nurse sa front desk kung saan ang tinatanong na room at itinuro naman nito. Nang huminto na siya sa harap ng kwarto ay tinitigan siya ng pulis.

                "Sino ka?" tanong ng inaantok na pulis.

                "Kaibigan ng pasyente."

                "Bawal ang bisita sa loob."

                "Gusto ko lang siyang makita." Sabi nito at nagpumilit pumasok sa loob.

                "Sinabi nang bawal eh!" galit na sabi ng pulis at itinulak ang taong iyon. Natumba ito at nahulog ang keychain na hawak na lalagyan ng susi ng kotse. Pinulot ito ng pulis at tiningnan.

                "Marco."

                Hindi nagsalita si Marco at hinablot na lamang ang keychain at umalis na ng building na iyon. Pinaharurot niya ang sasakyan.

***********************

                Kinabukasan ay maagang nagtungo muli ang grupo sa ospital. Saktong nakita nilang malakas na humihilik ang pulis na nakahiga sa hilera ng upuan. Dahan-dahan silang pumasok sa loob. Nagulat sila sa nakitang natutulog sa tabi ng kama ni Molly.

                "Marco?"  sabay-sabay nilang tanong.

                Bigla namang nagising si Marco at nagpuyos ng mga mata.

                "Paano ka nakapasok dito at bakit ikaw ang nagbabantay?" tanong ni Rick.

                "Umalis ang parents n'ya, may pinuntahan kaya ako na lang muna ang pinabantay nila. Kanina pa ako sa labas eh. Acknowledged na ako ng matabang pulis sa labas. Eh kayo? Bawal ang marami dito."

                "Bakit hindi ka na sumasama sa amin?" tanong agad ni Jesse.

                "Alam mo na ba na si Andrea ay hindi 'yung kalansay na natagpuan?" si Sam naman ang nagtanong.

                Tumingin muna sa kanilang lahat si Marco. "Alam ko na ang lahat ng 'yan dahil sa balita. At kagabi, napanood ko sa t.v. ang nangyari dito kay Molly kaya pinuntahan ko kaagad."

                Pinagmasdan nila ang kaawa-awang kalagayan ni Molly. Nagkumpulan sila sa palibot ng kama kung saan ito nakahiga. Kumukurap-kurap na ang mga mata nito at naigagalaw na ang mga daliri sa kamay subalit hindi pa rin nito magawang imulat ang mga mata o makapagsalita man lang.

The Case of Andrea MillerWhere stories live. Discover now