Chapter VII

2.4K 105 3
                                    


                "Mom? Dad?" pagtawag ni Molly nang makapasok na sa loob ng bahay.

                Nagulat siya nang may kumalabit sa kanya. "Holy sh*t!" napsigaw siya sa takot. Kasambahay lamang pala nila.

                "Manang Viring naman, ginulat mo ako. Nasaan po sina mommy at daddy?"

                "Wala, umalis. May event na pinuntahan.

                "Gabi na ah, saan daw po?"

                "Hindi ko alam eh, basta ang sabi charity event daw."

                "Ah sige po." Sagot niya at umakyat na ng hagdan papunta sa second floor.

                "Molly, hindi k aba kakain ng dinner?"

                "Busog pa po ako Manang, Sam and I decided to eat first before going home."

                "Ah okay, kung gutom ka, may pagkain naman sa kusina."

                "Thanks Manang!"

                Pumasok na siya sa kwarto at agad na hinubad ang damit. Binuksan niya ang closet at kinuha ang pajamang pangtulog. Habang nagbibihs siya ay napansin niyang natumba ang picture nilang magbabarkada. Nagtaka siya pero ibinalik na lang niya sa dating pagkakatayo. Bagaman malapit na ang summer ay nakaramdam siya ng lamig ng hangin mula sa labas. Nagtaka na naman si Molly dahil naalala niyang isinara niya ang bintana bago umalis ng bahay. Pagkatapos magbihis ay kinuha na agad niya ang diary ni Andrea n kasinlaki ng isang notebook mula sa bag at binuklat. Nakita niyang may mga nakadikit doong maliliit na pictures nilang magbabarkada. Nagbasa siya ng mga nakasulat sa diary. Ang ilan ay mga ginawa lang ni Andrea sa buong araw.

September 27, 2011

Dear Diary,

                I hate Marco! Bakit ganoon siya sa akin? I feel like I'm not his girlfriend. I feel like I'm just a stranger. Pati friend ko pinapatulan! Parang wala siyang girlfriend! I seriously want to kill both of them right now!

-Andrea

                Napahinto si Molly sa pagbabasa, inalala ang mga nangyari noong araw na 'yon.

*flashback*

                Naglalakad si Molly papunta sa pantry ng kanilang school nang sadya niyang banggain si Marco na may hawak na isang cup ng juice.

                "Oh my God Marco, I'm so sorry!" sabi ni Molly nang makitang nabasa ang damit ni Marco. Kinuha niya ang sariling panyo at pinansan ang damit.

                "No, Molly, it's fine! I'm okay."

                "Sure?"

                "Yeah, I have an extra tshirt inside my locker room."

                "I'm really really sorry." Pag-ulit niya at niyakap si Marco at hinalikan sa pisngi bago tumakbo paalis. Sakto namang dumaan sina Andrea at Chelsey at nakita ang pangyayari. Tiningnan lang niya si Marco at dumiretso na ng lakad.

                "Biruin mo 'yon, walang sinabi si Marco sa akin? Parang walang girlfriend na dumaan sa harap niya. Hindi man lang nag-explain sa mga nakita ko, and that girl Molly! I thought we were friends. Halata namang nilalandi n'ya 'yung boyfriend ko!" galit na kwento ni Andrea.

The Case of Andrea MillerWhere stories live. Discover now