Chapter II

2.9K 99 1
                                    


"Let's get the party started!" sigaw ni Rick sa mga kasama at binuksan ang stereo ng kotse. Isang malakas at masiglang tugtog ang sinabayan nila ng pag-indak.

                                      Lahat ay masayang-masaya habang sumasayaw, nakapalibot sa ginawa nilang bonfire at may mga hawak silang lata ng beer. Pansin ni Jake na bagaman masaya ang vibes ng kanilang party ar ramdam pa rin niyang may problema si Andrea, pinipilit lang nitong mag-enjoy. Hindi pa rin nagkikibuan ang magboyfriend.

                "Akala ko ba nahihilo na si Andrea, bakit pilit pa rin siyang umiinom?" bulong niya kay Chelsey.

                "Eh hayaan mon a ganyan talaga 'yan. Siguro sinasadya niya para mapansin siya ni marco at pigilan. Kayong mga lalake dapat alam n'yo rin 'yung mga hint na binibigay ng babae sa inyo. Minsan kasi 'yung gusto naming mga babae ay hindi namin sinasabi directly, minsan kailangan n'yo din naman magets, huwag pairalin ang pagiging slow." Sagot nito.

                Nakita niyang bumulong si Molly kay Andrea at umurong ang dalawa at nagtungo sa may kotse ni Marco. Dahan-dahan siyang naglakad malapit sa kanila at kunwari'y sumasayaw pa rin subalit ginawa niya iyon para makitang mabuti ang ginagawa ng dalawa.

                Kinuha ni Molly ang isang plastic bag niya at may dinukot dito. Ito rin ang parehong supot na nakita niya sa club. Nakita niyang may kinuha si Molly na maliit na bagay at inilagay sa beer na hawak ni Andrea. Nagtaka siya sa kung ano ang ginawa ng dalawa. Pero hindi na niya masyadong inisip pa iyon at nag-enjoy na lamang sa party.

                Samantalang habang nagkakasiyahan ang grupo ay nakaupo lamang si Andrea sa isang torso sa may di kalayuan habang umiinom ng beer. Halata sa mukha nito ang malalim na iniisip. Nilapitan siya ni isang lalake at umupo sa tabi.

                "Oh it's you."

                "Halatang may iniisip ka. Matagal mo na akong hindi kinikibo."

                "Pwede ba Marco hayaan mo muna ako makapag-isip!"

                "Ano ba kasi 'yan? Pwede mo namang sabihin sa akin!"

                "Sabihin ko man sa'yo ay wala rin namang mangyayari. You always treat me like I don't even exist!"

                "Ano bang pinagsasasabi mo? You know that I am very supportive."

                "Oh yes you are!" sarkastikong sabi ng babae.

                "You can just tell me."

                "Gusto mong malaman? Gusto mo talagang malaman???? Halika!" sabi ni Andrea, bigla itong tumayo at hinila si Marco papunta sa kakahuyan. 

                "Anong gagawin natin dito?"

                "You seriously have no idea? O nagbubulag -bulagan at nagtatanga-tangahan ka lang? You didn't notice anything????"

                "Anything what?"

                "Oh my God Marco, you are so dumb, insensitive and stupid! I can't believe that you are my boyfriend! Marco, buntis ako! Buntis! Preg-nant!!!!"

                Hindi agad nakapagsalita ang lalake. "I knew it."

                "I knew it? So 'yun lang ang masasabi mo?"

The Case of Andrea MillerWhere stories live. Discover now