Chapter IX

2.2K 105 0
                                    


                "Seryoso ka ba d'yan sa sinasabi mo P/Insp Verano?" naiinis na tanong ni Chelsey. "You just showed us few minutes ago the footage taken from the hospital! Si Andrea ang pumasok sa kwarto ni Molly! She obviously killed her! And now you're telling us, nawawala si Andrea? C'mmon." Dagdag pa nito.

                Naisip ni Jake na panahon na para sabihin niya ang nalalaman. "Sir, I have to tell you something." Bigla niyang sabi. Natahimik lahat.

                "Sir, Andrea told me the night before she disappeared that Marco tried to kill her."

                "What? What the heck is that Jake?" gulat na sabi ni Marco.

                "Just please Marco, tell the truth."

                "I-I couldn't——-" tinitigan ni Marco ang ibang kasama. Halata sa mga ito na sumasang-ayon kay Jake.

                "Totoo ba 'yang sinasabi mo? Dahil kung hindi, alam mon a ang mangyayari." tanong ng pulis.

                "Yes sir, Andrea told me that."

                "That's not true! You guys are throwing me under the bus!" sumisigaw na ang inaakusahan. "I thought we are friends." Sabi pa nito.

                Lumapit si Jake sa kanya at bumulong. "I tried to reach out for you pero wala, we're not friends, and we will never be. It's time for you to pay for what you have done."

                Galit na sinuntok ni Marco si Jake. Natumba ang huli sa sahig dahil sa malakas na pagkakasuntok sa kanyang panga. Susuntukin pa sana ulit siya nito subalit inawat na siya ng mga naroroong pulis. Ilang saglit pa ay nakatanggap ng tawag si Verano.

                "Ah ganoon ba, sige, sige." Sabi nito sa kabilang linya. Tumayo at naglakad palabas. "Walang lalabas ng kwartong ito hangga't di ko sinasabi!" utos ni Verano.

                Napangiti si Verano dahil may solid na siyang lead.Siguradong si Andrea nga na biktima ngayon ay ang salarin naat siya ring pumatay sa kaibigan nito dahil sa cctv footage ng ospital.

***********************

                Mahigit talumpung minutong nagbyahe si Verano sakay ng police car nang makarating na pamilyar na lugar na sinabi ng kapwa pulis — Timber Grove. Pagdating niya ay marami na kaagad media na nakapalibot sa lugar.

                "Isang pamilya ang pumunta dito, 'yung bunsong anak, nawala 'yung bola kaya hinanap nito pero ito ang natagpuan niya." Paliwanag ng pulis at itinuro ang isang bangkay na nakahiga at natatkpan ng mga tuyong dahon at halaman ang katawan. Wala na itong saplot pero hindi na naaagnas, malapit na sa pagkakalansay. Ibig sabihin, matagal na itong patay.

                Samantala, habang nasa presinto ay napanood nila ang balita tungkol sa nadiskubreng bangkay sa Timber Grove.

                "Oh my God." Nasabi na lamang nilang lahat.

                Matagal ding naghintay ang magkakaibigan sa presinto nang bumalik si Verano.

                "May natagpuang bangkay sa Timber Grove. Sa ngayon ay inaalam pa kung sino ito." Balita niya.

                Nabigla ang mga taong naroroon.

                "Pwede na muna kayong umuwi maliban sa'yo." Turo niya kay Marco.

The Case of Andrea MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon