Ralna: 4

37 8 21
                                    

"ANONG plano mo?" Diretsahang tanong ko kay Wayan nang makapag-ayos na ako. Inabutan ko sya sa labas na tinitingnan ang mga tanim ko.

"Mahilig ka pa rin sa mga bulaklak." Sabi nya na parang hindi narinig ang tanong ko.

Naapektuhan din ba ng ritwal ang pandinig nya?

"Tinatanong kita kung anong plano mo? Kung inutusan ka ni ama na ibalik ako--"

"Hindi nya ako inutusan na ibalik ka." Natigilan ako sa sagot ni Wayan.

Oo nga naman. Sino ba ako para ipahanap pa nya at pabalikin gayong sinaktan ko ang susunod na reyna ng Vadronia? Alam ko naman 'yon, pero bakit ang sakit pa din sa damdamin ko na marinig 'yon sa iba?

Napansin siguro ni Wayan ang pangingilid ng luha ko dahil biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nya. Humugot ako ng malalim na hininga para pigilan ang nagbabantang mga luha.

"Kung gano'n... bakit ka pa nandito?" Lakas-loob na tanong ko.

"Gusto kitang makita."

Ano?

That question must have been written all over my face.

"Wala ka sa Vadronia pagbalik ko. At gusto kitang makita." Pag-uulit nya pa.

Napalunok ako. Anong problema ng lalaking 'to? Ah, hindi. Noon pa man ay alam ko nang may pagka-weirdo si Wayan. Ako ang problema. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya?

"Anong plano mo?" Tanong nya nang hindi ako nagsalita.

"H-ha? Plano ko?" Takang tanong ko din. Tumango sya.

"Plano mo ngayong araw." Paglilinaw nya.

"Ahhh..." Akala ko naman ay kung ano. "May trabaho ako." Sagot ko.

Nakita kong namilog ang mga mata nya dahil sa sinabi ko. Tinaas ko ang kamay ko bago pa sya makapagsalita.

"Bilang mortal na tao ay kailangan kong mag-trabaho para mabuhay, okay? Wala kang magagawa." Sabi ko at dire-diretso na nilayasan sya.

Ilang minuto lang ng paglalakad ay nasa Dazzle café na ako. Si sir Asher agad ang nakasalubong ko pagpasok.

"How was your night? Was it great?" Tanong nito sa akin.

Muntik ko nang sabihin na "hindi" pero pinilit kong ngumiti.

"Hindi ko namalayan na umalis ka na pala, naihatid sana kita." Sabi nito.

"Ha? Hindi na naman kailangan, sir. Kaya ko naman." At isa pa, ayokong malaman ng kahit na sino ang bahay ko.

Well, that plan's busted. May isa nang nakakaalam kung saan ako nakatira. Si Wayan.

"I see. Anyway, I hope you keep on joining such events in the future." Nakangiting sabi ni sir Asher. Tinapik nya ako sa balikat at naglakad na sya palayo.

Pag-alis nya sa harap ko ay nagulat ako dahil si Wayan na ngayon ang nakatayo sa pwesto nya. Naka-kunot ang noo nya habang nakatingin sa akin na para bang inuusig ako.

Sinipat nya pa si sir Asher na ngayon ay nasa counter bago binalik sa akin ang tingin nya. Umiling sya na para bang may ginawa akong masama tapos ay naglaho.

Ha? Ano 'yon?

Napailing na lang din ako sabay pasok sa crew room para magpalit ng damit.

MATATAPOS na ang shift ko pero biglang dumagsa ang tao. Absent ang dalawang crew namin kaya naman apat lang kaming nasa selling area. Si Misha ang nasa cashier habang ako at si Jea naman ang nagse-serve. Si Matt ay nasa kitchen at nag-aayos ng orders.

"Anong meron, bakit biglang dumami ang tao?" Tanong ni Jea na kanina pa parang naguguluhan sa pagse-serve nya.

"Mga galing sa rally ang mga 'yan. Tingnan mo at mga naka-uniporme pa ng damit." Sagot ni Misha.

Hindi ko alam kung anong rally ang tinutukoy ni Misha pero napansin ko ngang pare-pareho sila ng kulay at disenyo ng damit.

"Oh, ito na. Table seven." Sabi ni Matt at inilapag ang tray na may laman na apat na blueberry flavored drinks.

"Ako na.", Nakangiting sabi ni Jea. "Malapit ka na mag-out. Magpalit ka na ng damit." Sabi nya sa akin. Tumango lang ako.

Papasok na sana ako sa crew room nang marinig ko ang tilian ng mga customer kasabay ng parang nabasag. Mabilis akong tumakbo pabalik.

"Sorry po, sorry po." Paulit-ulit na hingi ng tawad ni Jea sa babaeng customer. Namumula ang mukha nito sa galit at hiya, samantalang si Jea ay mangiyak-ngiyak na.

Lumabas galing sa kitchen si Matt pero pinabalik ko sya at inutusan na kumuha ng mop.

"Ang tanga-tanga mo kasi! Hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo!" Sigaw nung babae kay Jea sabay tulak dito.

Payat na babae si Jea at malaking tao 'yong babae na tumulak sa kanya kaya naman mabilis syang napaupo sa basang sahig. Nakita kong natukuran ni Jea ang bubog ng baso. Akmang sasaktan ulit ng babae si Jea pero mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"Teka lang po." Awat ko sa babae. "Jea, ayos ka lang?" Tanong ko. Tumayo sya at tumango kahit halata naman na hindi. Dumudugo na ang siko at palad nya.

"Tsk! Isa ka pa!" Galit na sigaw no'ng babae sabay tulak din sa akin. Pero nagulat sya nang hindi man lang ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tiningnan ko lang sya ng masama. "Hmp! Bwiset makaalis na nga!" Sabi nya at nag-martsa palabas kasunod ang dalawa nyang kasama.

Gusto ko syang hilahin pabalik at ibitin sa mga ilaw sa Dazzle café pero pinigilan ko ang sarili ko. Hingang malalim, Ralna.

"Anong nangyari?" Tanong ni sir Asher nang lumabas sya galing sa opisina nya. Kasunod nya si Matt na may hawak na mop.

"Nadulas lang po, sir. Pasensya na po. Babayaran ko na lang ito." Sabi ni Jea sabay turo sa mga kalat.

Bago pa makasagot si sir Asher ay narinig namin ang pagtili ng babae sa labas ng café. Nagtakbuhan kami palabas.

Inabutan namin ang malaking babaeng kanina na ngayon ay nakatihaya sa gilid ng kalsada. Putikan ang damit at mukha nya. Nadulas yata. Pinigil ko ang sarili kong matawa sa itsura nya.

"Paanong nagka-putik doon eh hindi naman umuulan nitong mga nakaraang araw?" Nagtatakang tanong ni Matt habang nakasilip din.

Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko si Wayan na nakasandal sa puno ng mangga habang nakatingin din sa babaeng nasa gilid ng kalsada.

Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa.

Ralna: Engkanto Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon