Ralna: 10

33 7 6
                                    

LUMIPAS ang mga araw, bahay at trabaho lang ang ginagawa ko tulad ng nakagawian. Inilagay si Wayan sa panggabi na schedule kasama ni Jea, samantalang ako, si Misha at Matt ang nasa pang-umaga. Sa mid shift ay nagpa-pang abot kaming lahat.

Bihira kami makapag-usap ni Wayan. Hindi ko din alam kung bakit. Ako ba ang umiiwas sa kanya? O sya ang umiiwas sa akin? Kapag nasa bahay kasi ay hindi rin kami nagpa-pansinan mula noong gabing pinag-usapan namin sila Ranaya at Zeev.

Kapag nasa Dazzle naman ay hindi rin kami makapag-usap dahil sa dami ng tao. Nakakapagtaka na sa tuwing shift ni Wayan ay talaga naman na ang daming customer at karamihan ay mga kabataang babae. Madalas kasi na customer namin noon ay mga college students na gusto ng tahimik na lugar para mag-aral, o di kaya ay mga nagtatrabaho na gusto lang mag-relax at mag-kape.

Pero ngayon, kahit mga highschool yata ay dinadayo kami. Tulad ngayon.

Nakita ko ang dalawang babae na nagpa-picture pa kay Wayan bago umalis. Kilig na kilig pa ang dalawa habang naglalakad sa kalsada.

"Wow. Parang artista si Wayan ah!" Hagikgik ni Misha nang dumikit sa akin.

"Artista?" Tanong ko. Ah, oo. 'Yong mga napapanood sa tv.

"Ang dami kasing nagpapa-picture sa kanya lagi." Paliwanag ni Misha.

Naglakad palapit sa amin si Wayan. Nang magtama ang mga mata namin ay agad akong napaayos ng tindig. Hinanda ko ang sarili ko in case na kausapin nya ako kahit sa isip ko lang.

Pero parang kinurot ang puso ko nang daanan nya lang ako. Nilingon ko sya nang makalampas sya sa amin.

Kainis!

"Oh, wag mo dyan pigain ang basahan. May lababo tayo." Biro sa akin ni Misha. Hindi ko namalayan na nalukot ko na pala ang basahan na hawak ko.

Inirapan ko si Misha pero tinawanan nya lang ako. Binigay ko sa kanya ang basahan at bumalik sa counter.

"Ralna, see you later." Sabi ni sir Asher nang sumulpot sya sa counter.

Oo nga pala. Pumayag akong lumabas kasama si sir Asher ngayon. Hindi para makipag-date kundi para linawin sa kanya na wala akong nararamdaman para sa kanya.

"Sige, sir." Sabi ko. Matamis ang ngiti nya bago tumalikod. Lalo naman akong na-guilty.

Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na ito ang tamang gawin ko. Napakabait ni sir Asher sa akin at masakit din sa loob ko ang gagawin ko, pero hindi ko kayang paasahin sya sa wala.

"Bye, sir. Ingat po." Masayang paalam ni Misha sabay takbo palapit sa akin.

Binigyan nya ko ng nanunuksong tingin.

"Magde-date kayo 'no? Yiieee." Pang-aasar nya.

Bigla naman lumabas si Wayan mula sa kitchen na may dalang tray ng cakes at cookies.

"H-hindi 'no! Hindi iyon date!" Natatarantang saway ko kay Misha.

Narinig ba ni Wayan ang sinabi ni Misha? Tsk! Ayokong magkaroon sya ng maling impresyon sa akin.

Nakita kong tumingin sa akin si Wayan pero walang ekspresyon ang mukha nya. Tapos ay mabilis na pumunta sa isang table.

Hah! Tingnan mo kung paano sya ngumiti sa mga babaeng 'yon habang ako ay hindi nya man lang makausap, inis na bulong ko sa isip ko habang tinitingnan si Wayan at ang tatlong babaeng kinakausap nya.

Deserve mong hindi makapagsalita! Hmp!

DINALA ako ni sir Asher sa isang old-fashioned restaurant. Kahoy ang yari ng kabuuan ng restaurant. Maging ang mga upuan at mesa nila ay kahoy din na inukitan ng bulaklak na disenyo.

Sa gitna ng restaurant ay may tatlong puno ng kawayan na napapalibutan kulay puting ilaw. Napangiti ako. Ang ganda nilang tingnan!

"I'm so glad, pumayag ka din sumama sa akin na kumain sa labas. I mean, na tayong dalawa lang." Sabi ni sir Asher habang naghihintay kami ng pagkain na inorder namin. He gave me this cute shy smile.

Ngumiti din ako.

"Salamat sa pag-yaya, sir." Pormal na sagot ko.

"I was hoping you'll accept my other offer, too." Sabi nya. At alam namin pareho kung ano ang tinutukoy nya.

"Sir." Tumikhim muna ako bago ituloy ang sasabihin. "Sorry, sir. Pero hindi ko matatanggap ang nararamdaman mo para sa akin." Diretsong sabi ko.

Nalungkot ang mukha ni sir Asher at muntik ko nang pagsisihan ang sinabi ko. Ayoko syang saktan sa kabila ng mga pinamalas nyang kabutihan. Pero ito ang tamang gawin.

"I understand." Nakangiting sabi ni sir Asher nang makabawi. "I appreciate your honesty." Dagdag nya.

Nagpasalamat ako nang dumating ang pagkain dahil hindi ko alam ang susunod kong sasabihin.

"Let's eat." Aya ni sir Asher matapos mailatag ng waiter ang mga pagkain namin sa mesa.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita ulit sya.

"May tanong ako, sana maging honest ka pa din this time." Hindi pa man nasasabi ni sir Asher ang tanong nya ay kinabahan na ako. "Is it Wayan?"

Nabulunan ako sa sinabi nya. Mabilis kong inabot ang baso ng tubig pero muntik na 'yong matapon. Buti na lang at naagapan ni sir Asher at iniabot sa akin.

"Malinaw na ang sagot." Natatawang sagot nya. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang table napkin.

"S-sorry, sir." Nahihiyang sabi ko. Umiling sya at nagpatuloy sa pagkain.

"It was quite obvious. Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling pareho pero mukhang matagal na kayong magka-kilala. At sa tingin ko ay pareho din kayo ng nararamdaman ni Wayan. I can see the way he looks at you." Sabi nya.

Hindi ko na naman alam ang sasabihin. Alam kong umamin sa akin si Wayan ilang gabi na ang nakalipas pero ngayon hindi ko na sigurado kung seryoso ba sya sa lahat ng sinabi nya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ralna: Engkanto Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon