Messenger

302 8 1
                                    

Bughaw na may pagkalilang kulay 'yan ang karamihang gamit ng mga tao,
Bughaw na may pagkalilang kulay 'yan ang gamit sa umaga, tanghali, at gabi.
Bughaw na may pagkalilang kulay 'yan ang mabilis na paghahatid ng mensahe.

Palagi kitang gamit sa chat,
Palagi kitang gamit sa tawag,
Palagi kitang gamit sa komunikasyon,
Palagi kitang gamit sa lahat ng bagay.

Nagtanong ako sa group chat lahat ng kaklase ko nagseen lang,
Nagtanong ako kung kailan darating ang order ko nablocked ako scam pala,
Nagtanong ako sa asawa ko kung nasaan na siya at nalaman kong nasa kabit niya pala.

Hindi mo akalaing gamit ka sa kalokohan,
Hindi mo masasabi na gamit karin sa kasamaan.

Ang layunin mo lamang maghatid ng mensahe.
Ang layunin mo lamang magbigay ng impormasyon.
Ang layunin mo lamang magpasaya ng kung sino man.

Malayang tula
May 02, 2022.
Messenger

Collection Of Short Poetries Written By: supremejamWhere stories live. Discover now