Ilog

212 8 0
                                    

Bata pa lamang ako madalas kaming magpunta sa 'yo,

Madalas kaming magtampisaw at magbabad sa tuwing sasapit ang tanghali,

Ang daloy ng tubig sa 'yo ay mala kristal sa linis at ganda,

Napatitig ako sa 'yo minsan dahil sa mala salamin mong repleksyon.

Lugar na tagpuan karin namin kapag kami ay naglalaro ng aking mga kasama.

Kay ganda mong pagmasdan lalo't ang temperatura ay nakapalamig at sariwa ang hangin.

Pero ang lahat ng ’yon ay alala na lamang.

Oras, araw, buwan, taon, at dekada ang lumipas para bang lumipas din ang iyong ganda.

Sa tuwing nakikita kita itim ang dumadaloy sa 'yong tubig.

Masang-sang na amoy at mga basurang tila ba mga palamuti sa gilid ang nakalutang.

Sa pagdami ng tao sa paligid mo unti-unti ka ring nasisira.

Kailan ba babalik ang sigla ng iyong kagandahan?

Kung kaming mga nilalang ay hindi marunong magpahalaga ng kapaligiran.

Malayang tula.
May 05, 2022.
Ilog

Collection Of Short Poetries Written By: supremejamWhere stories live. Discover now