Mahal pa kita

256 8 0
                                    

Mahal pa kita,
Nung una nating pagkikita nagbago ang lahat,
Mahal pa kita,
Dahil noon naging matalik tayong magkaibigan,
Mahal pa kita,
Sapagkat nagtapat ka ng pag-ibig sa 'kin,
Mahal pa kita,
At sinagot kita dahil parehas tayo ng nadarama,
Mahal pa kita,
Kasi halos ilang taon na ang ating pagsasama,
Mahal pa kita,
Ngunit nagbago ang takbo at nanlamig ang ating pagmamahalan,
Mahal pa kita,
Kahit alam kong may minamahal kanang iba,
Mahal pa kita,
Kasi masaya ako na may anak kana sa iba,
Mahal pa kita,
Dahil binibigyan mo pa ako ng mga naggagandahang bulalak,
Mahal pa kita,
Sapagkat dinadalaw mo akong mag-isa sa 'king puntod,
Mahal pa kita,
Dahil ang pagmamahal mo'y mananatili sa 'kin hanggang sa kamatayan.

Malayang tula
May 04, 2022.
Mahal pa kita.

Collection Of Short Poetries Written By: supremejamWhere stories live. Discover now