Bundok

161 7 0
                                    

Kay taas mong titigan,
Kasing taas ng aking pangarap,
Nasa ibaba palang ako nag-uumpisa,
Maraming pagsubok at paghihirap ang aking nadarama,
Kay hirap mong akyatin,
Kay tarik mong daanan,
Parang mga balakid at suliraning aking nararanasan,
Pero ayos lang basta't magtiwala lang,
Darating din ako sa dulo,
Sa dulo ng aking pangarap,
Na masasabi kong nagbunga ang aking pinaghirapan,
Lumingon ako sa ibaba,
Nakikita ko maraming umaakyat na papunta pa lamang,
Ngayon oras na para ako'y bumalik,
Upang ipamahagi ang aking karanasan sa iba.

Malayang tula
May 08, 2022
Bundok

Collection Of Short Poetries Written By: supremejamWhere stories live. Discover now