Chapter 1

179 16 1
                                    

Chapter 1 : Syinara's POV

"I need to transfered you in my University, Hija. You can't say no. Don't worry about your tuition. I'll take care of that."

Napairap nalang ako sa hangin nang maalala muli ang sinabi ni Tito Jie. Maayos naman na ako sa pinag aaralan ko. Bakit kailangan pa akong ilipat? Hindi naman ako pwedeng tumangi dahil siya na ang nag aalaga sa akin.

Wala na si mama. Iniwan na nya ako. Iniwan na ako ng lahat. Wala na akong pamilya. Bukod sa kanya, may kuya at papa pa naman ako pero nasaan sila? Wala. Nasa ibang pamilya at nagpapakasaya. Nagpapakasarap sa buhay habang maging halos impyerno ang buhay namin ni mama.

Sila ang pinakasusuklaman ko sa lahat. Wala man lang sila kahit sa burol ng mama ko. Ano pa bang aasahan ko? Umiyak sila? Lumuhod para humingi ng tawad? Bumawi para sa kapatawaran namin? Kapatawaran ko? Bumalik na parang walang nangyari? Hindi. Hinding hindi mangyayari 'yan.

Masyado na silang mataas at kami ay masyadong mababa. Pamilya kami pero parang ang layo na nila. Yung pamilya na sobrang saya dati, nawala ng parang bula dahil sa isang kasalanan na hindi ko aakalain na gagawin nila.

Tumingin ako sa langit habang nasa isang duyan dito sa park. Isang luha ang pumatak sa mata ko. Bakit naging ganito buhay ko? Bakit ako iniwan ng lahat? Si mama nalang ang natitira sa akin eh. Pero bakit pati siya kailangan akong iwan? Ganoon na ba ako kamalas?

Hindi ko na hiniling na bumalik pa si Kuya at Papa. Kung masaya na sila sa buhay nila, edi mabuti. Simula nung iwan nila kaming dalawa ni mama sa kalsada na punong puno ng putik sa katawan at nauulanan ay tinanggalan narin nila ang sarili nila ng karapatan sa buhay namin. Hindi nila kami tinulungan kahit man lang para pasilungin. Wala silang puso.

Pagkapos ng dalawang taon, heto ako. Walang natira sa akin. Walang wala. Kahit bahay na matutuluyan. Nilamon ng apoy ang bahay namin. Natutulog ng mahimbing ang mama ko non. Pero bakit sa ganoon paraan siya magigising? Bakit? Bakit kailangan niyang magising na nasusunog ang katawan niya hanggang sa mawalan siya ng buhay? Bakit hindi nalang ako? Hindi deserve ng mama ko na maging ganoon ang buhay niya. Gusto ko pa siyang makitang masaya at ngumiti ng hindi peke na hindi ko nasisilayan nang dalawang taon.

Hindi ko namalayan na humahagulhol na pala ako. Kahit sa huling hininga niya, ako ang inaalala niya. Bago siya mawalan ng buhay, may ibinato siyang isang box sa bintana. Nang buksan ko 'yon, naglalaman 'yon ng twelve thousand at isang sulat mula sa kaniya. Sinulat niya 'yon habang nasusunog ang bahay. Sinulat niya 'yon kahit nasa piligro ang buhay niya. Sinulat niya 'yon habang iniisip ang kapakanan ko at ipinagsawalang bahala ang init sa loob. Sinulat niya 'yon para sa akin. At ang pera na iyon, inipon niya pala iyon para sa akin.

"B-bakit... Bakit mo ginawa 'yon, m-mama?" Mahinang tanong kong muli sa hangin habang lumuluha.

Saglit pa akong umiyak doon hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko 'yon. Si Clark.

"O-oh?" Paos na bungad kong tanong nang masagot ang tawag.

"Totoo ba? Totoo ba? Lilipat ka dito sa University? Woah! First time 'to ah!" Bungad naman niya.

Pinunasan ko ang natitirang luha sa mukha ko at tumikhin bago siya sagutin. "Oh ano naman? Ayoko ngang pumayag dahil makikita ko nanaman ang pangit mong pagmumukha pero no choice naman ako dahil kay Tito Jie." Sabi ko.

Rinig ko ang OA niyang pagdaing at paniguradong nakahawak 'yan sa dibdib na parang nasasaktan sa sinabi ko. As usual sa kaniya. Hindi pa talaga siya nagbabago.

"Aray! Grabe ka naman! Pasalamat ka nga may kaibigan kang pogi! Sus! Akala mo hindi ko alam na may crush ka sa akin dati?" Pang-aasar niya.

Napanganga ako. "Ulol! Dati 'yon! Huwag mo na akong tatawagan dahil masusuntok talaga kita pag nag kita tayo!"

The Heirs (On-Going)Where stories live. Discover now