Chapter 6

70 13 0
                                    

Chapter 6 : Syinara's POV

Natapos ng matiwasay ang lunch break. Agad akong tumayo at pumunta sa roof top nang walang nakakapansin. Ayoko ng istorbo. Gusto kong matulog.

Nang makarating sa roof top, napangiti ako ng malanghap ko ang sariwang hangin. Heto ang gusto ko. Relaxing. Kaagad akong kumilos para makahanap ng mahihigaan. Pero wala naman akong nakita. Mukhang no choice ako. Sa sahig ako matutulog.

Naghanap muna ako ng pwedeng gamiting pang latag para hindi ako mahiga sa mismong semento. Hindi naman ako nabigo kaya agad kong ginamit ang karton na nakita ko sa gilid at nahiga. Kumuha akong muli ng earphones at nagsimulang magpatugtog at pinikit ang mata.

Nagsimula nanaman bumalik sa akin ang mga ala ala ko dati.

"Bunso, kailangan namin umalis ni papa..."

Kailangan nyong umalis? Bakit? Paano kami ni mama? Mas importante ba sila kesa sa amin? Kuya, kapatid mo ako. Kabit 'yan ni papa! Bakit... bakit mas ginusto mong sumama sa kanila?

"Hindi mo na kami kailangan pang lapitan, Syinara. Sumama ka na sa mama mo."

Bakit papa? Bakit ayaw mo na akong palapitin sa iyo? Sa inyo? Wag kang mag alala. Tutuparin ko ang sinabi mo. Alam nyo, kung nandito parin kayo sa tabi ko, malamang ay buhay parin si mama. Pero hindi. Nagpapakasaya kayo sa luho ng kabit mo. Mas pinili mong unahin ang pangangailangan mo kesa sa pagiging tatay at asawa mo.

"I'm sorry, Syinara. I... fell out of love. Take care."

Fell out of love... ganoon na ba kapangit ang pagkatao ko at nawawala ang pagmamahal nyo sa akin? Feeling ko, hindi ako sapat sa lahat. Feeling ko, kulang ako. Nag kulang ako. Pero saan? Bakit hindi mo sinabi? Bakit kailangan mo pang iwan ako? Kung kailan kailangan kita? Kung kailan kailangan ko ng masasandalan? Bakit wrong timing ka? Torture ang ginawa mo eh. Sana nakipaghiwalay ka after 1 month man lang pagkatapos ng nangyari sa amin nila papa. Pero hindi eh. Sa araw na umalis sila papa, doon ka rin umiksena.

Madalas hindi ko maintindihan ang buhay eh. Bakit may mga taong malas at may mga taong swerte? Hindi ba pwedeng pantay? Pwede bang swertihin naman ako? Wag yung puro malas? Sawa na ako...

I didn't expect anyone to accept me. Gusto ko lang na may masasandalan ako pag oras na umiiyak na ako. Gusto ko ng may tao akong makakausap para masabi ang nararamdaman ko. Gusto ko lang na may taong magbibigay ng comfort words and advice sa akin. Kahit 'yun lang. Mahirap ba ibigay 'yun?

"Hindi ka parin nagbabago..."

Napadilat ako ng wala sa oras dahil sa gulat ng may magsalita. Tumingin ako sa taong 'yun. Sumama ang timpla ko.

"Bakit? Kailangan ko bang magbago?" Sarkastikong tanong ko.

"Hindi naman... kamusta na pala sya?" Tanong nya.

Tumawa ako ng pagak pero halata sa akin ang inis. Gago ba sya?! Kapal naman ng mukha nyang magtanong nyan.

"Hulaan mo. Bibigyan kita ng bahay at lupa kung sakaling mahulaan mo." Sabi ko at pumikit ulit.

Napansin kong napatahimik sya. Hindi ko nalang sya pinansin at pinikit lang ang mata ko kahit alam kong nakatitig sya.

"Huwag mo akong titigan. Hindi nakakatuwa." Sabi ko pa.

"Ikaw... kamusta ka?" Biglang tanong nya ulit.

"Handa ng mamatay." Biro ko dahil wala akong magawa. Trip ko magbiro.

Rinig ko ang mahina nyang pagsinghap. Oa naman neto.

"Answer me nicely, Syinara. And please open your eyes while we're talking." Saad nya.

Binuksan ko naman ang mata ko pero tinignan sya ng masama. "Huwag mong pakialaman ang ginagawa ko. Huwag mo akong controlin sa ginagawa ko. Huwag mo rin kwestyunin ang ginagawa ko. Dahil wala kang karapatan."

Nag iwas sya ng tingin at binaliwala ang sinabi ko dahil nagsalita ulit sya. "Why are you here? Bakit sa dinami dami ng pwede mong pasukan na paaralan bakit dito pa?" Tanong nya pa.

Naiiritang tinignan ko sya. "Bakit ba?! Ayaw mo ba akong narito sa University na ito?! Huwag kang mag alala kung iniisip mong guguluhin ko kayo. Nandito ako para mag aral. Hindi ko nga ineexpect na nandito kayo. Tss." Naiinis na sabi ko.

"No, it's just... delikado dito." Mahina nyang sabi pero narining ko naman.

Inirapan ko sya. "Pakihanap ng pake ko. Ako kasi hindi ko mahanap." Sabi ko nalang.

Rinig ko ang marahas nyang pagbugtong hininga. "I'm warning you, Syinara. Don't do stupidity." Tumitig sya ng mariin sa mata ko. "It's too dangerous here. Wag kang matigas ang ulo." Dugtong nya.

"Umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin sa mga banta mo." Sabi ko at pinikit muli ang mata. "Matutulog ako. Alam mong ayoko ng istorbo." Dagdag ko.

Maya maya naman ay narinig ko ang yabag nya papalayo. Buti naman. Dahil baka isampal ko sa kanya lahat ng mga sinabi nya sa akin dati. Sya pa talaga itong kumakausap sa akin. Parang dati lang pinagtatabuyan nya ako. Tss.

The Heirs (On-Going)Where stories live. Discover now