Chapter 9

77 12 0
                                    

Chapter 9 : Syinara's POV

"You should go." Utos ko kay Zeik na nakabantay pa sa akin.

Nandito na ako sa dorm ko. Pwede naman na daw akong sa dorm na magpahinga sabi nung tatlong doctor sa clinic. Yeah, tatlo. Ewan ko kung bakit tatlo sila. Bahala sila do'n.

"Ayaw, wala kang bantay, oh." Aniya.

"Tss. Hindi na ako bata. Pasa at sugat lang 'to, hindi ako injured kaya pwede ka na umalis." Sabi ko.

Umirap sya sa panlalaking paraan. "Tigas ng ulo." Komento pa sya.

Nag umpisa na syang lumabas pero hindi pa sya nakakalabas ng tuluyan nang bigla syang natisod sa sarili nyang paa kaya natumba sya. Bumulaslas ako ng tawa dahil doon.

"Ay, may tanga." Sabi ko na narinig naman nya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

Tatawa tawa parin ako kahit nakalabas na sya habang pa ika-ika. Nang isasarado na nya ang pinto, nakita ko pang itinaas nya ang middle finger nya sa akin bago tuluyan itong isarado. Mas lalo akong natawa.

"Pikon!" Sigaw ko.

"Ulol!" Sigaw nya pabalik.

Natigil ako sa pagtawa nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman ito sa study table na nasa gilid lang ng kama ko. Tinignan ko ang caller pero unknown number lang. Sino 'to?

Sinagot ko naman kahit nag dadalawang isip ako. Baka kasi emergency pero mukhang nagkamali ako.

"Syinara Elyu Sandoval?" Bungad nito.

Sumeryoso ang mukha ko dahil hindi familiar ang boses nito. Alam nya rin ang buong pangalan ko. Lalaki sya based sa boses nya.

"Ako nga. Sino ka?" Tanong ko.

"I'm Kye." Sagot naman nito.

"Anong kailangan mo?"

"Ikaw."

Napakunot ang noo ko sa sagot nito. Loko pala 'to eh. Mukha ba akong nakikipagbiruan?

"Anong kailangan mo sa akin?"

"I want to ask you."

"Spill."

"What is your relationship with top 10 supreme student heirs?" Tanong nya na nagpatigil sa akin.

"B-bakit mo tinatanong? At p-paano kung hindi kita sasagutin?"

"I already expect this. So, here you go."

Nanlaki ang mata ko nang biglang may kumalabog sa labas ng kwarto ko bago nasira ang pinto ng kwarto ko at may dalawang lalaking pumasok atsaka ako tinutukan ng baril. Napalunok ako. Ngayon lang ako nakakita ng baril... at ang malala pa, nakatutok sa akin.

Malas na buhay 'to oh. Kagagaling ko lang sa bugbog, may panibago nanaman?

"So, aren't you still gonna answer my question?"

Nakatitig lang ako sa dalawang lalaking nakatutok ang hawak na baril sa akin. Nanginginig na ang kamay ko na may hawak na phone. Sinensyahan nila akong sagutin ang tanong ng kausap ko kaya napakurap-kurap pa ako bago nanginginig na sumagot.

"W-why would i? This gun can't scare me, asshole." Saad ko at tinignan ng masama ang dalawang lalaking nasa harap ko.

Hindi. Natatakot ako. Sobra sobra akong natatakot. Pero hindi ko sya pwedeng sagutin. Hindi ako pwedeng maging mahina. Hindi ako pwedeng bumigay. Kung hindi ko sinabi 'yon, malamang ay malalagay sila sa peligro. Oo, wala akong alam sa nangyayari sa unibersidad na ito pero hindi ako tanga para hindi paghinalaan ang lalaking kausap ko.

Narinig ko ang pagtawa nya ng malakas sa kabilang linya. "I expect what I should expect... and i was right." Aniya. Maya maya ay biglang umalis nalang yung dalawang lalaking nasa harap ko kaya nagtaka ako. "You didn't dissapoint me. Bravo." Huling sabi nya bago patayin ang tawag.

Mabigat ang paghinga kong binaba ang tawag. Madaming tanong ang gusto kong masagot ngayon. Sino itong Rye na ito? Bakit nya ako tinawagan? Bakit ako ang tinanong nya? Anong kinalaman ko? Bakit kailangan pa akong tutukan ng baril? Bakit ako nadamay? Anong koneksyon nya sa kanila? Kasama ba si Zeik? Anong... anong meron sa university na ito?

"Tang... ina mo." Bulong ko sa hangin patukoy sa lalaking tumawag sa akin.

Kye?

Zeik Tan Aleje's POV

Hindi dapat dito nag aral si Syinara. Nung una, ayos pa sa akin at masaya ako dahil makakasama ko ulit sya pero nang pumasok sa isip ko kung gaano kadelikado dito, hiniling ko nalang na sana bumalik ang oras at napigilan ko si Syinara.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan si Jired.

"Jired Hans speaking." Sagot nya.

"Why did you brought Syinara here?" Tanong ko.

Nanahimik sandali ang kabilang linya bago sya sumagot.

"I have my reasons."

"Reasons?! Fvck that reasons! You know that it's too dangerous here!"

"Don't shout at me, Aleje. You know nothing."

"What do you mean i know nothing? If so, tell me. Kasi kung hindi, I'll get her out of here."

"You can't do that. Okay, fine. Just... do what i say."

"What is it?"

"You all need to train her, as i train you."

"W-what the hell? Are you out of your mind?! Hindi sya pwedeng madamay dito! Walang alam si Syinara!"

"You're wrong. Madadamay at madadamay sya. You can't do anything about it. I'm worried, too. But just like what i've said, we all can't do anything about it. Mula nag ipanganak sya, damay na sya."

"W-what?"

"You still don't know her. Because she don't know herself, too. She's not aware what life her is. So train her. Please..."

Napatulala pa ako saglit sa mga sinabi nya. Hindi ko pa kilala si Syinara? Hindi nya pa kilala ang sarili nya? Anong ibig sabihin ni Jired doon? Ano nga bang buhay ang meron si Syinara? Anong alam ni Jired? Bakit nya alam? Sino... sino ka nga ba, Syinara?

"Okay. But answer my question first."

"Spill."

"Did Tito Elyonor really cheated? Did he really abandon Tita Yanara and Syinara? Does he know that Tita Yanara died?"

"My answer to your all question is... no."

Pagkasagot nya ay ibinaba ko na ang tawag. I knew it. Tito Elyonor, Syinara dad, can't do that. Pero ano ang rason nya? Sana lang ay walang mangyari sa kanyang masama pag nalaman nyang wala na si Tita Yanara.

Syinara was too blind by anger and sadness. Kinamumuhian nya ang papa at kuya nya. Pero wala na akong magagawa doon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nalalaman ko. Hindi ako pwedeng makialam. Well, may kasalanan rin naman si Tito Elyonor at ang anak nyang lalaki. Kung nasa tabi sila ni Syinara at Tita Yanara ay sana buhay pa si Tita Yanara hanggang ngayon pero wala na eh. Huli na ang lahat.

Bumugtong hininga ako at akmang tatayo sa sofa pero napaupo ulit dahil sa sakit ng paa ko. Darn, kasalanan 'to ng paa ko eh. Kung hindi sya tatanga tanga edi sana nakakalakad sya ngayon. Hays. Buhay nga naman, parang sulat ng doctor, hindi maintindihan.

The Heirs (On-Going)Where stories live. Discover now