Chapter 5

88 13 1
                                    

Chapter 5 : Syinara's POV

Natapos ang klase at lunch break na. Nauna akong tunayo dahil nagugutom na talaga ako. Hindi ako kumain ng breakfast.

Sinukbit ko ang bag ko at namulsa. Hinarap ko si Zeik na nakatayo narin. Nagtataka syang tumingin sakin.

"Sige na. Pumunta kana kay Aniela." Sabi ko at tinapik ang balikat nya bago lumabas.

Tumaas ang kilay ko ng makita ko si Cry sa harap ng pinto at nakatingin sa akin. Nakasandal sya sa pader at halatang may hinihintay. Nang makita ako, umayos sya ng tayo at lumapit sa akin.

"Hi," Bati nito. Hindi ko sya sinagot. "Let's have a lunch?"

Tumitig muna ako ng matagal sa kanya bago tumango. Namiss ko syang kasama kumain. Namiss ko lahat sa kanya. Matagal din kaming nagkasama dati.

Ngumiti sya sa akin. Nag umpisa na ako lumakad at sumunod naman sya.

"How are you? Are you doing well?" Tanong nya habang naglalakad kami.

"Maayos lang. Humihinga parin." Sagot ko na ikinatawa nya.

"Walang pinagbago." Rinig kong bulong nya. "Anyway, i didn't expect that all of us know you. I mean, us, the top 10. Top 10 richest heirs."

"Oh? May top top pa kayo?" Tanong ko kahit hindi talaga interesado. Kesa naman sa wala kaming pag usapan. Awkward.

"I guess you really not interested pero sasabihin ko narin. Zero Lyver Hans. Top 1. I think you two know each other. Yesterday, we talked about you and he said he know you." Umpisa nya.

Hans?

"Zero Lyver Hans? Hindi ko sya kilala. Baka pinagloloko ka lang." Saad ko.

"Nah. He don't do jokes. Maybe he know you but you don't know him," Sabi nya. "Icer Gadiel Trivor. Top 2. No comment."

Ngumisi ako. Kilala nya kasi si Icer dati pa.

"Laiko Eyze Clemente. Top 3. Well, i don't know what's your past with him. Parang may samaan kayo ng loob sa isa't isa. Pfft."

Napailing nalang ako sa side comment nya.

"Klea Francine Ivarro. Top 4. No comment rin. But if you asked me if i hate her, it's a big yes."

Tumango tango ako. Same here.

"Keidi Raise Jainez. Top 5. The ruthless playboy and bully. Tss."

I know. Dati pa.

"Zeik Tan Aleje. Top 6. Wala na akong masasabi. Basta swerte sya sa love life."

Love life is a big distraction. Proven and tested.

"Aniela Yvane Castro. Top 7. Childish slash matured girl. I envy her."

Me too.

"The Klover twins. Zin Aileen and Zon Ailaan. Top 8 and 9. Spoiled brat pero well mannered."

That's my twins.

"And of course me, Cry Airies Ajente. Top 10. The most handsome in the whole world."

Talk to youself.

"Hindi ka man lang mag comment. Tch." Anas nya.

Ngumiwi ako. "I did. Sa isip nga lang. Nakakapagod kasi magsalita."

"Yeah right." Iiling-iling na sabi nya.

Nakarating kami sa Cafeteria. Masasabi ko ngang mayaman talaga si Tito Jie. Sobrang laki ng Cafeteria. Napapaisip tuloy ako kung deserve kong makapag aral dito. Masyadong yayamanin.

"Syinara!" Sigaw ng kung sino sa bandang likuran namin.

Sabay namin nilingon ni Cry 'yon. Ang kambal lang pala. Pero may kasama pa sila. Si Laiko.

Palihim akong ngumisi nang magtama ang mata namin ni Laiko. Bukod sa malamig na tingin nya, may ibang emosyon pa akong nakikita sa kanya pero ipinagsawalang bahala ko 'yon. Malaki ang nagbago sa kanya. Mas lalo syang tumangkad, mas lalo syang gumwapo at mas lalo syang nagmukhang mayaman. Masaya na siguro buhay mo.

Biglang tumalim ang tingin ko sa kanya dahil sa nasabi ko sa isip ko. Masaya bang maiwan ako mag isa, Laiko? Masaya kana? Sapat na ba? Ang sama mo. Gusto ko sa kanya sabihin ang mga 'yan. Pero hindi ito ang tamang oras.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya dahil baka tumulo bigla luha ko. Tuwing nakikita ko sya, kahit si Icer, gusto kong magwala sa galit. Paano kung pati si Klea makita ko pa? Baka mabaliw na ako sa galit. Kinginang buhay 'to.

Umupo ako sa table kaya nagsiupuan rin sila. Kasama si Laiko. Bakit naman pati sya?! Hindi ba sya pwedeng umupo sa ibang upuan? Nang aasar ba ang lalaking 'to?

Wala naman akong magawa dahil ayoko gumawa ng gulo. Tss, nakakabwisit. Gutom ako pero nawawalan ako ng gana. Pero kung hindi ako kakain ngayon, magugutom ako mamaya. Magtitiis ako ngayon.

"Syinara, mata mo masyadong matalim. Baka matusok si Laiko." Bulong bigla ni Cry.

Napatingin ako sa kanya. Halatang nag aalala sya. Ngumiti ako. Sa tagal namin hindi nagkita, hindi naman ganoon katagalan pero namiss ko ang mga ganitong pakikitungo nya. Yung pag aalala nya, yung pagpoprotekta nya, yung lahat ng ginawa nya para sa akin. Lahat na miss ko.

"Ayaw papigil ng mata ko eh, kahit ako natutusok sa talim." Biro ko pero mukhang hindi umubra sa kanya.

Bumugtong hininga sya. "Kilala kita, Syinara. Magsabi ka lang kung may problema. Hindi masamang mag share minsan para kahit papaano gumaan pakiramdam mo. Gusto mo bang lumipat tayo ng Table?" Bulong parin nya.

Para kaming tanga na nagbubulungan. Buti ay hindi kami napapansin ng kambal at ni Laiko. Tumatawag ng waitress ang kambal habang si Laiko ay busy sa pagbabasa ng libro. Walang pinagbago. Kahit oras ng pagkain libro parin hawak mo.

"Hindi na. Magtatampo ang kambal. Mahirap suyuin ang mga 'yan." Sabi ko at nginitian nalang sya.

Biglang napadapo ang tingin ko sa bandang likod nya kung nasaan si Icer, Zeik, Aniela at Keidi. Nagtagpo ang mata namin ni Icer. Seryoso syang nakatingin sa akin pero katulad kay Laiko, may ibang emosyon din akong nakikita sa mga mata nya. Nawala din agad 'yon at umiwas sya ng tingin.

Dahil sa ginawa nyang pag iwas ng tingin, kay Keidi dumapo ang tingin ko na nakatingin ng diretso sa mga mata ko pero bigla nya akong inirapan sa panlalaking paraan. Siraulo.

Galit man ako kay Icer at Laiko habang nagiinis ako tuwing nakikita ko si Keidi, hindi ko maiitatangi na namiss ko rin sila.

Kung si Keidi ay pwede kaming mag kaayos, doon sa dalawa ay malabo na. Masyado nila akong ginalit tapos bigla nalang kaming magkikita na parang walang nangyari dati.

You two should regret what you did to me. Especially you, Laiko. Kasi hindi lang ako ang nasaktan mo. Selfish bastard.

The Heirs (On-Going)Where stories live. Discover now