Chapter Twelve

2 0 0
                                    


"Dito!" Seb passed the ball to Tobias.

I'm watching their game today. Ang katabi kong si Marcus ay nagdala pa ng banner niya! Gumawa talaga siya ng banner para kay Tobias. He made one for me too para dalawa raw kaming mag-cheer kay Tobias.

Tobias got three points kaya naman ang mga nagchi-cheer din sa kanya ay humiyaw ng malakas habang winawagayway ang mga banner na ginawa nila. Sobrang ingay ngayon lalo na at talagang dikit ang score ng dalawang team.

Nigel's team is up against Xandro's team. Alam kong hindi lang ako ang nakakapansin pero mukhang nagkakainitan na si Nigel at Xandro. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa but Seb, Noah, and Tobias are doing their best para hindi magkasakitan si Nigel at Xandro. I'm sure Nigel knows better.

Hindi ko na aasahan si Xandro. He's stupid as he is. I'm sure he won't even hesitate to punch Nigel in front of everybody. That's who he is. Bagay nga si Xandro sa team na 'yon. His friends will most likely tolerate Xandro's behavior.

"What the hell?!" Nigel yelled. I looked at them and saw him standing up. It looks like he fell a while ago. Si Xandro naman ay nakatingin lang sa kanya at nakangisi pa.

Sebastian tried to grab Xandro by the collar, but the referee immediately stopped them. Natigil naman ang mga kaninang naghihiyawan at ang iba ay nagbulungan na at kanya-kanyang hula kung ano ba talaga ang nangyari.

Nagkaroon ng time-out kaya naman nagtipon sina Nigel sa bench. He's still mad and their coach are trying to calm him down. Naupo siya sa bench habang nagpupunas ng pawis. Tobias kept on drinking his water at paminsan-minsan ay titingin siya sa gawi namin.

"Is he looking at you?" tanong ni Marcus sa akin at halatang kinikilig pa. Umiling naman ako. Ayokong gawing big deal lahat ng ginagawa ni Tobias dahil lang sa nililigawan na niya ako.

The game continued and so far, wala pa ulit nangyayaring gulo. Mas lamang pa rin ang score ng team nila Nigel. I just watched them quietly habang napuno ulit ng hiyawan ang buong gym.

"Iihi lang ako." paalam ko kay Marcus. Nilagay naman niya ang mga gamit niya sa upuan ko para walang umupo roon habang wala ako.

"Sige. Ako na bahala sa upuan mo." sabi naman niya bago bumalik sa pagchi-cheer kina Tobias.

Nakipagsiksikan pa ako para lang makalabas ako ng gym. Grabe. Ang dami pala talagang pumunta para manood ng laro.

"Hmm. Balita ko ay cheater talaga raw iyon si Nigel." nasa loob na ako ng isang cubicle nang lumabas ang dalawang babae. I just sat there and listened quietly.

"Talaga ba? Sayang naman at ang gwapo niya. Ganoon pala talaga siguro kapag gwapo ka? Kahit cheater ka, tatanggapin ka pa rin ng karamihan."

"Oh well. Pero balita ko naman ay nag-cheat din si Scarlet kay Nigel. Gantihan lang siguro?"

"Oo nga. Baka gumanti si Scarlet."

"Hindi mo sure. Baka si Nigel unang nag-cheat." tawa naman no'ng isa.

Napabuntonghininga tuloy ako ng mahina. I don't think they can cheat when they love each other that much. Based on how much Scarlet was so obsessed with Nigel, I don't think she can cheat on him. Kung si Nigel naman ang unang nag-cheat... I don't know. Can he really do that?

I really don't get why people cheat. I mean, what do they get from it? Nakakasakit lang naman sila ng tao. Why on earth would you cheat on someone who loves and accepts you for who you are? Why would you trade that person with whom you could perhaps spend the rest of your life for a moment's pleasure?

Matagal-tagal pa silang nag-uusap habang nanatili lang ako sa loob ng cubicle. Baka kasi kapag lumabas ako ay isipin nilang nakikinig ako sa pinag-uusapan nila. I mean, nakikinig naman talaga ako pero huwag na nilang isipin. Nang maramdaman kong nakaalis na sila ay lumabas na rin ako sa cubicle.

Love Sucks, But Not AlwaysWhere stories live. Discover now