Chapter Fifteen

1 0 0
                                    


"Goodmorning," I greeted Tobias.

Ngumiti naman siya sa akin. "Goodmorning," bati niya rin atsaka nag-inat.

"Hangover?" tanong ko sa kanya bago iniabot ang niluto kong hangover soup. Inaasahan ko na rin naman ito at talaga namang marami silang nainom kagabi.

"Thanks. You're the best." he thanked me as I handed him the bowl.

"Oo nga pala, mayroon akong aattendan na birthday bukas. Can you drive for me?"

Tumingin siya sa akin atsaka tumango. "Yeah sure. What time? Mayroon din kasi akong pupuntahan tomorrow."

"Oh, kahit 'wag na pala. Sa Baguio pa kasi iyon. Birthday no'ng isa kong friend." sabi ko sa kanya.

"Baguio? Mabilis lang na drive 'yon. I can manage. Hapon pa naman iyong lakad ko." sabi naman niya atsaka mabilis na inubos iyong hangover soup.

"Pero baka pagod ka na kapag pupunta ka roon sa lakad mo."

"It's okay. It's not a big gathering naman. It doesn't require a lot of energy." he assured me again.

Tumango-tango naman ako at inabot sa kanya iyong coffee na tinimpla ko for him. "I hope you drink coffee." I smiled at him.

"Alam mo, gusto na kitang maging asawa. Imagine, may tagaluto at tagatimpla ako ng kape sa umaga pagkagising tapos ikaw 'yon."

"Sus!" nginiwian ko siya. "Balak mo lang yata akong maging katulong mo." pagbibiro ko.

"Hindi ah! May katulong bang ganyan kaganda?"

"Binobola mo na naman ako, Tobias!"

Malakas siyang tumawa. "Totoo kaya 'yon!"

"Aga-aga ah." sabi ni Marcus na kagigising lang. Kasunod naman niya ay si Vera na nakasimangot din.

"It sucks waking up, and the first thing you see is two individuals being sweet." she frowned.

"What do you guys want to eat? I'll cook. Marami namang ingredients dito." tanong ko kay Marcus at Vera.

"Do you want me to help you?" Tobias asked.

"Hoy! Hindi by pair ang pagluluto ha! Tigilan niyo 'yan!" bitter na sabi ni Marcus.

"Ang bitter mo talaga kahit kailan Marcus." ngiwi ko sa kanya.

"Sus, porke may Tobias ka na r'yan ginaganyan mo na ako." umakto siya na para bang nasaktan talaga siya. "Tobias over friends pala ha?"

"Ang arte mo, Marcus. Tumabi ka r'yan. Hindi lang ikaw ang tao rito." sabi naman ni Vera na kagigising lang din.

I smiled at her and hugged her. She hugged me back before she went to make her coffee. Tumingin pa siya sa aming dalawa ni Tobias habang nagtitimpla. "Sure kayong dalawa na hindi pa official 'yan? Baka mamaya n'yan kayo na pala talaga tapos hindi niyo lang sinasabi sa amin ha?" pagdududa niya.

"Hindi pa nga. Wala pang official, 'wag ka mag-alala." sabi ko sa kanya na ikinangiwi niya.

"Bakit wala pa? Ang tagal Jairee ha?"

Hindi ko talaga maintindihan 'tong si Vera. Hindi ko alam kung ano ang mas gusto niya. Iyong official na o 'yong hindi pa.

"When do you plan to make it official?" bulong ni Vera sa akin. I looked at her. Her question made me think.

Kailangan nga ba? Kailan ko kaya? Hanggang kailan ko ba paghihintayin si Tobias? But I think the question is, how long can he wait for me?

"Soon. Soon, Vera. Soon." I smiled at her.

Love Sucks, But Not AlwaysWhere stories live. Discover now