Chapter 49

51 3 0
                                    

"Gusto kong magpahinga ka sa bahay mo. Isantabi mo muna pansamantala ang trabaho mo kahit isang araw lang."paalala ko kay Garrett habang nag aayos siya ng gamit dahil maya-maya ay madidischarged na rin siya sa ospital kapag dumating na si Tita Freya.

He smiled softly ,"I will. Basta para sayo."

Seryoso ko lang siya tinititigan at nakita ko ang mapaglaro niyang ngisi. Agad din ako napaiwas ng tingin na naaalala ko na ninakawan niya ako ng halik kanina.

Simula nung hinalikan niya ako nung kumain ako ng luto ni Tin ay nagsunod sunod na yun na hinahalikan niya ako ng hindi ko namamalayan. Hindi ko rin mapigilan or pagalitan siya dahil kahit sa sarili ko nagugustuhan ko yung ginagawa niya sa akin.

"Bakit ka ba malayo sa akin?"he asked me ,"Lumapit ka nga sa akin. Parang may sakit akong nakakahawa dahil lumalayo ka."

"Mas mabuti ng ganito. Ang hilig mong manghalik sa akin na di ko namamalayan."kalmadong sabi ko at nakita kong natawa siya.

"Nagustuhan mo naman diba?"he licked his lips while staring at me.

Dahil sa tanong niya ay di ko magawang sagutin yun! Parang ayaw ng bibig ko na magsalita.

"Wag mo ng sagutin ang tanong ko babe , alam ko naman ang magiging sagot mo."he smirked then teased me.

"Wag kang mag assume na nagugustuhan ko yang ginagawa mo!"pagalit na sabi ko.

"Wala akong sinasabi ah!"itinaas niya pa ang kamay niya habang tumatawa ,"Ikaw nag sabi niyan. Hindi ako."

Umirap na lang ako sa kanya. Sobrang nakakainis siya na to the point na pwede siya palayasin sa ospital na 'to! Parang dati lang hindi naman siya ganito kung mang asar ah? Seryoso siya noon at di malakas mang asar—tapos ngayon ang hilig na niya akong asarin.

"Ewan ko sayo!"

"Don't be shy , alam ko naman na nagustuhan mo rin naman yun..."he teasing me again.

Babatuhin ko na sana siya ng ballpen parang matahimik na pero di ko na nagawa yun dahil pumasok na si Tita Freya kaya inilagay ko na ulit ang ballpen sa bulsa.

"Anak , nakaayos ka na pala!"I heard Tita Freya's voice ,"Nagbayad na ako ng bill sa ospital mo."

"Yeah....."walang ganang sabi ni Garrett sa kanyang ina.

Aksidenteng napatingin sa akin si Tita Freya kaya ngumiti siya sa akin ,"Nandiyan ka pala Claudette.."

"Ako nga ho..."

Kada nagkikita kaming dalawa ni Tita Freya , walang araw na di niya ako kinakamusta at kinakausap. Kahit break na kami ng anak niya—tinuturing niya pa rin ako na parang pamilya sa buhay niya.

"Nga pala nak ,gusto sana kita imbitahin bukas para sa welcome party ni Garrett."sabi niya sa akin na kinagulat ko ,"Don't worry nasa bahay lang naman yung party na yun. Since , makakalabas na anak ko sa ospital na 'to!"

"Mom!"saway ni Garrett ,"Bakit kailangan mo pang magpaparty sa bahay? Madidischarged lang naman ako sa ospital. Tapos.... iistorbohin mo pa si Claudette—may trabaho pa yung tao."

Sinamaan ng tingin ni Tita Freya ang kanyang anak ,"Heh! magtigil ka diyang lalaki ka! Kailangan makapaghanda ako sa bahay para sa welcome back mo!"sandaling napasulyap naman si Tita Freya sa akin ,"Pwede ka ba bukas nak? wala ka bang pasok sa ospital nun?"

Sa tanong ni Tita Freya , ramdam ko na umaasa siya na makakapunta ako sa pa welcome back party niya kay Garrett. Napasulyap ako ng tingin kay Garrett na mukhang inaantay ang magiging sagot.

Di naman halata sa kanya na interesado siya kung pupunta ako 'noh?

Nakataas pa ang kilay niya habang naghihintay ng sagot na mas lalong kinairita ko.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now