Chapter 50

75 4 0
                                    

After ng pangyayaring yun ,tuluyan na nga kaming nagbalikan dalawa ni Garrett. Nung una ,nahihiya pa ako maging sweet sa kanya dahil di ko alam kung pa'no siya pakisamahan bilang boyfriend ko ulit. Pero kalauna'y nasanay na ako dahil pinaparamdam naman sa akin ni Garrett yung tunay na pagmamahal niya. Siya ang madalas ang clingy sa amin ngayon kaya hinahayaan ko na lang siya sa ginagawa niya.

Nang malaman ni Tin na nagkabalikan kami ay wala siyang ginawa sa akin kundi kulitin ako kung paano nangyari yun. Sinabi ko naman ang totoo sa kanya at halos magtaas siya ng kilay dahil di niya inaasahan na babalikan ko pa si Garrett. Sinabi pa nga niya ako na marupok kaya tinawanan ko na lang kasi yun naman ang totoo.

Inamin din ni Garrett sa akin na habang nasa US siya ay ni-minsan di niya naging girlfriend or fiancée si Alexa. In fact ,naging ka-fling niya ng three years habang hiwalay kami. Tinanggap ko naman yun dahil wala naman akong karapatang magalit dahil hiwalay na kami nun tsaka....wala ako nun sa tabi niya.

"Free ka ba bukas babe?"tanong sa akin ni Garrett habang kumakain kami.

Napag isipan kasi ni Garrett na dito mismo sa condo siya magluto ng pananghalian. Pumayag naman ako dahil di pa naman ako nakakain. Piangluto niya lang ako ng Sinigang na Baka na nagustuhan ko dahil ngayon ko lang ulit natikman yung luto niya.

"Hindi ata ako magiging free bukas ,"maayos na sagot ko,"May medical mission kasi akong pupuntahan para sa trabaho ko."

Isa ako sa mga magiging kasama ng mga doctor sa medical mission nila sa Albay. Agad ko rin naman yun tinanggap dahil para makatulong din sa mga doctor.

"Ganun ba?"he asked ,"Maybe next time na lang kita i-date kapag free ka na."he smiled ,"Kailan ka pala doon sa Albay?"

I bit my lower lip ,"Two days."

Dalawang araw lang ako nandoon kaya madali lang naman ako makakauwi ulit ng Manila. Kasama si Harry sa medical mission na ito kaya masaya siya na ako ang napiling nurse na makakatulong sa mga doctor na magmemedical mission sa Albay.

"Pwede ba kita maihatid sa ospital bukas?"tanong niya pa kaya natawa ako ng mahina.

Last week pa kasi siya palaging natutulog dito sa condo ko at hanggang ngayon ay di pa rin siya umaalis. Kapag nasa trabaho naman ako palagi naman niya ako sinundo at hinahatid pagkatapos ng work niya galing sa Ramic.

"Oo naman ,"I nodded softly ,"Tatanggi ba ako sayo?"

Ngumiti lang siya sa akin. Pagkatapos naming maglunch ay napagdesisyonan namin na manood na lang ng movies since wala naman kaming gagawin ngayon.

Nang mag gabi ay napag isipan na namin na kumain sa isang mamahaling restaurant na malapit sa condo ko since tinamad na kami magluto dahil wala na naman akong maisip na pwedeng iluto.

"Nga pala babe ,baka di mo ako makita ng dalawang araw pagkauwi mo ,"Garrett said while eating food.

My eyebrow furrowed ,"Bakit? saan ka pupunta?"

Natigil siya sa pagkain ,inilapag niya ang kutsara't tinidor sa plato niya saka niya ako tinititigan.

"Kailangan kong pumunta ng Italy para sa event na gaganapin 'don. I need to attend the most important,"he bit his lips ,"You know ,I'm a businessman. At kailangan ko attendan yun dahil inaasahan ako ng mga ibang dadalo 'don."

Mariin akong tumango. So ibig sabihin pagkauwi ko wala akong madadatnan na Garrett sa condo ko?

"Okay lang ba sayo yun?"tanong niya kaya lumingon ako sa kanya.

Ngumiti ako ,"Oo naman! Basta magpakabait ka lang 'don. Behave ka lang lalo na't pag may lumalapit sayong babae."

Dahil sa sinabi ko ay natawa siya. Marahan niyang hinawakan ang kamay. I don't know kung bakit ko nasabi yun.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now