Chapter 5

24 6 0
                                    


Tahimik ang buong paglalakad namin hanggang sa makarating sa tapat ng bahay. He kept a good distance for me to feel alone but not lonely. For that, I was so thankful.

"Dito na 'ko," sabi ko nang huminto sa harap ng puting gate namin.

"Mag-isa ka lang ba?" tanong nito nang mamataan ang bahay na tanging sa labas lang ng pinto ang may bukas na ilaw.

Tumango ako at nag-aalangan sa mga susunod na sasabihin.

"May cctv naman ba rito?" tanong pa nito saka ko tinuro 'yung isang nasa posteng tapat namin.

"Lock mo 'yung mga pinto at bintana, ha?" paalala pa nito na s'yang nagdala ng haplos sa puso ko.

I thought I was living alone fine... With what happened earlier, I couldn't help but be scared. Gayunpaman ay kailangan lakasan ang loob. Isa pa, hindi ko rin gusto pa na ipaalam ang nangyare kay Papa dahil paniguradong doon sa kanila n'ya ako patutuluyin... ayaw ko iwan ang bahay at hindi rin ako kumportable kina Tita Gracia kahit na mababait ang mga 'to sa akin.

Buong lakas kong pinigilan ang mga nagbabadyang luha at bago pa man pumatak ang mga 'yon ay ramdam ko ng nagdikit ang katawan namin. Iyong kamay niya ay nasa likuran ko't marahang hinahagod 'yun at ang isa pa ay nasa ulo ko.

I thought I was done crying...

Walang salita ang nasabi mula kay Jacc kundi ang halpos sa likod at buhok ko. We stayed like that for a good minute until I was done.

Kumalas sa yakap at muling napagitnaan ng distansya.

"Thank you," I said with my eyes on full attention to him while he gently wipes my tears away.

I haven't heard a word from him... but he got every corner of my system alive as he closed our distance.

"Be safe. Tawagan mo ako kung may kailangan ka. Malapit lang ako," aniya nang humiwalay.

Hindi ako nakatulog ng gabing 'yon. I've had nightmares and a never ending thought of Jacc's actions to me that night.

Kinabukasan matapos kong mag-almusal at maglinis ay lumabas na ako ng bahay. Si Jacc na nakaitim pa rin na shirt at maong jeans ang bumungad sa akin.

"Good morning," he greeted with a smile.

"Good morning?" tugon ko habang lito kung bakit s'ya naririto pero 'di rin magawang itanong pa 'yon.

"Kape?" alok nito saka iniabot ang isang cup ng kape na mukhang mula sa shop na pinagtatrabahuhan n'ya.

Nanatili ang mga mata ko sa kapeng hawak n'ya, pinag-iisipan kung tatanggapin ko ba 'yun.

"Sige na, libre 'yan. Walang ring lason o gayuma," aniya habang marahang kinuha ang kamay ko at ipinahawak 'yung binigay n'ya.

Napangiti ako ng kaunti at saka kami naglakad. Alas sais pa lang ng umaga at 'di gaano mainit, medyo malamig din ang hangin dala ng amihan ngayong Nobyembre na.

"Kumusta ang tulog mo?" tanong nito.

"Ayos lang," sagot ko.

"Malapit ka lang dito?" tanong ko.

"Uh... oo," sagot niya.

"Medyo," makalipas ang ilang segundo ng katahimikan.

"Medyo malayo..." pag-amin niya nang walang makuhang tugon sa akin.

Thoughts from last night again started to come back at me. Why is he doing all this? Maybe he really does like me, but I don't think I'm ready for his actions when I have yet to hear the right words from him to make everything clear to me.

Tahimik lang kaming naglakad papasok sa ECSB at 'di pa kami nakakalapit sa gate ay marami na ang bumabati kay Jacc.

"Uy, Jacc!" bati nung isang babae na may kasamang dalawang lalaki na naglalakad palapit sa amin.

"Kei!" bati ni Jacc pabalik.

"Kumusta? Long time no see ah!" masayang tanong nito kay Jacc nang tuluyang makalapit.

"Ayos naman. Gano'n pa rin, aral, laro, trabaho."

"Lovelife?" tanong nung babae nang magtama ang tingin namin. Matamis itong ngumiti sa akin at pilit ko ring ibinalik 'yun.

"Si Oli nga pala. Oli, si Kei, Enzo, at Lance," pagpapakilala nito nang mapansin ang tingin sa akin nung mga kaibigan n'ya.

Ngumiti ako sa kanila at tinanggap ang kamay nila.

"Sige na, una na kami," ani Jacc nang makatanggap ng malalim na mapaghinalang tingin mula sa tatlo.

"Samahan mo naman kami kay Bernos, ikaw lang malakas do'n!" aya ni Kei. Nagtama muli ang mga mata namin at sa pagkakataong 'to ramdam ko ang pait no'n.

Marahan kong hinatak ang dulo ng shirt ni Jaccs aka ito napalingon sa akin.

"Ayos lang ako. Sabay ka na sa kanila," mahinang sabi ko rito.

"Hindi, hatid na kita sa building n'yo," aniya na agad napunto ang nasa isip kong itutugon n'ya.

"Salamat sa kape," sabi ko kasabay ng pagwagayway ng kapeng hawak at nauna na maglakad.

Kumaway na rin ako sa tatlong kaibigan n'ya't nagpatuloy sa paglalakad. Maraming bagay ang nasa isip ko't hindi ko na rin alam kung saan sisiksik si Jacc doon. Hindi na malinaw sa akin kung ano ang gusto n'ya base sa mga kilos n'ya sa akin o masyado lang akong assuming at normal ang pagtrato ng gano'n bilang kaibigan kahit na magkaiba pa ng kasarian.

"Apollo Jacc Ybanez," napahinto ako sa paglalakad.

"Fourth year student-athlete. Kasabayan ni Juancio sa swim team. Scholar at working student," tuloy pa na sabi ni Uno nang makalapit sa tabi ko.

"What's the deal between you two?" tanong nito habang pinanliliitan ako ng mata.

Tumingin ako kay Mau na nasa kaliwa ko para sana'y magtanong, pero 'di pa ko nakakapagsalita ay may sagot na ito.

"Naiwan mo," sabi nito at iniabot sa akin ang notebook ko.

"Ibabalik sana namin kagabi kaya napadaan kami sa bahay n'yo," sabi pa nito na ikinalaki ng mga mata ko, pero agad kong binawi 'yun.

"Confirmed. May something!" ani Uno na hindi pinalagpas ang naging reaksyon ko.

Dito ko na rin nakumpirmang nakita nga nila. 'Di ko mapigilang mahiya sa naiisip na scenario't batid ko'y pula na ang mukha ko dahil doon.

"I don't know..." I sighed and they both stopped so I did too.

"You wanna know?" Uno asked with her lips in a smirk while I heard Mau sighed and saw her roll her eyes.

"I'll celebrate my birthday, sa Euphoria next Friday. Tara?" Uno asked.

"Oh, come on, you two!" she groaned when saw our faces.

Isang beses pa lang ako napunta sa mga eksena kung saan paparty, bar, at may inom kasama ang maraming tao at halos lahat doon ay 'di kilala. Noong freshman party pa.

Freshman party... waves of memories filled my head. I shook the thoughts away at pilit na ibinalik ang sarili sa kasalukuyan.

"Okay, we can set another date for us, pero just think about it," Uno said almost like giving up.

Isang linggo mahigit pa naman bago 'yung birthday party. Uno is a social butterfly and I bet na buong batch namin ang pupunta roon. I have a very small circle and I'm not sure if I want to go on such event lalo na sa nangyari dati, pero hindi ko rin kayang palagpasin ang birthday ng kaibigan.

Let's see. Maraming pupwedeng mangyari sa loob ng isang araw, what more within a week?

Painting Dreams (ECSB Series 1) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon