Chapter 6

7 2 1
                                    


Miyerkules pa lang ngayon at ang dami ng ibinagsak na gawain. Kailangan ko matapos 'yung tatlong task sa dalawang minor subject bago dumating ang Biyernes para makapag-focus ako sa mga major subjects buong weekend. Punong-puno ang isip ko kung papaano ko pagkakasyahin ang natitirang araw ko bago ang deadline ng mga requirements nang may tumawag sa pangalan ko.

Kunot noo kong hinarap 'yun lalo na nang makitang 'di pamilyar ang mukha.

"Oh, I'm James. Freshman party, remember?" he asked.

"Sorry," I shortly replied and shook my head a bit.

"No, it's fine," he replied with a smile that brought chills down my spine and from the deepest darkest part of my brain arose the memory of him.

Napaatras ako kasabay ng paglunok ko nang malalim at paghigpit ng hawak sa librong dala.

Tirik ang araw at kung 'di ako nagkakamali'y alas dos pasado pa lang ng hapon. Nasa tabi kami ng field at may mga tao sa paligid, pero 'di nakawala ang sarili sa takot.

"Okay ka lang?" tanong nito na 'di ko agad nasagot.

Humakbang pa ito papalapit at halos matisod ako para humakbang paatras.

"Why so scared? It's not like I'm gonna hurt you," he said with a chuckle at the end.

Somebody get me away from this predator.

"Ngayon na nga lang ulit kita nilapitan," sabi nito na para bang may pagtatampo pa sa tono niya at saka niya marahang hinawi ang takas na hibla ng buhok ko sa pisngi.

Mariin akong napapikit kasabay ng pagtaas ng balahibo ko. Ilang segundo pa matapos n'ya halos tandaan ang bawat sulok ng mukha ko'y humakbang ito paatras.

"Euphoria next Friday. Make sure to come by then," he said and gave me a wink that sickens me to the core.

Nang makalayo na s'ya ay saka ako nakahinga ng maluwag at naramdaman kong may pumatak sa pisngi ko. I tried to look up to see if it's raining at saka ko lang napagtantong it was me crying.

Mabilis kong pinunasan 'yun at naglakad palabas ng campus para umuwi.

I don't think James knows that I'm friends with Uno. Paniguradong hindi rin alam ni Uno ang nangyari noon dahil hindi ko rin naman sinabi sa kanila ni Mau. May tumulong sa akin nung gabing 'yun at tingin ko ayos na 'yun at 'di na kailangan pag-usapan pa bukod sa ayaw ko na balikan pa.

I spent the rest of my afternoon in my bed with some Korean drama playing on the tv to keep me away from total silence that would only force me to think. Watching K-Dramas definitely distracted me and even lifted my mood, making sleeping bearable for me to do that night.

The next morning, I had the same view. Jacc in black shirt, denim pants, and two cups of coffee on both his hands.

"Good morning," bati nito at saka iniabot ang kape.

His smile sure works better than K-Drama.

"Kumusta ang tulog?" tanong nito nang tanggapin ko 'yun.

"Ayos naman," ani ko.

"May gagawin ka ba sa weekends?" tanong nito.

"Sa Sabado sa gallery ako. Sa Linggo family dinner," sabi ko.

Nanatiling tahimik ito kaya tinanong ko na rin kung bakit.

"Kailangan ko kasi ng model," sabi nito sa mahinang boses at kita ko ang paghawak nito sa batok.

Muntik na ako masamid at bahagyang natawa roon.

"At ako ang naisip mong model?" tanong ko rito.

"Oo sana..."

"Wala ka na bang choice?" tanong ko rito.

Maraming pwedeng gawing model. Kung tatanungin ang kahit na sinong may kilala sa akin, ako ang huling maiisip nila para doon. Dahil halata naman na hindi ako gaano kumportable na ako ang subject at focus bukod sa 'di ko hilig ang kunan ng litrato.

"Wala e," nakangising sabi nito na ikinalito ko.

"Wow ha," ani ko at natawa ito.

"Kahit isang oras lang at kahit saang lugar mo gusto," ani nito.

"Libre ko kahit anong gusto mo," sabi pa niya nang may ngiti. Para bang mas natutuwa pa s'ya na gano'n.

"Hindi ba kuripot ka?" tanong ko. Naalala ko 'yung coffee at macaroons na utang ko sa kaniya.

Hindi na s'ya nag-abalang magpigil pa ng tawa at saka lalo lang kumunot ang noo ko.

"Technique 'yon," kumento nito na ikinalito ko pa.

"Sabi ka kung kailan ka libre at nasa mood. Ikaw bahala sa gusto mong theme o gawin," ani pa niya.

"Kung papayag ka lang naman," paglilinaw pa nito na ikinatango ko.

"Pag-iisipan ko," sabi ko at saka kami tuluyang pumasok sa campus.

Days passed as quick as I wanted it to be. It's Saturday and I just got off work. Pagod ako ngayon at dalawang staff ang nagleave lalo na't week end ngayon ibig sabihin ay mas marami ang taong bumibisita sa gallery. I still have backlogs to do at naisip ko rin 'yung sinabi ni Jacc.

Nasa sasakyan na ako pauwi nang napagpasyahan kong magtext.

Hi. This is Oli. I still have backlogs to do. I'll be painting tomorrow at home. You can come.

Pagka-uwi ay nag-init lang ako ng pagkain at saka nagligpit, naglinis ng katawan at dumiretso na sa kama para matulog.

The next day, I woke up at six as usual. I've had my morning routine at naghanda rin ng almusal ko't kumain. I then started cleaning the house and doing chores aiming to be finished by eleven at gano'n nga ang nangyari.

Balak ko kasing magsimula na magpinta pagtapos ng tanghalian. Saka ko lang naalala na nagtext ako kay Jacc kahapon!

Dali-dali kong hinanap ang phone at inicharge 'yun. I took a bath habang nagdarasal na huwag muna dumating si Jacc at naliligo pa ako. Mabilis akong nag-ayos ng sarili at bago ko pa ma-check ang phone ko'y rinig ko na ang pag doorbell.

I went out and saw Jacc standing just outside our gate and this time he wasn't wearing black. It was a clean white shirt and a black shorts. He looks... casual. I think I like this better.

I quickly shook my head. Nope, my brain's not gonna go that way.

"Hi," he shyly said.

"Hi," I said, still looking at him.

"Oh. Uhm, come in."

Kita ko ang naglilibot nitong mata at ang maingat nitong paghakbang. I offered him a glass of water.

"Sorry, 'di pa ko nakakapagluto," sabi ko nang maiabot ko 'yung tubig at agad naman siyang nagpasalamat.

"Sorry din pala 'di ako nakapagreply. I was too tired kahapon at nakatulog na ko agad."

"No, it's fine. Thank you," he said warmly.

"Lunch first?" tanong ko rito at saka kami dumiretso sa kusina.

Painting Dreams (ECSB Series 1) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon