Chapter 7

7 0 0
                                    

"You cook," he stated.

"Have to learn," I replied, pouring the vinegar and after the soy sauce.

"Ayos lang ba galawin mga gamit dito?" maingat na tanong nito na tinanguan ko naman.

Agad s'yang naghanda ng mesa at kita ko ang maingat na paghawak n'ya sa mga gamit.

"Salamat," aniya nang maka-upo kami parehas at saka nag-sign of the cross.

"Grabe!" kumento n'ya nang maka-isang subo. Agad akong nag-angat ng tingin doon at baka masyadong maalat sa kaniya 'yung adobo.

"Ang sarap," nakangising sabi nito at saka ako nakahinga ng maluwag.

"Mas maganda ang left side ko," sabi ko makalipas ang ilang segundo.

"'Yun ang kunan mo," dagdag ko nang walang matanggap mula sa kanya kundi titig.

"Maganda naman lahat," kumento nito na 'di ko na dinagdagan pa.

Palagay ko'y masyadong malaro itong si Jacc kaya naman 'di ko rin pinapatulan ang mga sinasabi n'ya sa akin dahil ko mawari kung talaga bang totoo at walang halong biro ang mga salita n'ya masarap pakinggan.

Ilang araw din n'ya akong inaabangan sa labas ng bahay na may kapeng dala at sabay maglalakad papuntang ECSB at gano'n din halos sa pag-uwi. Hindi ko sigurado lahat ng salita at kilos n'ya kaya hanggat maari kahit gaano pa kalakas ang epekto noon sa akin ay 'di ko seseryosohin.

S'ya na ang nagprisintang maghugas ng plato't hinayaan ko na rin at inayo ko ang terrace para ilagay na roon ang mga kakailanganin ko. Presko rito at kita ang paglubog ng araw kaya dito ang pwesto ko lalo na kapag nahihirapan akong mag-isip kung ano ang ipipinta.

Saglit pa ay nasa terrace na kaming dalawa at sinimulan ko na ang kailangan kong gawin.

I brought out my palette and started picking out colors.

"Ayos lang naman na may kaunting ingay. 'Di naman ako nagsosolve ng math equation para maging sobrang sensitive," natatawang sabi ko nang makita ko s'yang ingat na ingat iusog 'yung maliit na mesa't upuan.

Kita ko ang hilaw na ngiti n'ya't napahawak sa batok na panigurado'y dahil sa hiya.

"'Di kita iistorbohin as much as possible," he assured me and I nodded, then went back to face my canvas.

I initiated to play some music. Kapag naman natapos 'yung playlist ko'y susundan n'ya ito.

I was painting the whole canvas with the eye of a person with texture. I was aiming for its colors to be like the shades of a sunset. If asked whose eye it was, I'd say no one or it was just a random thought, but really... it's the person whose eyes were the most passionate behind the lens of a camera.

I was getting most of the image I had in mind. Then I heard Jacc's voice near me.

"Ganda," sabi nito at nang lumingon ako sakanya'y diretso sa akin ang tingin niya.

He took a step towards me and my heart fell once again.

Halos ipagdikit nito ang distansya sa pagitan namin habang patuloy na taimtim nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako makahinga ng maayos sa lapit n'ya't sabay sabay na rumaragasa sa akin ang bawat pakiramdam na pwede ko maramdaman.

"I don't think that's your eyes," he stated.

Tumingin ito sa canvas at saka ako tumayo.

"Pizza?" I asked, pointing at the box of pizza on the table.

"Oh, yeah, nag-order ako. Sana pwede ka kumain ng pizza?" alanganing tanong niya nang makabawi.

"Paborito ko 'yan," sabi ko at saka tahimik na lumapit sa mesa at kumuha ng isang slice.

Nang mamataan ko ang camera nya'y tinanong ko kung pupwede ko ba makita ang kuha n'ya.

"Kapag sinabi mo kung kanino 'yan," sabi nito saka itinuro 'yung pinipinta ko.

A smile on my lips can't be helped at kita ko ring ngumiti s'ya.

"Nga pala, do you need me to change clothes?" I asked noticing how I'm only in my loose white shirt and a denim shorts. Tapos na kami magmiryenda at nagpapababa na lang ng kinain.

"Not really, but if you'd like to wear a dress..." he said with a hint and I chuckled.

I went straight to my closet and tried to find a dress.

Medyo nahirapan ako't matagal na rin 'yung huli kong suot no'n. Kaunti pa at nahanap ko rin 'yung white chiffon dress ko. Medyo loose ito at mahaba. Suot ko 'to noong summer pa sa dagat. Palagay ko'y ayos na rin 'to isuot sa dinner mamaya.

Nag-ayos lang din ako ng kaunti para hindi na gaano pa matagalan mamaya.

Kita kong inaayos ni Jacc ang camera n'ya at napatingin din sa akin nang tuluyan akong makalapit.

"Ayos na? O 'di bagay sa lugar?" tanong ko.

"Panget ba?" tanong ko nang 'di s'ya sumagot. Iling lang ang nakuha ko sa kaniya kaya naman pumwesto na ako at pinagpatuloy lang rin ang ginagawa't 'di magtatagal ay lulubog na ang araw.

Abala ako sa paggaya ng kulay ng araw na pati ang sunod-sunod na pag-click ng camera ni Jacc ay 'di na napansin pa hanggang sa tawagin ako nito habang hawak pa rin ang camera sa tapat ng mukha.

Kumuha ito ng litratong nakaharap ako sa kaniya. Lumapit pa ng kaunti at kumuha muli. Lumapit muli at sa pagkakataong 'to ay ang buong mundo ko na ang kuha n'ya.

"Is that mine?" he asked in a whisper.

And I nod like I was enchanted with everything he was making me feel.

"Can I kiss you?" he asked with his eyes so deep I wished it was solely meant for me.

And just like how my soul was craving for him everytime he is close or even so when he's far and nowhere to be found, I closed our distance and carefully went in for a kiss that has made both our worlds finally collide in the most beautiful way it could happen.

It was as if every part of me was alive. Para bang ang lahat ng kulisap sa mundo'y buhay sa loob ko't makulay na kumukutitap.

Nang humiwalay ako, naramdaman ko ang haplos n'ya sa pisngi ko. Maingat at taimtim na kinakabisado ang mukha ko ng mapupungay n'yang mga mata.

Then a phone ring was heard and the spell broke.

"You can answer," I said after a few rings but he wasn't moving a bit.

Ilang segundo pa at tumayo na 'to para sagutin ang tawag.

The call ended for a while. I had my things packed when he came back and apologized.

"Okay na 'yung nakuha mo?" tanong ko para ibahin ng kaunti ang usapan at mukhang 'di ko pa kaya pag-usapan 'yung nangyari.

"Uh, yeah," he replied, a bit confused.

"Mag-aayos lang ako saglit, sabay na rin ako sa'yo palabas. Family dinner," sabi ko at dali-dali na pumasok sa kwarto ko.

Nag-ayos lang ako saglit at saka pinakalma ang sarili. At this state, I'm vulnerable at marami ang papasok sa isipan ko sa bawat kaunting kilos n'ya kaya kailangan kong kumalma at huminga saglit.

Ngiti ang naging bungad n'ya sa akin nang makalabas ako ng kwarto. Inilock at pinatay ko halos lahat ng ilaw at saka kami lumabas.

He offered a ride to which I was hesitant to accept at first, but eventually agreed nang mahirapan ako makakuha ng grab.

Tahimik ang buong byahe, puno ang isipan, ngunit walang nagtangkang humanap ng sagot sa isa't isa at pilit na ginawang komportable ang mga sarili sa nakakabinging katahimikan.

Painting Dreams (ECSB Series 1) (REVISING)Where stories live. Discover now