{Maxie's Point of View}
Magtatanghalian na nang marating namin ang tinutukoy na lugar nitong si Loki. Saglit kaming huminto para makabili ng pasalubong na cassava cake before moving our way to his lola's house.
Sabi niya'y madalas sila ditong magbakasyon ni Tita Lynette, tuwing summer and Christmas break.
I was quite entertained nang mapagmasdan ko ang paligid. Punung-puno ng mga makukulay na banderitas na nakasabit from house to house.
Ipinark lang ni Loki ang kotse sa gilid ng gate before we walked to his lola's house. Compound ito kaya madaming bahay na nakatayo.
Maingay ang paligid pero hindi naman yung nakakairitang ingay dahil narin siguro nakangiti ang mga tao.
"Loki!" Gulat na sigaw ng isang mid 40s na babae nang makita niya si Loki.
"Yo." Sambit naman nitong katabi ko while waving his hand. I don't know why I felt nervous about the fact na after a week of our first encounter ay makikilala ko ang ilang family members niya.
"Inay! Si Loki po nabisita! May kasama ho siyang mayuming babae!" Sigaw nung babae saka siya nag-tanggal ng apron at lumapit sa amin.
Pinitik niya sa tenga si Loki, "Naku, ikaw bata ka, nakadali ka ng dyosa.", natatawa nitong sabi kaya napakamot ng batok si Loki.
Tumingin ako sa kanya at ngumisi, while mouthing, "Told ya."
Tumawa lang siya't inakbayan ako.
"Halina't pumasok na kayo sa loob." Aya nung babae. Pumasok naman kami sa loob ng bahay at naupo sa ratan na upuan doon.
Simple lang ang bahay, purong semento at walang kulay. May dalawang kwarto at nasa labas ang kusina.
"Tiya, pasalubong ho." Sambit ni Loki saka ibinigay sa Tiya niya ang binili naming cassava cake kanina.
"Naku. Nag-abala ka pa." Sambit nito, matapos ay ngumiti ito sa akin at inilahad ang kanyang kamay, "Kapatid ako ng nanay nitong si Loki. Tiya Lysabel nalang or Tiya."
Inabot ko ang kamay niya, "I'm Maxie ho."
"Girlfriend ko ho, Tiya." Nakangising sambit ni Loki kaya palihim akong umirap.
"Naku, may kailangan kayong panindigan kag Inay. Tsk. Tsk." Tiya Lysabel teased, "Sige't diyan muna kayo. Tawagin ko lang ang mga pinsan mo, Loki."
Nang makaalis na si Tiya Lysabel ay sinamaan ko agad ng tingin si Loki, "Anong girlfriend pinagsasasabi mo?"
"What? Girlfriend naman talaga kita, crush."
"Hanggang dito ba naman magpapanggap tayong magjowa?" Taas-kilay kong sambit.
He chuckled, "Sabi ko naman kasi sa'yo, totohanin na natin eh."
Inismiran ko lang siya at kinurot sa tagiliran, "Asa ka namang papaya--"
"Apo koooo!"
Napaayos ako ng upo nang may lumabas na babae mula sa isang kwarto, masaya itong nagpunta papalapit kay Loki at niyakap ito.
"Lola." Natatawang sambit ni Loki nang bumeso-beso pa sa kanya ang lola niya.
"Namiss kita apo. Kumain ka na ba? Nasan ang mommy mo? Kamusta school mo? Namasahe ka lang ba o dala mo ang kotse mo?" Sunud-sunod ng tanong ng Lola ni Loki.
Napakamot lang sa batok si Loki saka ako hinila sa tabi niya, "Hindi ko po kasama si Mommy, pero kasama ko po itong babaeng to."
Agad na napatingin sa akin ang Lola niya, tumitig ito sa akin mula ulo hanggang paa saka siya umirap. Iniwasan kong mapataas ang kilay ko sa ginawa ng matandang ito.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Bad Boy
FanfictionShe's a bad girl. And he is the bad girl's bad boy. - This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents that are mentioned in this story are products of the writer's imagination and are used in a fictitious mann...