Chapter 48

24.7K 762 193
                                    

{Maxie's Point of View}

"Boyfriend mo na iyong lalaking yun? Paano na si Sin?" Tanong ni Kuya Brent sa akin nang papasukin ko siya sa kwarto ko.

Kanina kasi'y pinilit ako ni Loki na dalhin siya dito sa bahay para makapagalam siya kina Mama na manliligaw siya sa akin, pero ang talipandas na lalaki ay idineclare sa lahat na kahit nanliligaw pa siya, girlfriend na niya ako, at wala ng ibang pwedeng manlandi sa akin. Manlandi, yan talaga ang term niya. Ugh!

"Hindi ko pa po siya boyfriend, kuya." I sighed.

"Kung makaasta siya kanina, binabakuran ka na agad eh. Manliligaw din si Sinforoso sa'yo." Deklara niya, "Pinayagan namin siya nina Lolo kasi matagal ka na niyang hinihintay na bumalik dito para ligawan, Maxie."

"At sabihin mo diyan kay Loki at Sin, bumalik dito bukas at kakausapin sila ni Lolo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya, "Teka, kuya, don't tell me..."

Ngumisi si Kuya Brent at ginulo ang buhok ko, "Pinayagan silang manligaw...the Lolo Nidora way."

Napasinghap ako sa sinabi ni Kuya, "Imposibleng sumunod si Loki sa mga ipapagawa ni Lolo Nidora, kuya."

"Kung gusto ka talaga niya, gagawin niya." Sambit ni Kuya bago umiling-iling, "Hindi ko inaasahan na hanggang sa pagtanda'y mo'y pag-aagawan ka ulit nila."

"Ha?" I asked, confusion's written on my face. Mahina itong tumawa bago ako iwan mag-isa sa kwarto.

Kung gusto ka talaga niya, gagawin niya.

Wala naman siyang sinabing gusto niya ako eh, basta ang sabi niya manliligaw siya.

I'm not sure if this was all a game for him but God, I am happy. I'm so happy. Pinangarap ko ito, and now, its happening in real life.

Laro man to sa kanya o hindi, ang alam ko, masaya ako.

Nagising ako kinaumagahan sa malakas na ingay sa labas ng bahay. Tamad na tamad akong bumangon para dumungaw sa terrace ng aking kwarto. And what I saw, just wake the lazy soul in me.

Kagaya ng mga napapanood ko sa movies, dalawang lalaki ang nagpapagalingan sa pag bibitak ng kahoy gamit ang malaking itak. Pinalilibutan sila ng mga trabahador ni Lolo na pawang aliw na aliw sa napapanood na palahok. At ang dalawang lalaking tinutukoy ko ay sina Sin at Loki.

"MAGANDANG UMAGA HIJA!" Hyper na hyper na bati sa akin ni Lolo, nginitian ko siya at kumaway, "Magandang umaga, 'Lo."

Napukaw noon ang pansin ni Sin at Loki, "Magandang umaga, Max!" Bati ni Sin saka ako binigyan ng napakacute na flying kiss pero bago pa makarating sa akin yung kiss, hinarang ni Loki ang kamay niya sa mukha ni Sin saka kunwari'y dinurog ang 'halik' na iyon sa kanyang palad, "Bawal ang kahit anong uring kiss, breezy ka ah!"

Matapos noon ay lumingon sa akin si Loki saka ako kinindatan, "Good morning, Mrs. Squarepants!"

My cheeks immediately heat up because of that, dahilan para talikuran ko sila agad at pumasok sa aking kwarto. Shit. Iba talaga epekto sa akon ng lalaking yun.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili bago pumasok sa banyo para makapaligo na. Halos kalahating oras din ang tinagal ko sa pag-aayos sa aking sarili, nag-tokong lang ako at t-shirt dahil medyo mainit ang panahon kahit magpapasko na.

Pagkalabas ko sa kwarto ay bumungad sa akin sina Sin at Loki na parehong pawis dahil siguro sa ginawa kanina, "Anong ginagawa ni—"

The Bad Girl's Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon