Chapter 26

31.7K 857 75
                                    

{Maxie's Point of View}

"Where do you want to go?" Malamig na tanong ni Loki sa akin.

The moment I got out of the house, bigla nalang sumulpot si Loki sa harap ko at hinila ako papasok ng kotse niya.

And now we're in the middle of the road in silence. I was planning to call Tard again kundi lang dahil dito kay Loki.

"Its either I'll sleep in Bea's house, Tard's or Dad's." Sagot ko naman.

Pero first choice ko yung kina Tard. I can't afford sharing a house with Bea at lalo naman doon sa tatay ko.

"Where's the nearest?" Tanong niya.

"Tard's." I mumbled. I remembered Tard telling me na hindi naman daw sila lumipat ng bahay, hoping na bibisita ako dun if ever. Close din kasi ako sa lil sis niya na si Kelie.

"And Tard is a girl, right?" Tanong niya, not even bothering to look at me.

"Siya yung kasama ko kanina sa bar."

"So he's a guy." He said in gritted teeth.

"How do you know?"

"Someone sent me a fucking video of you, dancing with another guy." Inis niyang sambit. Tumahimik nalang ako, kung galit siya ay ayoko ng sabayan yun kasi baka itapon niya nalang ako palabas ng kotse niya.

Maya-maya lang ay tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Oh freak, gabing-gabi na, may traffic pa din. At napaka-wrong timing nun dahil sobrang awkward ng atmosphere.

"Hindi ko dala yung susi ng bahay nila Bugoy so its either you'll sleep at Bea's or your Dad's." He stated.

"Bakit hindi nalang kina Tard?" Inis kong tanong. Tumingin siya sa akin, "Itatanong mo pa talaga sa akin yan?"

Umirap ako, "Duh. Ayoko kina Bea dahil baka mainis niya lang ako at mas lalong ayoko doon kina Dad dahil baka sumabog na ako sa inis. So it would be better-"

"Hindi pwede."

"Why not?!"

"Kasi nga lalaki siya!"

"He's a close friend! There's nothing wrong with that!"

"And that doesn't change the fact na lalaki siya!" He shouted back.

Nagsusukatan lang kami ng tingin, halatang inis na din siya at hell, inis na din ako.

"Iuuwi nalang kita." Sambit nito kaya mas nainis ako.

"Pinalayas ako! Sa tingin mo tatanggapin ako ng nanay ko dun!"

"Oo!" He glared at me, saka ako mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso, "Oo, Maxie! Tatanggapin ka niya! Dahil kahit anong katarantaduhan ang gawin mo, tatanggapin ka niya dahil anak ka niya!"

"Hindi niya ako mahal!" I screamed through my lungs as I bit my lower lip to prevent my tears from falling.

"Tangina. Sinong nanay ang hindi mahal ang sarili niyang anak?!" Sigaw niya.

"Yung nanay ko!" Galit kong sambit, "Kailan niya ba pinaramdam na mahal niya ako ha?! Lagi siyang wala! Noong gumraduate akong Salutatorian ng elementary ako? Nasaan siya? Wala! I did my best to make her proud but all she did in return is to leave me for her freakin' work!"

Tumahimik siya saglit at hinayaan akong ilabas yung sama ng loob ko kay Mommy. My tears are already falling at sobrang bigat na ng nararamdaman ko kaya inilabas ko na ang lahat, "Galit ako sa kanya dahil tangina, lagi niya akong iniiwan para diyan sa trabaho niya. What's her excuse? Kasi kailangan...kailangan siya ng kompanya."

The Bad Girl's Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon