Chapter 2

57.2K 1.4K 78
                                    

{Maxie's Point of View}

Nandito ako ngayon sa school ko with my mom. Ugh. I so freakin' hate her. Desidido talaga siyang ilipat ako ng school. Kahit ayaw ko. Ayoko talaga. Who would want to? Sana si Bea nalang ang binigyan niya ng pang-tuition para lumipat ng school.

Naglalakad lakad muna ako habang kinakausap ni Mommy yung principal.

"Kawawa naman si Maxie."

"Yeah. I know. Lokohin ba naman ng boyfriend."

"Pati na ng bestfriend"

"Grabe. Hirap mag-move on niyan."

Well, pinagbubulungan nila ako. Kesyo daw kawawa daw ako kasi nga daw niloko ako ng dalawang taong pinagkakatiwalaan ko.

Like. Who freakin' cares?! Duh. Ako nga naka-move on na? Tapos sila hindi?

Yung totoo, sino ang niloko? Sila ba? Ugh.

Pumasok ako sa black room. Room to ng mga fourth years. Eto ang room na iiwanan ko. Kaya naman sa huling pagkakataon, gusto ko silang makita at makasama.

Oops. Masyado na akong madrama. Pagpasok ko biglang natahimik ang klase. Pano ba namang hindi? Dumating ang ex ni Brent. At ako yon.

And unang bumungad sa dyosa kong katauhan ay ang dalawang naglalanding mag-syota.

That stupid guy and that stupid friend of mine. They're kissing like.. the torrid one. Ew.

Buti nalang 'di ko pa pinapaubaya sa kanya ang second kiss ko.

Yeah, nasa kanya na ang first kiss ko.

So what? I'm deeply madly crazily in love with that bastard!

I saw BEAtch and Brent realize na nandito pala ako. Napatigil naman sila.

Napatingin ako kay Brent, nagtama ang mga mata namen. He smiled at me and my heart goes like LUB DUB LUB DUB LUB DUB!

Like boom! Ano bang kabadingan tong sinasabi ko?!

Syempre joke lang na nginitian niya ko. Umiwas lang siya ng tingin. Si BEAtch naman naka-creepy-smirk.

She confidently walks towards me.

"Oh hello there, dear bestfriend. Glad to see you here." Sabi niya habang nakangiting parang sira. Tss. Sarap iprito eh.

"You're glad to see me? I bet you're not. Ayaw mo pa namang natatalbugan ang beauty mo." Sabi ko saka siya inirapan. Umupo ako sa table at nagcross legs at cross arms sabay taas ng kilay.

"I'm glad you know na ayaw kitang makita pero excuse me, wag mo kong igaya sayo. Alam ko namang umaapaw insecurities mo sa'kin." Sabi ni Bea saka siya umirap at pumamewang sa harap ko. Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Alam mo may naaalala ako sa'yo. Ikaw ba si bakekang? You actually looks just like her." She said saka tumawa na parang witch. Bagay lang sa kanyang maging witch, masama na nga ang budhi, masama pa ang mukha.

She thinks papatalo ko? Well. Not. Kailan pa nagpatalo ang isang Maxiemilienne?

"Oh really?" Taas kilay kong sabi. "You know what.. Sa tuwing nakikita kita naaalala ko yung pinapanuod ko sa T.V."

"And what's that?" Nakangiting parang aso niyang tanong habang nakataas pa kilay. Gosh. Hindi bagay sa kanya magtaray! Mas gusto ko pa nung pasanta-santita pa siya eh.

"Yung born to be wild." I smirked. Now, it's my turn to show an evil smile. My classmates go wild. They're actually cheering for me. And me only. Everyone here is my friend.

Kiddin'. Takot lang talaga sila sakin kaya ako ang chinicheer nila. Ang paplastic nila. I know for sure nilalait nila ako pag nakatalikod ako.

"I hate you!" Nanggagalaiti niyang sabi. Woah. Ang pikon nito.

I looked at her from head to toe, yung parang inaanalize ko lahat ng features niya. Then said, "Hindi ko talaga malaman kung bakit ako pinagpalit ng boyfriend ko sa'yo. I mean. Mukha ka namang palaka. Panget na nga. Plastik pa. And worst malandi pa. Ay wait. Ahas ka rin pala. Woah! You're lucky. Gifted child ka. Na sa'yo na ang lahaaat!" I said saka ako bumaba sa pagkakaupo ko sa mesa. Naglakad ako ng may nakakakilabot na ngiti sa labi.

Napatigil lang ako nang biglang nagsalita ulit si BEAtch.

She laughed before saying, "I'll try to understand you, Maximilienne Montesque. Alam ko namang insecure ka lang sakin eh. Everyone here knows why you are acting like that. But sorry, your boyfriend is mine now and you have nothing else to do with that"

Napangisi ako sa sinabi niya. Lumingon ako ulit sa kanya at sinabing, "I don't even give a shit anymore. Think what you want, believe what you want. But just remember Ms. Beatrinica Maria Clara Antonio."

I grinned nang sabihin ko ang buong pangalan niya. Ang baho ba?! Ako lang nakakaalam niyan dito kaya naman nanlisik ang mata niya nang sabihin ko yun. Lalo na't nagsitawanan ang ilang kaklase ko.

"I cared when no one else did. Better pray karma will hit you, before I do." Nag-flip ako ng hair then lumabas na leaving her mouth open. Ano? Nga-nga nanaman siya. I win again.

The Bad Girl's Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon