CHAPTER 1

6 2 0
                                    

"Sweetie pie, Ano bang iniisip mo dyan?" tanong ni Moon kay Kendra.

"Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan. Baka ipatapon kita sa mars." masungit na sabi ni Kendra kay Moon. Kaklase niya ito at manliligaw na rin niya.

Kahit ilang beses na niyang sinabi na hindi niya ito gusto ay patuloy pa rin ito sa panliligaw sa kanya.

Kaya pinabayaan na lamang niya ito sa trip nito sa buhay

"Ang sweet sweet mo talaga, sweet pie ko. Ipapatapon mo ako sa mars tapos kasama ka." Sabi nito kaya napa-iling lang siya.

"Tumigil ka nga diyan, Moon." angil niya.

Ang tagal naman ni Mavie. Baka bato ang inilalabas nito sa cr. Sabi niya sa sarili.

May sasabihin pa sana si Moon sa kanya pero nang may narinig silang nagtitilian.

"Erick my labss!!!!" B1

"Anakan mo ako Erick ko!!!" B2

"Gwapo mo talaga asawa ko!" B3

"Erick, pwede bang magpatulong sayo sa paggawa ng project ko sa math? Magaling ka raw sa gano'n." B4

"Ako rin, Erick. magpapatulong din sana ako sa homeworks ko." B5

Naniningkit ang mga mata ni Kendra pagkatapos marinig na pinagkakaguluhan ng mga babae ang kanyang knight in shinning armor niya.

Tinabig niya si Moon upang makalapit sa nagku-kumpolan ng mga babaeng nag-aabang sa taong crush niya.

"Ehemm! Excuse me! Dadaan ang pinaka-maganda sa eskwelahan." Mataray na hinawi niya ang mga estudyante at agad na humawak sa braso ng binata na halatang nagulat sa ginawa niya.

"Who are you bitch?" mataray na tanong ng isang babae na mukhang bitch.

"Hindi mo ko kilala? Oh well, ang lalaking ito na pinagkakaguluhan niyo ay ang boyfriend ko." she said habang nakahawak pa sa braso ng binata.

"What?!" Sabay sabay na sigaw ng mga babaeng naroon.

"Yes!" ngiting sabi niya. please wag ka sanang kokontra sa akin.

Binalingan niya ang binata. "What's your name again, Honey?"

"Maverick Carden Alphonse Selvestria" sagot nito, habang nagkunot-noo nito sa kanya.

"Ang haba naman ng pangalan mo. Mavie na lang ang itatawag ko sayo." reklamo at suhestiyon niya sa binata. "This man is my boyfriend."

"What?!" B6

"Stop joking you b*tch!" B7

"The f*ck! Kailan pa?" B8

"Please gisingin niyo ko sa bangungunot nato!" B9

"Hindi totoo ito!" B10

"Kayo mga low grade, ke-babaeng ninyong tao, hina-harass niyo yung Mavie ko. Pasalamat kayo at mabait ito kung hindi , malamang na matagal na kayong tanggal sa paaralan nato. Gusto ninyong i-report ko na lang kayo sa mga adviser niyo?" Pagbabanta pa niya sa mga ito. Nagsilayasan naman agad ang mga ito.

Naramdaman niyang kumawala na si Mavie sa pagkakahawak niya. "So, I'm your boyfriend, huh? Ngayon ko lang nalaman na may nagmamay-ari pala sa sakin?" cold na sabi ni Mavie.

"Ngayon alam mo na, you're welcome nga pala."

"What?" naguguluhan nitong tanong.

"You're welcome dahil iniligtas kita sa mga fans mo."

"Hindi naman ako nag 'thank you' sayo, ah?" tanong nito sa kanya.

"Alam ko, inunahan na kita. Sayang naman 'yung laway mo kung magpapasalamat ka pa sa akin. Wala na ba akong utang sayo?"

"Wala ka namang utang sa akin," he said.

"Meron. Utang ko sayo ang pangalawang buhay ko. Kaya mula ngayon, ikaw na ang aking boyfriend at tagapagligtas." nakangiting turan niya nito.

"Sweet pie! Magsisimula na ang klase natin! Tara na baka ma-late pa tayo!" tawag sa kanya ni Moon.

"I have to go, Hubby. May klase pa ako eh." paalam niya sa binata.

Humakbang na siya palayo sa binata. Gusto niyang matawa sa sarili niya. Hindi pa niya kailanman nagawang lumapit sa isang lalaki at magiging boyfriend niya.

Bakit nang makaharap niya si Mavie, pakiramdam niya ay hindi siya kinakabahan? Parang hindi niya maramdaman ang pagkahiya niya.

"Hoy babae ka, saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." bungad agad sa kanya ng kaibigan at kaklase ni Meyan.

"Diya lang sa tabi-tabi, nakipagkilala ako sa shawty." tugon niya rito.

"Sinong shawty? Si Prince?" takang tanong nito.

"Si Prince lang ba ang gwapo sa campus natin?" balik tanong niya rito.

"Sino pa ba?" tanong uli ni Meyan.

"Huhulaan ko kung sino'ng tinutukoy mo," sabad ni Moira. Bestfriend at kaklase niya ito na patay na patay sa pinsan niyang si Cold.

"Sino?" tanong ni Meyan.

"E'di yung kuya mo na saksakan ng suplado." mataray na tugon ni Moira.

Gulat na napaligon siya kay Meyan.

"What?! Kapatid mo si Mavie?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Gaga ka! May kuya ka palang kasing gwapo ni Adonis, bakit hindi mo agad pinakakilala sa akin?!" Nilingon niya si Moira. "Ikaw? Bakit hindi mo sinabi agad sa akin na nakilala mo na pala si Mavie?"

"Absent ka kasi kahapon. Kaya hindi mo nakilala noong ipakilala sa akin ni Meyan ang kuya niya." sagot nito sa kanya.

Napatili siya. Tinampal siya sa braso ni Meyan. "Gaga ka! Makatili ka naman diyan! Kuya ko lang naman ang tinitilaan mo."

"He's so handsome, bhee! I want to know about him," saad niya.

"Later na, bhe. Nandiyan na si Prof. Kris. Usap na lang tayo mamaya pagkapatapos ng klase ni Prof. Sasabihin ko lahat lahat ng mga secrekto ni kuya."

Umayos na siya ng upo sa kanyang armchair. Hindi na yata siya makapaghintay na matapos ang klase nila.

She desperate to know everything about that super suplado but handsome guy, Maverick Carden Alphonse Selvestria her new beloved crush.

_____.

Author's Note:

Hello Babies ko!! Have been so busy lately. Short update lang nagawa ko. Babawi ako kapag hindi na ako busy.

Salamat sa paghihintay mga babies ko! Happy Reading!

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Villamonte's Series 1: Waiting For You To Love Me Back (On-Going)Where stories live. Discover now