Chapter 2

13 3 0
                                    

"Bakit ka ba tingin ng tingin sa akin akin?" she ask.

"Masama ba'ng tumingin sayo?" pabalik ng tanong nito

"Ayoko nang tingin ng tingin ka sa akin." masungit nga saad niya.

"I can't help it but wait bakit ka namumula?"

Napapangiti lang si Kendra habang pinagmamasdan at pinapakinggan ang away ng dalawang bata na sina Monica at Rhysand.

Kendall Monica   was Mavie's niece while Rhysand Car was her only nephew.

Kapag nais niyang pumunta sa bahay nina Mavie ay isinasama niya si Rhy para may alibi siya tuwing pupunta roon.

Kapag hindi raw niya ipinapasyal doon ang pamangkin niya ay hinahanap ito ng pamangkin ni Mavie.

Fermonica was the first grandchild of Selvestria's family na bunga ng early pregnancy ng kasintahan ng isa pang kapatid nina Mavie at Meyan.

"Hindi ako namumula. Sabi ni mama at ate meyan na maganda ang cheeks ko."
narinig niyang tugon ni Monica.

"Where is your Mom? Sa pagkakaalam ko wala ka namang mommy, eh." pang-aasar ni Rhy dito. Alam kasi ng pamangkin niya na iniwan si Monica ng mommy nito.

Biglang umiyak si Monica. Pupunta sana niya ang dalawa nang marinig niya ang inaalo na ito ng pamangkin niya.

"Sorry na, binibiro lang naman kita, eh." Hinaplos ni Rhy ang likod nito. "Halika, bibili kita ng Ice cream at kwek-kwek dun sa labas."

"Totoo? baka binibiro mo lang ako." nagningning ang mga mata ni Monica.

"Oo. Basta huwag ka na iiyak, okay?" Bumaling sa kanya si Rhy.  "Tita Pretty, dun lang kami sa labas ng gate. Bibili lang kami ng Ice cream at kwek-kwek." paalam sa kanya ng pamangkin.

Ngumiti at tumangon siya rito. "Papayag ako but don't go too far, okay?"

Sabay na tumangon sa kanya ang dalawa. Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinapanood ang mga ito.

Mabuti pa ang mga bata, kay daling magkasundo. Kay daling mabasa ang mga damdamin. Hindi tulad nila ni Mavie, hindi pa rin magkasundo.

Hindi nga niya maunawaan kung manhid lang ba si Mavie o talaga walang pakialam sa nararamdaman niya.

Maganda naman siya, sexy at matalino. Pero wala pa rin itong ginagawang aksyon para ligawan siya o mahalin siya pabalik.

Anim na taon nang nanliligaw si Kendra  kay Mavie, pero wala pa ring magandang improvement ang pagpapansin niya sa binata.

Sa buong panahon ng pag-aaral niya ay wala na siyang ginawa kundi bakuran ang binata sa mga babaeng nagkakandarapa rito.

Kahit na para siyang tanga at desperada dito, patuloy pa rin siya sa kanyang panliligaw sa binata.

Pinagtatawanan na nga siya ni Meyan pero hindi niya iyon pinansin.

Sabay silang nagtapos ni Mavie ng pag-aaral sa iisang paaralan.

Naging ka-year level nila ni Meyan si Mavie dahil tatlong taon itong huminto sa pag-aaral nang bumagsak ang negosyo ng mga ito.

Ngumit nagsumikap si Mavie na makapagtapos ng pag-aaral.

Ngayon nga ay nasa magandang estado muli ang negosyo ng mga Selvestria.

Sa company rin ng mga Selvestria niya napiling magtrabaho kahit kailangan din siya ng pamilya nila sa negosyo nila.

Wala sa pagnenegosyo ang hilig niya. Ang pagiging writer ang totoong passion niya.

Panganay na apong lalaki si Mavie, sinubukan ng lolo nitong ipahawak dito ang media company na iyon na minsan ng tinanggihan ng ama ng binata.

Villamonte's Series 1: Waiting For You To Love Me Back (On-Going)Where stories live. Discover now