Chapter 4

7 2 0
                                    

"Headlight, check. Helmet, check. Life vest, check. Isa na lang ang kulang... goodluck kiss ko," nakagising sabi niya kay Mavie habang tsine-check ang mga gamit. Naghahanda na silang lahat na pumasok sa loob ng kuweba. 

"Ako na lang ang magbigay sayo ng goodluck kiss mo, Kendra." Denver said na lumapit pa sa puwesto nila.

"Fuck off, dude!" paasik na saad ni Mavie at kinabig siya palapit sa katawan nito. Kung hindi lang niya kabisado ang palaging pag-aaway ng magpinsan kahit sa mga walang kwentang bagay ay baka isipin niyang nag-seselos si Mavie sa pinsan nito.

"What's wrong with you, dude? Hindi ba't wala ka namang pakialam kay Kendra? Bakit palagi ka na lang humaharang sa pagitan naming dalawa?" Denver ask.

Gusto niyang upakan si Denver. Wala na kasi itong ibang ginawa kundi ang pinamukha sa kanya na wala siyang halaga kay Mavie.

"For your information, Denver. Si Mavie lang ang mahal ko atsaka wala kang pag-asa sa akin. Kaya, umalis ka na dito." pagtataboy niya rito. "Tara na, Darling ko." Niyaya na niya si Mavie papasok sa loob ng kuweba dahil nagsisimula na ring pumasok ang iba sa mga kasamahan nila.

Gusto niyang pagsisihan ang naging pagtrato niya kay Denver, pero kailangan din niyang gawin iyon dahil hindi naman niya gustong bigyan pa ito ng pag-asa sa kanya. 

Nagulat siya nang maramdaman niya ang mahigpit na pagkabig sa kanya ni Mavie. Napahinto at napalingon tuloy siya rito.

"Don't be scared, nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan." malambing na pagsasabi nito sa kanya.

Pinigil niya na wag kiligin sa sinabi ng binata. Muntik na niyang makalimutan na dapat matakot siya sa madilim na kuweba.

Tumango na lang sya bilang sagot. Kinakabahan siya na baka malaman ni Mavie na hindi siya takot sa madilim na kuweba. Ginantihan na rin niya ang pagyakap nito. Damang-dama niya ang init ng katawan nito. 

Hindi niya maintindihan kung bakit lalo siyang kinakabahan sa sitwasyon nila ngayon. Maybe because this was the first time.

Kahit magkasama kasi sila sa iisang kompanya, bihirang-bihira pa rin na magkasama sila nang matagal na oras. 

Nagkakaroon lang sila ng pagkakataon na magkasama nang lagpas dalawang oras kapag may mga event na kailangan nilang daluhan pareho.

"You're shaking, Kendra. Ibang klase ka palang matakot." saad ni Mavie

"I'm not scared." 

"Sinabi mo, eh." saad nito na halata namang hindi naniniwala sa sinabi niya.

Tumahimik na lang siya at nagmamasid sa paligid habang naglalakbay sila sa loob. Wala na rin namang silbi kahit aminin pa niya rito ang totoo dahil ayaw rin siya nitong paniwalaan.

Sa kakalingon-lingon niya sa paligid dahil naaliw siya sa mga magagandang bato ay bigla na lang siyang lumubog sa malalim na parte ng tinutungtungan niya.

Mabuti na lang nandyan si Mavie. Subalit mukhang hindi rin nito napaghandaan ang nangyari kaya magkasama silang lumubig sa malalim na parte.

Sumigaw siya. Hindi sila lulubog ng husto dahil may mga suot silang life vest pero nagpa-panic pa rin siya.

"Hey, Calm down. I'm here for you." Mavie said to her, saka siya hinila patungo sa mababaw na parte.

Nagsibalikan ang iba pa nilang mga kasama ng marinig nila ang sigaw niya at alamin kung ano ang nangyari. Nangungunang sumaklolo sa kanila si Denver.

"What happen, Kendra? Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Okay lang ako, Denver. Huwag nga kayong OA." nasabi lamang niya nang makita ang pag aalala sa mga mukha ng nga ito.

Villamonte's Series 1: Waiting For You To Love Me Back (On-Going)Where stories live. Discover now