Chapter 8

1 1 0
                                    

"Kendra!" Sabay silang napalingon ni Ria sa lalaking tumawag sa pangalan niya.

"Sinundan mo ba ako, Mavy ko?" tanong niya sa binata nang makalapit ito sa kanila.

"Bakit nag-lakwatsa ka sa oras ng trabaho?" kunot-noong tanong nito sa kanya.

"Kasi naman..." hindi niya tinapos ang sasabihin niya ng mag salita naman ito.

"Bumalik na tayo sa opisina." Hinablot na ni Mavy ang braso niya.

"Aray! Bitawan mo nga ako Mavie!" Napangiwi siya habang naglalakad sila palabas nang mahawakan nito ang pulsuhan niya.

Agad na bumitaw siya at ikinubli rito ang pasa naroon.

"Napano yan?" tanong nito sa kanya.

"W-wala ito. Naipit lang ito sa lamesa kanina." sagot niya.

"Tara na at nang maasikaso natin 'yan. Masakit ba?" yakag na nito sa kanya.

Wala sa loob na nagpahatak na lang si Kendra sa binata habang papalabas sila.

Dumeretso na sila ni Mavy sa kotse na dala nito. "Ipapakuha ko na lang ang kotse mo---"

"M-mavy, Are you mad at me?" putol niya sa sinasabi nito.

Pinagtaasan siya nito ng isang kilay. "Kailan ba ako nagalit sayo?"

"H-hindi ka galit sa'kin? Bakit parang iniiwasan mo ako nitong nakaraan kung hindi ka talaga galit sa akin?"

Nag-iwas ng tingin si Mavy sa kanya. "Marami lang akong ginagawa, Kendra. Let's go. Marami pa tayong gagawin sa office."

---

NAPAANGAT ang mukha ni Kendra mula sa pagkakasubsob niya sa tambak-tambak na trabaho nang mapansin na may kung sino ang nagbaba ng takeout Macha Milktea sa mesa niya.

Alas-otso na ng gabi pero nasa opisina pa rin siya at tinatapos ang mga work load niya. Nang mga nakaraang araw kasi ay naghahabol na ng deadline ang editorial department dahil malapit na ang proposed date nila sa paglalabas ng bagong edition ng magazine.

"Bakit hindi ka pa umuuwi Mavy?" tanong niha nang malingunan ang binata.

Umupo ito sa silya na nasa harap ng mesa niya. "Hindi ba dapat ako ang nagsasabi sayo niyan? Bakit nandito ka pa? Kanina pa nakauwi ang mga kasama natin ah."

"May mga tinatapos pa kasi akong trabaho." Hinubad niya ang eyeglass niya at saka inabot ang binaba nitong Macha Milktea.

"Umuwi ka na. Bukas mo na ito asikasuhin," sabi nito. Ibinaba nito ang folder at inabot ang bag niya, saka siya hinila patayo.

Nagulat siya sa inakto nito at muntik nang matapon ang hawak niyang milktea.

Bakit ba parang gustong-gusto na siya nitong paalisin sa opisina niya?

"S-sandali lang, Mavy." Binawi niya ang kamay niyang hawak nito at ibinaba sa mesa ang hawak na milktea. "Mamaya pa ako uuwi tatapo---"

"May hinihintay kang maghahatid sa'yo pauwi?" putol nito sa sasabihin niya.

"H-ha?" takang tanong niya.

"Pansin ko na parating si Denver ang naghahatid sa'yo pauwi kapag nag-o-overtime ka." madilim ang mukhang saar nito sa kanya.

Napakunot-noo lang siya. "Paano mo nalaman 'yon?" tanong niya rito.

Aminado siyang sa mga nagdaang araw ay halos hindi sila nagkikita ni Mavie dahil marami rin itong inaasikaso, samantalang siya ay madalas mag-overtime dahil may nira-rush siyang trabaho.

Madaming beses din na pinagbigyan niya si Denver na ihatid siya pauwi. Bukod kasi sa napakakulit nito ay pagod na rin naman siya sa buong maghapon at wala nang enerhiya para makipagtalo pa kaya umooo nalang siya sa binata. Sira din kasi ang kotse niya at nasa talyer pa.

"Paanong hindi ko malalaman, nakikita ko kayo," walang emosyong tugon ni Mavie sa tanong niya.

"Nakikita mo kami? Kailan? Paano? Lagi ka namang wala dito, ah?" naguguluhan pa ring tanong niya rito.

"Bumalik ako rito pagkatapos ng mga appointments ko para i-check kung ano ang natapos sa trabaho niyo. Nasaan ba ang kotse mo?" naiinis na turan pa nito.

"Nasa talyer yung kotse ko. Inihatid niya ako pauwi. Ano na naman ang problema mo?" aniyang pinagtaasan pa ito ng isang kilay.

"Akala ko ba ayaw mo sa kanya?" naiinis tanong nito sa kanya.

"Alam kung galit ka sa kanya pero hindi ko papa-apekto sa mga paninira mo sa kanya." sabi pa niya sa binata.

"Sisiraan? Matagal ng sira ang isang iyon at wala akong pakialam sa kanya! Bahala ka nang umuwing mag-isa o magpahatid ka na lang sa gago na'yon." bulyaw nito at ibinalik nito sa kanya ang bag niya.

Napangiwi siya sa inasal ng binata.

Bakit ba naisip pa niya na posibleng magselos si Mavie?

Hindi naman siya nito gusto. Nag-level up na naman ang pagiging delulu niya rito at nakalimutan niya ang realidad na hindi magkakagusto si Mavie sa kanya.

Bumalik siya sa kanyang mesa at muling pinagtuunan ng pansin ang Macha Milktea nang muling bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa niyon ang bulto ng binata.

Walang pasabing inagaw nito sa kanya ang hawak na Milktea, ibinaba iyon sa mesa at hinila siya patayo.

"Wala ka talagang balak sumunod sa akin?" galit na saad nito sa kanya. "Balak mo talagang magpahatid sa gago na'yon? Mamaya pa siya uuwi dahil marami pa siyang gagawin dito sa opisina. Ako na ang maghahatid sayo pauwi."

Napapanganga nalang si Kendra. Ang akala niya ay umalis na ito. Sinabi nitong wala itong pakialam sa kanya.

Bakit ngayon ay pinapaalis na siya sa opisina niya at nagprisinta pa itong ihatid siya pauwi?

_____

To Be Continue...

Its_AudreyBelle11 || AG💋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Villamonte's Series 1: Waiting For You To Love Me Back (On-Going)Where stories live. Discover now