Chapter 6

5 2 0
                                    

"Hi Tita, thank you nga po pala roon sa pinadala niyo sa akin. Ang sarap po. The best po kayo!" pasasalamat niya dito.

"Kailan 'yon, hija?" nagtatakang saad nito sa kanya mula sa kabilang linya.

Kahit siya ay tila nagulat na rin. Kanino pala galing na kinain niya habang patungo sila dun?

"Tita, makakalimutan ka na, sign of aging na 'yan." pagbibiro niya sa ginang.

"Wala talaga akong matandaan tungkol sa tinutukoy mo, hija." tugon ng ginang.

"Iyon pong ipinaabot niyo kay Mavie noong last week," pagpapaalala niya sa ginang.

"Wala kami sa bahay last week, hija. nasa Bohol kami ng Tito Markie mo para bisitahan ang companya namin dun." May malaking companya ang mga Selvestria sa Bohol.

"Talaga po tita?" gulat na tanong niya.

"Baka si Mavie ang gumawa iyon, hija. Nagpaturo siya sa akin kung paano gumawa ng favorite mong Adobong Manok bago kami pumunta sa Bohol."

Napangiti siya dahil sa narinig niya mula kay Tita Via. Si Mavie pala ang gumawa ng Adobong Manok.

Bakit idinahilan pa nitong ipimabibigay iyo ng mama nito sa kanya?

"Ibaba ko na po ito, Tita. Salamat po sa time." paalam agad niya sa ginang.

"Walang anuman, iha." anito sa kabilang linya bago ito nagpaalam din sa kanya.

Pumunta siya ni Mavie sa opisina nito. Alam niyang hindi sapat ang dahilam niya upang gambalain ang binata sa ginagawa nito.

Tuwing makakaalan kasi siya ng mga bagay na ginagawa nito para sa kanya ay hindi siya nagmimintis na tuksuhin ito hanggang mainis ito sa kanya.

"Kendra!"

Nasa tapat na siya ng opisina ni Mavie nang marinig niya ang pagtawag ng pamilyar na boses iyon.

"Hoy babae ka! Nandito ka na pala." Tuluyan nang naudlot ang plano niyang pagkatok sa pinto ng opisina ni Mavie pagkakita niya sa kaibigan niyang Meyan na kapatid ni Mavie.

Isang International Photographer at may company ito sa New Work, Canada at Spain si Meyan.

"Oo, kadarating ko lang dito. Dumiretso na ako rito para alamin kung effective ba yung activity niyo last week. Sa tinagal nating mag kaibigan hindi ko man lang malaman may takot ka pala sa dilim."

"Huh?" nalilitong tanong niya.

"Nabanggit sa akin ni Mavie tungkol sa recent activity niyo. Nakagalitan pa niya ako. Bakit di kita isinama noong nag spelunking, eh di sana sabay na tayong naka recover sa takot." Napatunganga na lamang siya rito.

"Girl, ano kasi... Ang totoo kasi iyan... Wala naman talaga akong takot sa dilim. Pinabayaan ko lang na isipin iyon ni Mavie para sumama siya sa activity namin." pag amin niya.

Nabigla ito sa sinabi niya. "W-what?!"

"To be honest, Meyan. Gusto ko lang makasama ang kuya mo at wala ako ibang paraan kundi ang mag-sinungaling sa kanya," saad niya sa kanyang kaibigan.

"Loka-loka ka talaga kahit kailan, Kendra. Lagot ka talaga sa kanya kapag nalaman niya ang totoo nga nag sisinungaling ka sa kanya. Nakakatakot kaya kung magalit si Mavie." anito.

"Di naman niya malalaman kung hindi mo sasabihing nagpapanggap lang ako na may wala akong---" Napahinto siya sa pagsasalita ng may tumikhim.

Nagulat siya nang makita niya si Mavie. Kahit si Meyan ay tila nagulat din.

"H-how long have you been h-here?" kanda-utal-utal na tanong niya kay Mavie.

"Long enough to hear everything, Kendra." walang emosyong saad ng binata sa kanya. "Go back to your work. Hindi ito ang oras ng pakikipagtsismisan niyong dalawa," sabi nito at naglakad na papasok sa loob ng opisina.

Pumasok siya sa loob ng opisina. "Darling..." napakagat labi siya.

Ano ang dadahilan niya sa binata?

Ano ang sasabihin niya?

Pano siya magpapaliwanag sa binata?

He just heard everything at sa mismong bibig pa niya ang nanggaling.

"What are you doing here? I said go back to work!" Mavie said.

Napapikit lang siya. Natatakot na siya kay Mavie ngayon.

Kahit natatakot siya ay nagsalita siya. "Mavie iyong tungkol sa narinig mo kanina---"

"I heard everything and I've learned my lesson now, Kendra." putol nito saa sinasabi niya.

"I'm sorry, Darling," pangungulit niya rito.

"Go back to your work now. I have lots to things to do, Kendra." anito at tumingin na ito sa laptop nito.

Bagsak ang mga balikat na lumabas siya ng opisina nito. Gusto niyang umiiyak ngayon.

Ang bilis naman ng karma niya. Minsan lang siyang nagsinungaling kay Mavie pero agad na siyang naparusahan.

Inabala na lang niya ang sarili sa ibang gagawin. Subalit kahit ano yatang trabaho niya ay hindi na siya makapagtatrabaho pa nang matino.

Unfocused siya masyado dahil hindi na siya pinapansin ni Mavie. Kahit ngayon na lunchtime nila ay ni hindi siya nito tinapunan ng tingin at basta na lang ito nilagpasan.

Gusto sana niyang yayain si Mavie na kumain silang sabay pero nag-alangan siya.

"Hi babe," bati ni Denver sa kanya at basta na lang nitong umupo sa tabi niya.  Tinawag nito ang waiter upang mag-order ng pagkain nito.

"Cath, palit nga tayo ng puwesto." baling niya sa kanyang kaibigan na busy na nagsa-soundtrip gamit ang headset nito.
"Catherine Seymour!" tawag uli niya rito at tinapik na ang kanyang kamay nito nasa ibabaw ng mesa.

Inalis ni Cath ang headset nito at binalingan siya. "What?"

"Sabi ko palit tayo ng puwesto. Dito ka umupo sa tabi ni Den." Binalingan niya ang binata na nakangalumbaba nakamasid sa kanya, saka ito inirapan.

Hindi pa rin napapawi ang nakalolokong ngiti sa mga labi ng binata.

"At bakit ko naman iyon gagawin, aber? Bahala ka nga riyan sa kanya." mataray na pagsasabi nito sa kanya at isinuot ulit sa tainga ang headset ito.

Nayayamot na inilayo na lang niya ang tingin kay Denver at hinahanap ang iniirog niya. Napatayo siya bigla nang mapansin ang isang matangkad, sexy, maputi at chinita na babae na patungo sa mesa ni Mavie at umupo ito sa tabi nito.

Biglang naramdaman siya ng galit at inis sa nakita niya.

Ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na umupo ang darling ko! sabi niya sa kanyang sarili.

To be continued...

_____

A/N:

Sa wakas nakapag update na rin na ako dito sa wattpad. Namiss ko kayo mga babies ko.

Sorry at ngayon lang ulit ako nakapag update sa story na ito.

Sobrang dami ng module namin at gumawa pa kami ng research huhu. Wag kayong mag alala mga babies ko, kahit busy ako sa student life at love life ko magu-update pa rin ako ng mga stories ko dito sa wattpad account ko.

Sana maintindihan niyo ako mga babies! Maraming salamat at nag hintay kayo sa update ko❤️

Its_AudreyBelle11 | AG💋

Villamonte's Series 1: Waiting For You To Love Me Back (On-Going)Where stories live. Discover now