Chapter 3

4 2 0
                                    

Magkadikit na ang mga kilay ni Kendra habang nakahalukipkip na naghihintay na makarating sa kinaroroonan nila si Mavie.

 Paanong hindi siya mamayamot kung tatlong oras na silang naghihintay sa airport sa pagdating nito.

"Where have you been, Mavie?"nakasimangot na tanong niya nang dumating na ito.

Hindi na nagre-act ang mga katrabaho nila kung ganoon man siya makipag-usap sa boss nila. 

"May inaasikaso pa ako kaya medyo natagalan ang dating ko." saad ni Mavie nang makalapit na ito sa kanila.

Napansin niya ang pawis sa noo nito. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang pawis nito. Natural na gawain na niya iyon at nasanay na rin si Mavie kaya hindi na ito nag-react pa sa mga ginagawa niya.

"Akala ko ba, nag-cancel ka ng mga meetings mo para sa activity nato, bakit na late ka pa rin?"

"Nakahabol naman ako." Hinawakan nito ang kamay niya at sinenyasan ang mga kasama nila na sumakay na ng private plane ni Mavie. 

(Ito pala ang private plane ni Mavie)

"You always say that you hate late comers and yet you're the one who's late

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"You always say that you hate late comers and yet you're the one who's late." nakasimangot niyang sabi.

Napangiti ito sa hindi niya malamang dahilan. Gayunman ay hindi pa rin naiwasan ng puso niya ang tumalbog-talbog sa loob ng kanyang dibdib. Mabibilang sa mga daliri niya ang pagkakataon na ngumingiti ito nang walang dahilan.

"Ngumiti-ngiti ka pa rin, Mavie. Anong akala mo, ha? Na makukuha mo ko sa pangiti-ngiti mo?" sabi pa niya habang sumasampa siya sa private plane. Nilakasan pa niya ang boses dahil maingay ang ugong ng private plane blades.

"Bakit ka ba laging highblood?" tanong nito pagkaupo nila sa loob ng private plane. Sa tabi niya ito umupo. Dapat lang iyon, dahil kung hindi ay mag-aaway sila dalawa. "Iniisip mo ba na baka hindi ako sasama sa inyo?"

Hindi agad siya nakapagsalita. Makailang ulit niyang iniisip na baka nagbago ang isip nito at bawiin ang pagsama sa kanila.

"Hindi 'no. I know that sasama ka sa amin because you don't break your promise to me, right?"

"Well, I have to break my promise, now."

"What?"

"My asshole cousin is coming along with us. I don't know what is up to him or what it is you're up to. Kailangan ko na ring tumuloy kahit pa sinabi kung hindi ako sasama kung sasama siya---"

"Wait, what? Did you think that I invited him?"

"Bakit? Diba ikaw nag invited sa kanya?"

"What? Of course not!" mariing tanggi niya. 

"I am telling you, hindi mo kailangan ng distraction para lang malagpasan ang phobia mo sa dilim, Kendra. You have to face it." seryosong sabi ni Mavie sa kanya.

Villamonte's Series 1: Waiting For You To Love Me Back (On-Going)Where stories live. Discover now