Chapter 5

8 2 0
                                    

"Ang sarap makakita ng liwanag pagkatapos ng mahabang panahong nasa dilim!"

Nakatayo na si Kendra sa labas ng bunganga ng kuweba habang malayang sinasamyo ang sariwang hanging humahaplos sa kanyang mukha.

Mas na-appreciate niya ang buhay niya ngayon pagkatapos nilang sumabak kanina sa kweba.

"I agree with that."

Napilitan siyang dumilat nang marinig niya ang boses ni Mavie. Nasa tabi na pala niya ito at pinagmamasdan din ang kapaligiran sa ibaba mula sa kinaroroonan nila.

Isang malawak na dagat ang natatanaw nila mula roon. Sa paligid naman ng dagat ay may iba't ibang uri ng halaman at puno. Halatang inaalagaan nang maayos ang lugar na iyon.

Ngumiti siya kay Mavie. Umakbay naman ito sa kanya habang malaya nilang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin. Ilang sandali pa at may naririnig na silang mga sumisipol mula sa kanilang likuran.

Nang lingunin nila iyon ni Mavie ay natuklasan nila na ang mga kasamahan nila iyon at pawang nakangisi sa kanila. Agad silang lumayo ni Mavie sa isa't isa.

Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit ganoon ang ikinilos niya. Sa ordinaryong sitwasyon ay dapat na mas maging lumapit kay Mavie para lalo silang tuksuhin ng mga kasamahan nila.

Subalit parang bigla siyang nailang na gawin iyon at hindi niya talaga maunawaan kung bakit siya nagkakaganoon. Nagmumukha lang talaga siyang mapagboro sa pangangalandakan ng pag-ibig niya sa binata.

___

"WHAT'S wrong? Kanina ka pa tahimik, ah?" nagtatakang tanong ni Mavie kay Kendra. Pabalik na ang grupo nila sa lungsod at halos lahat ng mga kasama nila ay nakatulog na dahil sa pagod dulot ng activity nila kanina. Tanging sila lamang ni Mavie at piloto ang gising.

Nakangiting tiningala niya si Mavie. "Nothing." matipid na saad niya sa binata.

"Hindi yata ako sanay na tahimik ka, Kendra. Akala ko pa naman makakabuti sayo ang activity na ito." anito.

"Nakabuti naman talaga," tungon niya. "I just realize something right now, Mavie."

"At ano iyon? Iyong hindi ka dapat matakot sa dilim?" tanong ni Mavie sa kanya.

Heto na naman sila sa paniniwala nitong may takot siya sa dilim. "Hindi iyon."

"And what is it?" makulit na tanong nito.

"Sa akin na lang 'yon." wika niya.

Sumimangot ito sa kanya. "At kailan ka pa nagtago ng nararamdaman mo sa akin, Neveah Ivelle Kendra Villamonte?"

Pinisil niya ang ilong nito. "Hindi naman ako nagtatago ng nararamdaman ko sayo."

Pinisil ng binata ang kamay niya at saka umayos ng upo. "Do you have a problem?" Ngumiti lang siya rito. "Come on, just tell me Kendra," udyok pa nito sa kanya.

"Wala nga akong problema, kulit mk talaga. Gusto ko nang matulog. Can I sure your shoulder as my pillow, Darling?" malambing na tanong niya rito sa binata.

"Kendra, just tell me your problem to me." pangungulit ulit nito sa kanya.

Ang problema ko ay mahal kita pero hindi ko alam kung paano ko pa pakikitunguhan 'tong nararamdaman ko sa'yo pero hindi naman magawang pansinin! - Sigaw ng isip niya.

"Wala nga akong problema. Bakit ang bait mo yata sa akin ngayon, ah?" Ngumiti pa siya rito at walang paalam na humilig na siya sa balikat ng binata.

"Kailan ba ako naging masama sayo?" tanong nito sa kanya.

"Araw-araw mo kaya akong sinusungitan." aniya. Ipinikit na niya ang mga mata at gusto na niyang matulog dahil sa sobrang pagod.

"Wala ka namang pakialam kahit masungit ako sayo, diba?" tanong pa ulit nito sa kanya.

Tumangon siya at isiniksik pa niya ang sarili sa katawan ang binata. "Ang bango-bango mo talaga, Mavie ko." inaantok nang saad niya.

"Just my scent?"

"No. I love everything about you." aniya.

Bago siya hinila ng antok ay narinig niya ang boses ni Mavie. "Sleep well, my love."

____

A/N:

Oppss dyan lang muna tayo mga babies ko. Bibitinin ko muna kayo mga babies ko para mas exciting ang susunod na chapter sa story na ito.

Enjoy Reading Mga Babies ko!

Its_AudreyBelle11 || AG💋


Villamonte's Series 1: Waiting For You To Love Me Back (On-Going)Where stories live. Discover now