Chapter 8

17 7 0
                                    

I am currently working dahil wala naman pasok ngayon sa school kaya nag trabaho nalang ako. This is DL Restaurant, my friend is the owner. Mababait lahat ng tao dito at pamilya din ang turing namin sa isa't isa.

"Elaine, pwede ikaw muna mag serve ng order? Umuwi kasi si Hannah may emergency daw." Nico. ako kasi ang cashier pero tumutulong din ako minsan mag serve.

"Sige. Linisin ko lang ito." Saka ako ngumiti, pag kalinis ko ng lamesa ay pumunta na ako sa cashier dahil may mga o-order short staff kami ngayon kaya double time. Pati si Jona which is yung may ari ng restaurant na ito ay nag s-serve na din.

"Elaine, May bagong dating. Can you hand them our menu?" Jona. I just nod as an answer saka naglakad sa table ng bagong costumer. Natuptup ang paa ko ng makita ko kung sino ang costumer. Parang gusto ko nalang umalis. Pero trabaho ko ito. Pano nila nalaman to? Malayo ito sa bahay at school. I composed myself and act as an employee. It's them again. Actually kasama din nila ang buong barkada, Si Vince, Carl, Hanze, Mavy and Josh saka sila Althea, Evelyn at Rica.

"Here's the menu, Ma'am and Sir" ani ko. Saka binigyan sila ng menu. I waited for their order, halatang nagulat sila na makita ako except to the girls. Kaya mo ito Elaine, you'll just take their order nothing else.

"Elaine? What a small world. Nag t-trabaho ka pala." Nakangising sabi ni Althea. I did my best para umakto na employee. I don't want them to affect my work, baka magalit si Jona. It takes them 10 mins to order Sinigang and Steak. They also ordered an ice tea. Mag lalakad na ako paalis ng biglang mag salita si Althea.

"I want you to serve us our order." She smile like she's planning to do something. I couldn't say no, kaya nag lakad na ako at inantay i prepare ang pagkain. As soon as matapos ay agad ko itong sinerve, pero syempre may kasama ako hindi ko naman kaya mag isa. Nang ma serve ko na ay bigla nanaman siyang nag salita.

"Can you add more ice? Ang konti." ani Althea. Ang mga babae niya namang kasama ay mukang natutuwa. I look at her and she just raised her eye brow.

"Kayo po ba, mag papadagdag ng ice?" I ask them all.

"Nope. We're fine." Sagot naman ni Mavy at Josh habang naka ngiti. They are really handsome. Bumalik na ako saka nilagyan ulit ng yelo ang ice tea nila Althea, pag ka serve ko ay maya maya tinawag ulit ako. Para lang pakuhanin ako ng utensils niya kasi nalaglag daw, I just get her another set of utensils. Pero hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay pinatawag nanaman ako.

"Bakit may buhok yung ice tea ko? Are you trying to kill me?" Maarte niyang sabi saka tumayo sa harap ko.

"Ma'am. Maayos po ang pag kaka serve ko-" hindi na natapos ang sasabihin ko ng ibuhos niya saakin ang juice niya sumunod din sila Evelyn at Rica para ibuhos din ang kanila. Dun ko lang napansin namay nilagay sila mantika, toyo, suka at iba pang condiments. Sobrang lamig ng ibinuhos nila pero nanatili na pa din ako sa kinatatayuan ko saka pinunasan ang muka ko. Gusto ko siyang sumbatan kaso ako lang ang mali at mapapahiya, kaya pumikit ako at tinawag si Nico. Gulat siyang napatingin saakin at tinatanong kung okay lang ako. I told him to serve them, kahit na tapos na silang kumain.

Nakakainis lang, pati ba naman sa trabaho ay hindi pa rin ako tinatantanan ni Althea. And Vince he just look at me, all of them. Pati ang ibang costumer ay nakatingin na saamin kaya nag paalam na ako at umalis.

"Elaine? What happened to you? Are you okay?" Tanong ni Jona.

"It's nothing. I'm fine. Ah pwede bang mauna na akong umuwi?"

I Fell In Love With My Bestfriend (On Going)Where stories live. Discover now