Chapter 19

682 11 0
                                    

"Ate thank you talaga sa pag tulong sa akin," sambit ni Lessie. Kasalukuyan na silang kumakain sa restaurant matapos nilang mamili ng damit. Si Aziel naman kanikanina lamang ay hindi makapagreklamo ngunit nang magyaya na silang umalis nagliwanag na din sa wakas ekspresyon ng mukha niya.

"No problem," nakangiting sambit ni Thalia bago sumubo noong kinakain niya.

"Bakit naisipan mo magbago ng style? Why there's still bullying you for being a nerdy?" Tanong ni Aziel na natatatawa pa ngunit bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Lessie.

"Yes, there is but that's not the reason. Why should I change my self just for the people like that? I'm not that cheap. Didn't you know na may sumpaan ako? Papalitan ko style ko once na ang kasama ko syempre iyong idol ko." Napatigil naman sa pagsubo ng pagkain si Thalia, bigla itong na flatter sa narinig at namula-mula pa ang pisngi.

"Oh wag kang magpakasaya ng masyado baka ma-stroke ka," sabi ng nasa tabi niya. Biglang umiba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bwesit ka, palibhasa kasi walang nagtatagal na maging idol ka kasi kasing gurang ng mukha mo iyong ugali mo hmmpp," bulong niya pero nakangiti parin upang hindi ipahalata kay Lessie na naiinis na ito sa kuya nito.

Nagkibit balikat lang naman si Aziel. Hindi na pinahaba pa ang usapan dahil busy din kasi itong nguyain kinakain niya at wala siya sa mood upang makipagbangayan kay Thalia.

"By the way, can I call you ate Thai?" Napatingin naman agad si Thalia sa kaniya maging si Aizel tinigil din ang pagsubo ng kutsara sa tapat ng kaniyang bibig bago naibaling ang tingin sa kapatid.

"Thai?" Nagtataka nitong tanong. Mostly  tinatawag siyang lia para hindi mahaba at ngayon lang niya narinig ang ibang pangalan na iyon.

"Hmmm yeah nnshort Thalia. So can I?" Tanong niya. Wala namang pakeng uminom ng tubig si Aziel habang si Thalia naman ay nakangiting tumango. Hindi naman niya binigyan ng masyadong pansin ang pangalan na gustong itawag sa kaniya ng dalaga dahil bigla din siyang napabaling sa kaniyang tabi.

Napansin niyang umiinom ng tubig dahil din doon hindi nakaligtas sa kaniyang pansin ang ilang butil ng tubig na umagos galing sa gilid ng labi ni Aziel pababa sa lalamuna nito na dumaan pa sa adams apple.

Wala sa sariling napalunok siya. Hindi nadin namalayan na ibinaba na ni Aziel ang baso at kasalukuyan nang nakatingin sa kaniya, ngayon tinaasan siya ng dalawang kilay ni Aziel at nilakihan ng mata doon naman napansin ni Thalia ang kahihiyang kaniyang kinilos.

Mabilis na bumaling sa ibang direksyon ang kaniyng tingin sabay kapa ng tissue sa lamesa at nagpangap na pinunasan ang labi.

Nagtataka naman si Aziel na napatingin sa dalaga dahil sa inasta nito. 'Abnormal na babae talaga'

"By the way kuya, let's go to our grandparents farm! I have a project in our school." Natigil naman si Aziel na kakatingin kay Thalia bago binaling ang tingin sa kapatid, maging si Thalia binitawan na din ang tissue na ginagawa nito pagkukunwari sa kahihiyan.

"What project? Why you need to go to Ilocos? It's too far, I think there's a farm here in manila?" Sabi niya habang nakakunot ang noo. Dahil din sa narinig ng kapatid bigla nalang itong napasimangot habang sumasama ang tingin sa kapatid.

"No, I want to go there!" Natahimik silang dalawa nang biglang sumigaw si Lessie. Napatingin din mga tao sa restaurant, bumuntong hininga si Lessie bago nagpatuloy sa pagsasalita, "so, let's go together? Balak ko sana ikaw lang isasama ko kuya pero gusto ko ding isama si Ate Thai," napangangang pareho si Thalia at Aziel sa sinabi ng dalaga.

"Ahmm ano kasi.... Hindi ako pwede- hmmppp." Natigil lang si Thalia sa pagsasalita nang biglang tinakpan ni Aziel ang kaniyang bibig para patigilin siyang magsalita.

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now