Chapter 25

741 11 0
                                    

Nakatulala ako habang nakatayo dito sa may buhanginan. Ewan ko kung paano ako napadpad dito, hinila lang naman ako papunta ni Finaly dito ng wala akong kaalalam alam. Wala naman kasi talaga akong balak pumunta sa kahit imbitado ako. Ano naman gagawin ko dito hindi ba?

"Lia dalian mo!" Sigaw niya bago nanaman ko hinila.

Naglakad kami papuntang receiptionist at binigay sa amin ang room ang room number namin bago kami naglakad paalis. Room 031 ako ngayon at 032 naman si

Napahinto kami sa harapan ng pintuan nang makita namin si Aziel at Idris.

Napairap nalang ako, akala ko talaga makakatakas ko ng kahit isang araw lang ng wala siya.

"Oh bakit ganyang reaksyon mo? Ganyan mo na ba kainis na makita ako?" Tanong niya. Nakangiti akong tumango dahil doon siya naman ang napasimangot kaya naman natawa nalang ako. Kahit kaylan talaga asar talo ang isang ito but I never hate him for that.

"Lay?" Bigla akong lumingon nang tawagin ko si Finlay para sana magpaalam at papasok na ako pero ang bruho iniwan lang naman ako! Nakita lang si Idris eh! Anong klaseng kaibigan ka!

"Wala na sila," sambit ng isa pang lamok sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin at pumasok nalang sa loob pero pagkapasok ko sumunod naman siya.

Nilingon ko siya ng masama ang tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang naman siya at ibinaba ang bag sa sofa.

"Hindi kasi ako kumuha ng reservation alam ko naman na aattened ka kaya dito na ako. Share tayo ng kwarto," nakangisi niyang sambit. Mabilis kong pinulot ang sandals ko at ibinato sa kaniya at ayun sapol ang mukha niya.

Natatawa akong umiwas ng tingin ngunit maya-maya pa may tumama kung ano sa mukha ko. Nanliki ang aking mata nang mapasing pantalon niya iyon.

Namula ang aking mukha bago siya sinamaan ng tingin. "Bastos!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papuntang restroom. Rinig ko naman ang malakas niya pagtawa ngunit kasabay noon ang malakas na kabog sa aking dibdib. Eto nanaman puso ko hindi nanaman magkamayaw.

Nang lumabas ako mula sa banyo nadatnan ko siyang parang may-ari ng kwato, nakahiga sa kama na ako dapat ang mahihiga.

Naglakad ako putungo sa kama at naupo. "Doon ka kay Idirs makikwarto," sambit ko habang pinupunasan ang aking buhok.

"Wala din siyang kwarto kaya huwag kang magreklamo." Napairap ako sa kanitang sinabi pero maya-maya pa hinila niya ang aking bewang dahilan upang matumba ako sa kama.

Aksidenteng naglapit ang aming mukha, tulala ako ng mga oras na iyon pero nang nakita ko siyang ngumiti mabilis kong pinalo ang bibig niya.

"Tigilan mo nga ko Aziel Knox!" Sigaw ko bago naupo muli. Napansin kong napanguso siya pero hindi niya ako madadaan sa pagpapa-cute niya! Kahit anong gawin niya mukha parin siyang lamok para sa akin!

Dumaan ang ilang oras tahimik lang kami hanggang sa makaramdam ako ng antok, si Azieli tulog na kanina pa.

Unti-unti akong nahiga, medyo malayo sa kaniya habang nakatalikod ako. Nang maipikit ko ang aking mata bigla siyang lumapit at pinulipot ang kaniyang braso sa bewang ko.

Halos pigil hininga akong tinatanggal ang kamay niya pero ang bruho mas hinigpitan pa niya ang kapit kaya naman walang lakas akong napabuntong hininga saka pinikit ang aking mata.

Ramdam ko biglang naging maliwalas ang buong kwarto at gusto ko ang ambiance na ganito.

                                      —

Makalipas ang ilang oras nagising ako na nakasubosob na sa dibdib ni Aziel. Nanlaki ang aking mata at inangat ang aking tingin pero nang ginawa ko iyon nakantingin na siya sa akin at ang lamok ang lawak ng ngiti. Aba naman...

Mabilis ko siyang tinulak sabay tayo.

"Ikaw na nga pinapaunan. Ganyan ba ang magsabi ng thank you?" Tanong niya. Marahas ko naman siyang hinarap.

"Sinasamantala mo ang pagtulog ko! Gusto mo magthank you ako?" Napadila siya sa akin na parang bata. Wala sa wisyo akong napangiti, kahit kaylan talaga isip bata.

"Anong oras na ba?" Tanong ko nang makaupo ulit ako sa kama habang inaayos ang aking buhok.

"Gabi na. Malapit na ang event na gaganapin," sagot niya. Mabilsi n kong napatayo sa kama.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hindi pa tayo nakakapagayos!" Taranta kong sagot. Tahimik lang naman siyang bumangon habang nagmadali akong pumasok sa restroom upang maggayak.

Inabot ako ng isang oras na nagayos.

Nakadress ako ng kulay biege. Nakita ko namang naka-suit attire na si Aziel, napansin kong magulo ang neck tie niya kaya inayos ko iyon.

"Ayan," sambit ko. Nginitian naman niya ako.

Matapos non ay sabay kaming lumabas ng Hotel, nakasalubong na nga namin sila Abrin.

Nang makarating kami sa venue mariming bigating tao ang nandoon, napapaisip nga ako anong ginagawa ako dito. Hindi din naman ako close friend ng may ari ng Isla Del Olvido eh.

Nagsimula na aang party. Nalaman ko na engagement party pala ang event. Wow grabe napakagarbo dito.

Nahihilo ako kasi sila Finlay at Aziel may nakakausap sila kami ni Abrin ng nanunuod dito.

"Kamusta naman kayo ni Aziel?" Tanong niya. Mabilis ko siyang tinapunan ng tingin.

"Hindi ok. Kung alam mo lang parang ewan pinsan mo," sambit ko bago natawa. Parehas kaming natawang dalawa maya-maya pa inaya niya akong kaya pumayag ako.

Habang sumasayaw kami biglang sumingit ang dalawa at pinaghiwalay kami.

"Huy ano ba!" Inis kong baling kay Aziel pero isinasayaw na niya ako ngayon.

"Don't make me jealous." Nanlaki ang aking mata. Hindi ko alam kung tama ba ang aking narinig.

"Ano?" Muli kong tanong pero hindi na siya umimik.

Matapos ng sayaw napagpasyahan kong lumabas. Gusto ko makalanghap ng simoy ng hangin pero sumunod sa kin si Azeil kaya nakarating kami sa dalampasigan. Nakatayo lang kaming dalawa doon habang pinapakinggan ang pag-agos ng dagat.

Tahimik lang kaming dalawa. Ewan koba mas gusto kopa nangungulit siya kaysa tahimik eh, nakakaba.

Naalala ko biglang umiba pakikitungo ni Aziel simula nang galing kami sa hacienda  nila, nadoon parin ang kakulitan niya pero since noong napunta kami sa ilocos bigla siyang nagiging clingy siguro dahil sa halikan namin? Ang usapan walang magbabago pero nakikita ko ngayon ang pagbabago but it's stange, I don't hate it.

"Thalia..." kinabahan ako nang sumeryosoo ang kaniyang tinig dahan-dahan ko siyang hinarap ngunit ang sumalubong sa akin ay ang kaniyang mahigpit na yakap.

Handa ko na sana siyang itulak pero nahinto ako nang sumandal ng kaniyang mukha sa aking balikat. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa balikat ko. "Can we stay like this for a bit?"

Natigilan ako bago marahang napangiti at hinaplos ang kaniyang likod. "Ok..." Sambit ko. Sana lang walang magbago pagkatapos ng gabing ito.

Isa lang ang alam ko, malakas ang kabog ng aking dibdib habang yakap-yakap siya, mas naririnig ko pa ito kaysa sa tunog ng music sa event o ang pag-agos ng tubig sa harapan namin.

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now