Chapter 20

754 13 0
                                    

"What seriously?!" Sigaw ni Thalia ngunit nilakihan naman siya ng tingin ni Aziel.

"Bakit ka humihiyaw Ate?" Tanong ni Lessie ngunit mabilis namang umiling si Thalia, ngumiti siya bago nilapitan.

"Naku wala hahaha, si Aziel kasi may kinukwento," sambit niya. Nagsamaan sila ng tingin ng binata bago pekeng ngumiti kay Lessie.

"Really? So pupunta tayo?" Taning nito. Napabuntong hininga nalang si Thalia bago tumango.

"Hmm ok, kaylan ba?" Tanong niya. Hindi niya alam na mapupunta siya sa ganoong sitwasyon. Out of nowhere nahila siya papunta sa mall ngayon naman mahihila siya papuntang probinsya.

"Ngayon..."


Tulala si Thalia na nakatingin sa harapan.

"Hoy ok kalang?" Tanong ni Aziel. Mabilis itong sinaman ng tingin ni Thalia dahil nahila lang naman siya papuntang terminal at hindi naman nila alam na gustong byumahe ni Lessie gamit ang public transportation.

"Ano bang meron d'yan sa kapatid mo?!" Inis na sambit niya. Hindi manlang siya nakapagpaalam sa papa niya o sa tita niya dahil sa kanilang dalawa.

Nagkibit balikat naman si Aziel habang kinakain ang mani na binili ni Lessie para sa kanila.

Pinagmasdan ni Thalia si Ariel naiirita ito sa tuwing ngumunguya ito kaya marahas niyang tinakip ang kamay niya sa bibig nito ngunit nasakto namang naisubo ni Aziel ang daliri niya.

Nanlalaki ang mata nilang dalawa. Mabilis namang iniwas ni Thalia ang kaniyang kamay palayo.

"Ahem, karidi 'yang laway mo!" Sambit ni Thalia upang tabunan ang hiyang kaniyang nararadaman.

"Ang arte mo! Ikaw ang hawak nang hawak sa bibig ko tapos magrereklamo ka?!" Napalakas ng onti ang boses niya kaya naman hindi maiwasan ng ibang pasahero ang silipin sila.

"Nakakairta kasi iyang pagnguya mo!" Napairap si Thalia habang pinupunasan kamay niya.

Inilapit naman ni Aziel ang kaniyang mukha bago dinilaan ang pisngi niya matapos non ay tumawa ito ng malakas.

Namumula ang mukha ni Thalia na napatulala sa ginawa ng binata ngunit nang matauhan siya mabilis niyang sinikmuraan ng lalaki.

"Ah!" Remlamo ni Aziel kasalukuyan na siya ngayong hawak ang kaniyang sikmura bago sinamaan ng tingin si Thalia.

"Bastos!" Inis na bigkas niya.

"Woah." Napaangat ng sabay ang kanilang nila at doon nila nakita ang ibang pasaher nakatingin sa kanila. Maahiya hiyang umiwas ng tingin ang dalawa.

"Ok na po ang palabas maari na kayong umupo," sambit ni Lessie ba para bang isang director nilang dalawa.

Mabuti nalamang walang nakakakilala kay Aziel dahil naka shade siya at naka sumbrero.

"Kasalanan mo ito!" Iritang sambit ni Thalia. Pabulong lamang iyon pero nginisian lang siya ni Azeil bago tumingin sa bintana.

Nakarinig si Thalia ng hagikhik sa tabi kaya nilingon niya ito. Nakita niya si Lessie nakatingin sa kanila pero nang mahalata ni Lessie na nakatingin na siya mabilis itong nagpanggap na natutulog.

Napabuntong hininga nalang si Thalia dahil hindi siya makakaalis sa lugar na iyon kahit mamumuti na ang kaniyang buhok sa konsimisyon kasama ng magkapatid na Santiago.


Lumipas ng ilang oras hindi malayan ni Thalia ng makatulog.

Mga ilang minuto lamang ang nakakalipas napamulat ng mata si Aziel nang maradaman niya ang mainit na hininga sa kaniyng leeg.

Tinignan niya ito. Nanlaki ang kaniyang mata sa posisyon nila ni Thalia. Nakakapit ang braso nito sa braso niya habang ang mukha ay nasa leeg niya. Para ba itong tarsier na nakakapit sa ñuno at ang punong iyon ay si Aziel.

Hindi mapigilan ni Aziel ng kabahan kasunod ng lakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang dumadampi ang mainit na hininga ng dalaga na nakayakap na sa kaniya ngayon.

"Kuya napapangisi ka dyan. Pinagsasamantalahan mo siya no?" Nakatayo na ngayon si Lessie habang nakapamewang, nawala naman ang ngisi sa mukha ni Azeil nang marinig ito.

"No! I'm not!" Napangisi si Lessie na para bang inaasar siya gamit ang ngisi nito.

"Wee? Then, I'll take a picture." Biglang nilabas ni Lessie ang camera at kinuhanan sila ng picture at bigla namang ngumisi si Azeil.

"Send that to me later. I'm sure this woman will frick out." Natatawang napatango si Lessie sa sinabi ni Aziel bago siya bumalik sa kinakaupuan niya.

Nakangisi lang si Aziel buong byahe ngunit nang malapit na sila umiba din pwesto ni Thalia kaya naman nang magising ito hindi niya alam kung ano ang pwesto niya kanikanina lamang.

Habang si Aziel hindi parin natanggal ang ngisi sa kaniyang labi. Excited na siyang asarin ito gamit ang picture na kinuhanan ni Lessie.

Bumaba sila sa bus. Sumakay lang siya ng isa pang tricycle bago sila nakarating sa isang napakalaking gate.

"Ito na ba iyon?" Tanong ni Thalia. Napatingin ang dalawa bago sila pumunta sa guard house. Lumabas doon ng isang guard.

"Hi manong. Does Grandma ang Grandpa is there?" Nanlaki ang mata ng guard nang makita sila Aziel at mabilis na binuksan ang gate.

"Naku Sir Aziel and Maam Lessie!" Gulat nitong sambit. Nginitian lang naman siya ni Lessie matapos non ay pumasok sila sa loob.

"Kanina pa po kayo hinihintay nila madam," sambit niya.

"Hindi niyo na po kami kaylangang ihatid, kaya na po namin." Kinakabahan si Thalia habang palapit sila ng palapit sa lugar na iyon ngunit nang makatapat sila sa isang malaking bahay mas lalo siyang kinabahan. Bumukas ng malaking pinto habang nakahirela doon ang mga katulong.

"Hello maam and sir," bati nila. Napayuko nalang si Thalia dahil hindi talaga maganda pakiramdam niya dito. Hindi niya alam parang may masamang mangyayari sa pagstay nila doon o baka naprapraning lang siya.

"Hey what happen to you?" Tanong ni Aziel dahil sa biglang pananahimik ng dalaga.

"Wala naman, bakit concern ka?" Hindi nakasagot si Aziel ngunit tinapuan siya nito ng masamang tingin. Si lessie naman napapailing sa kanila, nahahalata niya kung gaano ka-close ang dalawa.

Maya-maya pa may bumaba na isang matanda sa hagdan. Hindi pa ito masyadong matanda at bakas parin ang kagandahan nito sa kaniyang mukha.

"My ijoh, ijah," sambit niya. Nilapitan sila Aziel at binigyan ng halik. Nanatili namang nakatayo si Thalia sa pintuan kaya naman hindi maiwasan ng matanda na tapuan siya ng tingin.

"Who is she?" Tanong nito. Pilit na ngumiti si Thalia bago lumapit. Nakatingin si Aziel sa kaniya dahil nahahalata niya ang itsura ng dalaga, bakas ang kaba sa kaniyang mukha na hindi naman niya maintindihan kung bakit.

"I'm Thalia po, Aziel's—" bago pa man niya matatapos ng kaniyang isasabi Nguni the natigilan siya nang hinawakan ni Aziel ang kaniyang kamay at pinag-intertwined ito bago siya nginitian. Nagtataka namang si Thalia na napatitig sa kaniya kaniyang labi.

"My girlfriend..."

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now