Chapter 26

678 10 0
                                    

"Bakit ka nakatingin dyan?" Tanong ni Thalia nang mapatingin siya kay Aziel habang nilalagyan niya ito ng foundation.

"Wag kang umasa, mukha mo lang naman ang nasa harapan ko eh," pagsisinungaling niya ngunit alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya nagsasawang titigan ang dalagang nasa harapan.

"Oo na." Inis na sambit ni Thalia bago pinagpatuloy ang pag-aayos sa kaniya. May shoot ngayon ang binata kaya naman same location din sila noong unang shoot nito.

"Ayan ok na," nakangiti niyang sambit bago inilayo ang mukha. Nagbigay siya ng space para ipakita kay Aziel sa salamin ang itsura nito ngayon.

"Not bad." Napasimangot lang si Thalia dahil hindi naman iyon ang gusto niyang marinig.

Tumayo si Aziel bago siya lumabas ng tent.

Iniligpit lang naman ni Thalia ang kaniyang mga gamit bago din siya lumabas upang manuod.

Nang makalabas siya naglakad siya kung saan nakatayo si Kylie. Tinabihan niya ito sa tabi din ng direktor.

Nakita niyang unti-unting naglalapit si Aziel at Breanice dahil ito ang unang meet nila.

Hinawakan ni Azeil ang pisngi ni Breanice. "Ina?" Mahina niyang bulong ngunit napakunot lamang ng noo si Breanice at mabilis siyang lumayo bago itinutok kay Aziel ang espada.

"Sino ka?!" Sigaw niya. Naguguluhan naman siya habang tinititigan ang dalaga.

Nanatiling nananuod si Thalia at isa lang masasabi niya, magaling ng dalawang umarte. Marami pa silang take na magkasama hanggang sa ma-satisfied ang direktor.

"Ok guys. Good take, break muna" sigaw ng direktor. Patakbo namang lumapit si Aziel kay Thalia. Para itong batang lumapit sa kaniyang ina.

Napahinto ang ibang staff dahil doon habang napapatingin sa kanila.

Nilapitan siya ni Aziel at niyugyog pa ang balikat niya.

"Ano sa tingin mo? Magaling ba ako?" Gustong mapairap ni Thalia sa inaasa nito.

"Hindi," biro niya dahilan upang mapasimangot si Azeil bago hinawakan ang pisngi niya at pinisil ito.

"Aray!" Reklamo ni Thalia. Natatawa namang lumayo si Aziel at tumakbo. Wala nang pakealam si Thalia kaya naman hinabol niya ang binata paikot doon. Hindi na nila nahalata na may mga nanunuod na at hindi manlang naalala ni Aziel na may navi-video during behind the scene.

"Hoy bumalik ka dito!" Sigaw ni Thalia. Napahinto naman si Aziel bago naglakad palapit sa kaniya.

"Ok I'm sorry let's have a break together." Naging malambing ang boses nito kaya naman napatulala si Thalia. Kinuha ni Aziel ang pagkakataon para hilain si Thalia papunta sa tent.


"Madam..." pagkuha ng atensyon ng isang lalaki sa isang babae na nakaupo sa swivel chair.

"What is it?" Tanlng niya at nailipat ang tingin sa taong iyon.

"There was a live in Sir Aziel shooting area." Napakunot ito ng noo bago inabot ang cellphone upang tignan. Nakita niya si Aziel na tumatakbo, nakangiti ito, ngiting ngayon niya lang niya muling nakita, habang may babae namang humahabol sa kaniyang anak. Noong una nakakunot lang siya dahil hindi niya makita ang mukha ng dalaga.

Nang bumalik ang mga ito nahawi ang buhok nito dahilab upang masilayan niya ang buong itsura ng dalaga.

Unti-unting nanlalaki ang kaniyang mata at biglang nabitawan ang cellphone sa lapag. Napangiwi ang lalaki nang makita kung paano nawasak ng cellphone niya.

Napahawak sa dibdib ang babaeng iyon habang hingal na hingal. Matalim ang tingin niyang bumaling sa lalaki.

"Call my driver. I'll go to that place!" Sigaw niya. Nagmamadali namang umalis ang lalaki at naiwan ng babae sa loob.

"Anong ginagawa niya dito?!"


Kasalukuyang kumakain ang dalawa sa loob ng tent napapasimngot si Thalia dahil nilalagay ni Aziel ang gulay sa plato niya.

"Healthy kaya ang gulay kumain kanga," inis niyang sambit pero inirapan lang siya ni Aziel at pinagpatuloy lang ang kaniyang ginagawa.

Sumandok naman ng gulay si Thalia kasama ng kanin bago ibinaling ang mukha ni Azeil sa kaniya at tinapat ang kutsara.

"Ayaw ko!" Sinamaan siya ng tingin ni Thalia.

"Pag hindi mo kinain ito ilalabas ko stolen picture mo! Tignan lamg natin kung hindi ka maging meme kinabukasan." Nanlaki ang mata ni Azeil bago masama ang loob na isinubo iyon, masukasuka siyang ngumuya. Natatawa naman si Thalia sa kniyang nakikita.

Inilabas niya ang kaniyang  cellphone bago nag-selfie kasama si Aziel na napapangiwi dahil doon na stolen na nakangiwi siya.

"Hahahaha!" Tawang-tawa ito. Napahawak pa siya sa tyan niya ngunit natigil lang siya nang simulang agawin ni Aziel ang phone niya ngunit mabilis niya itong inilayo dahilan upang muntikan nang maglapat ang kanilang labi sakto naman ang pagpasok ng isang babae sa loob.

Naka-high heals ito, naka mini skirt at blouse.

"What's happening here?" Natigil ang dalawa bago timingin sa pintuan.

Nanlaki pareho ang kanilang mata. Mabilis namang humiwalay si Thalia bago siya napatayo.

"Mom what are you doing here?" Tanong ni Azeil habang nakakunot ang noo. Napayuko naman si Thalia habang ang kaniyang kamao ay nakatago sa kaniyang likuran at napapakuyom na.

Hindi tinapunan ng tingin ng ginang ang kaniyang anak bagkos tumingin ito kay Thalia na hindi naman siya tinitignan.

"What are you doing here?" Tanong niya. May talim ang kaniyang pananalita. Napakunot ng noo si Aziel bago inilipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"She's my make up artist," pagtatanggol ni Azeil, tumaas na din ng tono nito. Napaangat ang tingin ni Thalia bago inabot ang kaniyang bag sa may table.

"I'm sorry, I'll go now." Naglakad siya ngunit napahinto siya sa  tapat ng ginang.

"Didn't I warn you?" Mabigat ang dibdib niyang napabuntong hininga.

"Yes but I'm not like before..." sambit pabalik ng dalaga bago tuluyang naglakad palabas.

Naiwan naman sa loob ng tent si Aziel na nagtataka sa usapan nila Thali at ang kaniyang ina.

Pekeng ngumiti ang ginang at nilapitan ang anak bago ito hinagkan ng mahigpit.

"How are you son?" Tanong niya pagkatapos humiwalay ng yakap.

"Mom did you know Thalia?" He asked. Natigilan naman ito bago bumalik ang isang alala.

"Magpapakalayo ka o gagawa ako ng paraan para mawala lahat ng ariarian niyo!" Sigaw nito sa isang dalagang napaupo sa sahig, umiiyak ito at nagmamakaaawa ngunit walang awa niyang inapakan ang palad nito gamit ang kaniyang high heels.

Napahiyaw ito ng malakas habang bumubuhos ang kaniyang luha.

"Mom!" Sigaw ni Azeil. Naibalik siya sa kaniyang wisyo bago ngumiti at umiling

"No. I just thought she's someone I knew," pagsisinungaling niya bago napahigpit ang kapit sa kaniyang bag.

'I won't let you near at my family again!'

—————

Hello! Good afternoon everyone! Kamusta ang araw niyo?

Well, hope you like this chapter, till my next update again lovidabs♡

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now