Chapter 22

693 8 0
                                    

"I'm not, I like this style more." Napatyo sa kaniyang hinihigaan si Aziel.

"Really? You have a weird taste huh," sambit niya ngunit nakaramdam ng tuwa sa kaniyang puso nang marinig ito mula sa dalaga dahil hindi naman iyon ang in-expect niyang maririnig mula dito.

"Yeah I think so," sagot niya bago lumingon kay Azeil.

"Ano palang balak mo? Hanggang kaylan ba tayo dito?" Tanong niyang muli bago siya naglakad papuntang kama at naupo sa tabi ng binata.

"I think until tomorrow. Later we will accompany Lessie to do her project. I can't stay here any longer, I have shoot the next day after tommorow."

"Then you should convince her I also can't stay," pag-amin niya ngunit ang kaniyang tingin ay nasa harapan kung nasaan ang picture ni Aziel noong bata palamang siya.

Napangiti ito habang pinagmamasdan ang picture ni Aziel. Nakayakap kasi ito sa malaking teddy bare pero umiiyak ito.

"Yeah. Wait... anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. Tinuro naman ni Thalia iyong tinitignan nito.

"Anong iniiyakan mo d'yan?" Sambit niya at bahagyang natawa.

"Stop laughing! Hindi ko maalala, masyado ng matagal iyan," sagot niya habang nakasimangot. Napatingin naman si Thalia sa kanya bago siya nginitian.

"Talaga? Ok lang matagal naman na hindi na kaylangan balikan," sambit niya. Hindi naman na siya pinanasin ni Aziel.

"Ang drama mo babae, inantok ako tara matulog," sambit niya. Nanlaki ang mata ni Thalia nang humiga ang binata at sinama pa siya bago siya niyakap na para bang close silang dalawa.

"Hoy anong attitude ito Mr.Moore?" Tanong niya habang nakakunot ang noo at tinatanggal ang kamay ni Aziel sa kaniyang dibdib.

"Shhh I'm sleepy," sagot niya at mas hinigpitan pa iyon. Wala namang magawa si Thalia kung hindi mapatulala nalang sa kisame. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatulala doon. Nabalik lang ang atensyon niya kay Aziel nang maramdaman naya ang pagbigat ng paghinga nito hudyat na tuluyan na itong nakatulog.

Bahagyang gumalaw si Thalia upang umalis pero hinigpitan naman ng binata ang yakap sa kaniya habang nakapikit parin ito.

Napatulala si Thalia sa mukha ng binata. Napakaamo nito lalo na't ngayon na hindi siya gising. Natawa nalamang si Thalia sa kaniyang iniisip at wala sa sariling napahawak ito sa kaniyang pisngi bago siya katamis na napangiti.

Maya-maya pa bigla nalang kumilos ang kaniyang katawan at gumanti sa pagyakap ng mahigpit. Sinumsob niya ang kaniyang mukha sa dibdib nito. Hindi naman niya namalayan na nakagising na pala si Aziel sa kaniyang ginawa ngunit napangiti lang ang binata bago pinikit muli ang kaniyang mata.

May mga padyak ang palapit sa kwarto ni Aziel, bahagya itong binuksan ng kung sino. "Kuya we're going—" natigil sa pagsasalita si Lessie nang makita niya ang posisyon ng dalawa.

Nanlaki ang kaniyang mata ngunit kalaunan mabilis siyang pumasok at nilabas ang kaniyang camera. Nagsimula siyang kuhanan ang dalawa ng litrato matapos noon mabilis siyang lumabas ng kwarto.

Naabutan niya ang lola niyang pupuntahan din sana si Aziel.

"Oh natawag mona kuya mo?" Tanong niya. Handa na sanang bubuksan ang kwarto ngunit hinarang ni Lessie ang kaniyang katawan sa pintuan.

"Naku lola tulog po sila eh. Mamaya nalang po pagkagising nila. H'wag na po natin sila istorbohin," sambit niya bago hinila ang lola niya paalis sa kwartong iyon.

Maya-maya pa naging nalang si Thalia nang mag-isa sa kwarto ngunit naramdaman niyang may nakatabing na kumot sa kaniyang katawan.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi bago napagpasyahang tumayo sa kama.

Dumiretso lamabg siya sa restroom para ayusin ang sarili bago siya lumabas sa silid na iyon.

Naglakad siya pababa dahil naririnig niya ang boses nila Azeil at Lessie sa kusina, sobrang lakas ito na para bang nag-aaway silang dalawa.

"Kuya I have a picture of you with Ate Thai." Napahinto si Thalia sa pagpasok sa kusina nang marinig niya iyon, napagpasyahan niyang gumilid upang makinig muna.

"Send it to me." Napasimangot si Thalia dahil alam naman niyang pangaasar lamang ito ng binata sa kaniya.

"Anong gagawin mo dun?" Tanong ni Lessie habang nakangisi ngunit sinend na din niya ang picture sa cellphone ni Azeil.

"Keep it. Bakit ko ipapasa kung itatapon ko?" Pamimilosopo niya dahilan upang dilaan siya ni Lessie habang si Thalia naman hindi na mapigilan ang pumasok sa loob.

"Anong picture? Let me see?" Sagot niya. Sinensyahan naman ni Aziel si Lessie na huwag niyang ipakita dahil buburhin lang ito ng dalaga.

"I won't delete it!" Inis na sambit ni Thalia dahil nabasa niya ang tinginan ng magkapatid.

"Ipakita mo na, beside napasa mo naman na sa akin," sabi niya. Sinimangutan siya ni Thalia bago pinakita ni Lessie ang picture doon sa bus palang noong nakayakap si Thalia sa binata at nung sa kwarto ni Aziel kung saan nakasubsob siya sa dibdib ng binata habang ang mukha naman ni Aziel nasa ulunan niya. Namula bigla ang mukha niya bago binalik ang camera kay Lessie.

"Kairita," pagsisinungaling niya sabay ng pagirap niys kay Aziel.

"Oh bakit hindi mo binura?" Paghahamon nito. Napabuntong hininga naman si Lessie bago pumagitna sa kanilang dalawa.

"Tama na ang away ok? Pumunta na tayo sa pupuntahan natin para makauwi na tayo bukas." Nagsamaan ng tingin ang dalawa bago tumango. "Kuya kunin mo yung gamit dali." Hindi naman nakapagreklamo si Aziel at umalis sila doon. Sumunod naman sila ni Lesie ngunit bago pa sila makalabas ng kusina hinawakan ni Thalia ang balikat ng dalaga dahilan upang mapahinto ito.

"Ano iyon Ate Thai?" Tanong niya habang nakangiti.

"Ahhmm...ano kasi.." napakamot si Thalia ng kaniyang buhok habang si Lessie naman ay binabasa ang gusto niyang sabihin ngunit kalaunan napangiti ito.

"Ok sige ate ipapasa ko sa email mo," sagot niya bago napapatalon pa na naunang umalis. Napabuntong hininga si Thalia bago sumunod. Nahihiya lana siyang aminin ngunit gusto din niyang makuha ang picture na iyon...

Lahat sila sumakay sa kotse si Aziel. Sa loob lang ito ng hacienda ngunit dahil malawak ito kaylangan nilang gumamit ng sasakyan.

Maya-maya pa nakarating na din sila sa  flower field. Naisabi ni Lessie na ito ang gusto niyang magpaint doon gamit ang scenrio na iyon.

Nang makarating sila, pumwesto na agad sila habang si Lessie humiwalay, sila Thalia at Aziel naman nakaupo sa gitna ng flower field.

"Hey bakit hindi ka mag-paint?" pagkuha niya ng atensyon ng binata.

"Ayaw ko nga," sambit nito pero sinimangutan siya ni Thalia nang kinuha ni Aziel ang isang canvas na meron sila at painting tools na extra ni Lessie.

Humarap siya kay Tahlai. "H'wag mo tignan, surprise ito," sagot niya. Natahimik naman si Thalia. Kinuha nalang niya ang cellphone niya para hindi siya maboring.

Napapatingin si Azeil sa kaniya bago ito napapangiti. Lumipas ang ilang minuto nang kalabitin ni Aziel ang mukha ni Thalia.

Napaangat ang tingin ni Thalia sa kaniya. "Tapos kana? Patingin!" Sambit niya. Tumango naman si Aziel. Aabutin na sana ni Thalia ang canvas nang biglang idinampi ni Aziel ang kamay niya sa mukha ng nito.

"Ayan bonakid," sambit nito habang malawak ang ngiti. Napahaplos naman si Thalia sa kaniyang mulha, nakita niyang may piant ito.

Masama ang tingin na binaling niya kay Aziel. Tumayo naman ang binata bago nagsimulang tumakbo, kinuha naman ni Thalia ang ibang paint bago niya hinabol si Aziel.

"Aziel Knox! Bumalik ka dito!"

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now