Chapter 23

2.6K 269 101
                                    

Stuck ako sa room ni Eris dahil ayaw niya akong paalisin.

"Nag-dinner ka na ba?" tanong niya.

Tumango ako kahit hindi pa talaga ako kumakain. Hindi naman kasi ako gutom, at madalas hindi ako kumakain sa gabi, o kahit ng tanghalian. Tamad lang talaga ako o nakakalimutan ko kumain most of the time. "Ikaw?"

"I don't eat at night sometimes," she replied. Nilingon niya yung pinaglagyan ng cake. "Pero ubusin natin yung cake."

"Madami 'yon, baliw. Mauumay ka."

Mango bravo yung cake, masarap kasi iyon at proven ko na ang lasa so naisip ko baka magustuhan niya rin. Mahilig naman siya sa apple, baka bet niya rin other fruits. Alangan magreklamo pa siya, siya na ngang binilhan.

"I like the cake, umay is not in my dictionary."

"Bahala ka nga." Tumahimik ako ng ilang segundo. "So, kailan mo ako bibitawan?"

Ginawa na niya akong unan kakayakap niya, tangina nito. Sinubukan ko naman kumawala pero ayaw niya ako paalisin. Halos nakapaibabaw pa rin siya sa akin at parang sawa na nakalingkis sa katawan ko ─ nakayakap ang kanang braso niya sa baywang ko habang ang kaliwa ay nakahawak sa isang kamay ko, para bang pinipigilan talaga akong umalis. Yung mga binti naman niya ay prenteng nakapalibot din sa saril kong mga binti.

Tumawa siya ng mahina kaya ramdam ko yung mainit na hininga niya sa leeg ko, nakakakiliti na ewan kaya sinubukan kong umiwas pero sabay ding nag-adjust yung katawan niya. Para talagang gago 'to.

Pwede ko naman siyang itulak pero wala naman kasi siyang ginagawang hindi maganda. And hindi ko alam pero komportable din ako sa ngayon. Ngayon ko lang naman siya pagbibigyan, tutal sumama ang loob niya dahil sa akin. Iisipin ko na lang na birthday gift ko rin itong presensya ko.

"Alam mo, Bianca..."

"Ano?"

"Kanina pa mabilis yung heartbeat mo."

"Tangina," Parang lalo yatang kumabog ang dibdib ko sa narinig, pati mukha ko ang init-init. Tinulak ko siya pero ang bigat niya. I tried yanking my hand away from her grip but she wouldn't budge even a bit. "Bitaw na nga!"

Itinungkod niya ang siko para makita ako ng harapan. Yung mahabang buhok niya ay parang kurtinang humahaplos sa balat ko habang nakatutok lang ang mata niya sa akin. Yung kamay niyang nakahawakang sa wrist ko ay tumaas at pinagsalikop ang mga daliri namin. Ang awkward, bwiset.

"Gusto kitang halikan."

"Gago ka ba?"

"Seryoso ako," Tulad ng sinabi niya ay wala ring bakas ng biro o pang-aasar ang boses pati expression niya. Lumunok ako, para akong kinakabahan na hindi. "Hindi ko lang magawa since alam kong hindi ka papayag ─ and I think you'll require me to brush my teeth and rinse my mouth thrice before doing so."

"Gusto mo talaga ako, Eris Abelardo?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo para maniwala ka?"

Ine-expect ko na ngunguso siya para magpabebe pero nanatiling tipid ang emosyon niya sa mukha. Ayan na naman siya, hindi talaga ako sanay kapag ganito siya kaseryoso, parang bawal ako magmura o sumagot ng pabalang or else masisira ko yung flow ng usapan.

"You're talking about consent pero may picture mo ako rito sa kwarto mo na hindi ko naman binigyan ng permission na kunin mo." Ang pinatutungkulan ko ay yung litratong nakadikit sa board niya sa may study table. It was a recent photo noong defense namin since naka-formal attire ako ro'n.

"Um, okay, wait ─" Bumangon siya pagkatapos akong bitawan. Bumangon ako at mabilis na pinakalma ang sarili, para akong mahihilo sa bilis ng tibok ng puso ko kanina pa. Sinundan ko ng tingin si Eris nang puntahan nito ang study table niya, kunin  yung sinasabi kong picture ─ tatlong pictures din iyon ─ at iabot sa akin. "Ayan."

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon