Chapter 5

4.7K 305 29
                                    

"Will you be my─"

"Ayoko."

Ngumuso si gago. "Hindi pa nga ako tapos magsalita."

"Kung tungkol iyan sa thesis, ayoko." Inirapan ko si Eris na napasimangot na lang sa sagot ko. Para namang may pakialam ako sa kanya. "Magsosolo ako."

"But I need a partner."

"Maraming iba riyan." sagot ko. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi pa rin nagbabago ang expression niya. "President ka, 'di ba? For sure maraming may gustong maging partner ka."

"Pero ikaw ang gusto ko kasi. Mag-partner na sina Kara at Kean, eh." sagot niya na ang tinutukoy ay yung magkapatid na friends niya. Predictable naman nang magiging partner yung dalawa dahil magkapatid, ewan ko lang sa gastos nila, solong-solo. "I may be the student council president but that doesn't mean that I have lots of friends."

"Wala akong pakialam."

"You're mean."

Hindi ko na maiwasang mapakamot sa may gilid ng tainga ko. Magkarugtong ang kilay na pinanlisikan ko siya ng tingin. "Lalo naman kasing hindi tayo magkaibigan─"

"Girlfriend kasi kita?" putol niya sa sinasabi ko.

Umarko ang kilay ko sa narinig. "Kasi tangina ka?"

"We should really do something about that foul mouth," suhestiyon niya. Hinimas-himas niya pa ang baba na akala mo detective. Bwisit. "Don't you think?"

"Pwede rin namang huwag mo na akong pakielamanan." Umirap ako. "Don't you think?"

"If I don't like you, I will." wala man lang ka-filter-filter na sagot ng hayop na 'to. Napabuntong-hininga na lang ako. Tomboy nga talaga yata itong babaeng 'to, maganda pa naman sana. Akala niya yata papatol ako. "But since we're friends─"

"Hindi tayo friends!"

"Since we're friends," she repeated, at talagang in-emphasize pa yung huling word. Ngumiti siya ng ubod-tamis. "I'll be your thesis partner."

"Layas."

Ubos na ubos na ang pasensya ko sa Eris na ito. Ni hindi ko nga alam paano niya nalaman kung nasaan ako. Sa lawak ng eskuwelahan, sa lahat ng mahahanap niyang lugar, dito pa! This part of the school has always been my sanctuary since then. Tahimik, mahangin, at may tables around the area. Merong malawak na taniman ng saging ang campus. Sa katunayan, maraming tanim dito like coconut and rambutan. Karamihan ay ibinebenta sa market. It's one of the biggest agricultural school here anyway. Maraming tambayan spots sa campus kaya solong-solo ko ang partikular na lugar na ito but having her here...gusto ko na lang umuwi.

Imbes na intindihin pa siya ay kinuha ko na lang ang libro ko at itinuloy ang pagbabasa. Best choice ko na lang yata ang huwag siyang pansinin hanggang sa siya mismo ang kusang tumigil at umalis. Ganoon naman ang tao, eh. They'll go once na magsawa na sila. I'll just wait for that kasi tangina niya nga talaga, hindi ko kailangan ng kasama. Bwisit siya, tingin niya ba hindi ako okay na walang friends? Hah! Ang saya-saya ko nga!

"I have good grades, matalino ako as far as I know." Narinig kong sabi niya. "I have laptop, I'm rich in ideas, sa katunayan may mga titles na akong naiisip. Hindi ba't pinagpapasa na tayo ni Ma'am ng titles natin? Ten titles din iyon per person."

"Pwede bang huwag kang magulo?"

"I'm making a proposal to you. I'm a good catch, people will want to be my partner and here I am, choosing you. You don't have to bear all the ideas, efforts, and expenses alone. It's better to work as a team than being alone, Bianca, you know that."

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon