Chapter 28

2.6K 248 66
                                    

Hello! I was supposed to update this yesterday but hindi natapos dahil nag-ayos pa ako to go sa MIBF huehue. Sa mga na-meet ko kahapon, maraming salamat! With love,

Iris

***

"Bianca —"

Hindi ko kinibo si Eris at mabilis na naglakad paalis. Kakatapos lang ng shift namin sa HR at talagang madaling-madali ako huwag lang talaga siya makasama.

Lakad-takbo nang ginawa ko. Mabilis akong pumunta sa may isang sulok ng hallway at nagtago muna. Sigurado kasi akong susundan talaga ako ng babaeng iyon para lang makausap.

Nang makita ko siyang dumaan at lumagpas nang hindi napapansin ang kinalalagyan ko, nagpalipas pa muna ako ng ilang minuto bago umalis. I made sure she's not around.

Doon siya sa Christopher niya, buwisit siya.

May dala akong sasakyan, lalo na't kailangan din bumiyahe papunta rito dahil may kalayuan ito mula sa bahay ko at sa school. Usually kasi ay sa sasakyan ni Eris ako sumasakay, sa school niya ako sinusundo regardless dahil ang hassle naman kung sa bahay pa siya dadaan kapag wala kaming pasok sa school pero meron sa company.

Nagdala ako ngayon dahil hindi ko naman siya pinapansin pa. Ayoko na siya pansinin dahil naiinis lang ako. Parang tanga na talaga.

Pagpunta ko sa parking lot ay sinipat ko pa yung pwesto ng sasakyan ni Eris. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala na yung sasakyan niya, mabuti naman at hindi na siya naghintay pa. I guess gets na niyang iniiwasan ko talaga siya.

Bubuksan ko na sana yung pinto nang may biglang humawak sa kamay ko. Akala ko aatakihin ako sa puso dahil sa gulat pero mabilis din namang kumalma ang puso ko nang makitang si Eris pala 'yon.

Pero putangina. Bakit nandito 'to? Yung sasakyan, wala na yung sasakyan, ah.

"I asked our driver beforehand to take the car home," sabi niya na para bang alam niya kung anong pumapasok sa isip ko. "Let's talk."

"Walang talk."

"Bianca —"

"Tigilan mo nga ako!" Umalma ako at kinuha ang braso kong hawak niya. Pagbukas ko ng pinto ng sasakyan ay halos mag-lag ang utak ko nang baliwalang inunahan niya ako at pumasok sa loob. She sat comfortably at the driver's seat. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Abelardo!"

"I like the sound of my last name rolling through your tongue but nah-uh," Mariin niya akong tinitigan. "Come inside, I'll drive you home."

"Sasakyan ko 'to." Ngali-ngaling sakalin ko siya mapaalis lang. "At diyan ako!"

"Bianca Heriel Cruz," Parang may umakyat na kilabot sa batok hanggang likuran ko nang tawagin niya ako sa buong pangalan sa mababang boses. No'n lang ako natigilan, lalo na at biglang naging seryoso ang expression niya. "Get in, please. Don't wait for me to drag you, it won't look nice."

Tahimik na sumunod ako. Sumakay ako at pumwesto sa tabi niya bago humalukipkip yakap-yakap ang maliit kong bag.

"Susi mo?" tanong niya. "Akin na."

Tinaasan ko siya ng kilay at mas hinigpitan ang pagkakayapos sa bag. "Wala."

"Bianca."

"Ba't hindi mo gawing susi 'yang daliri mo?"

Bumuntong-hininga siya. Walang salitang kumilos siya palapit sa akin at walang pag-aalinlangan na kinapkapan ako. Para kaming tanga rito habang panay iwas ako at siya naman ay lapit lang ng lapit.

"Pota —" Sa inis ko ay hindi na ako nakatiis at kinagat siya sa kamay ng mariin. "Eris!"

"Aray!" Ngiwing-ngiwi siya pero hindi naman din lumayo sa akin. "Ba't ka nangangagat?"

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon