Chapter 24

2.8K 237 79
                                    

"Hindi talaga kayo papaawat, 'no?" Ang walang magawang tanong ko sa dalawang kasama. Sabay silang tumango at akala mo bulilit na nagpa-cute parehas sa harapan ko — more like, si Zeke lang ang mas nagpa-cute. "Pota."

"I sure do like it when you use blatant profanities, Bianca bb."

Parang gusto kong sakali si Zeke sa narinig. Tumawa lang naman si Amber.

Napahinga na lang ako nang malalim pagkababa namin ng sasakyan nila. Sinundo nila ako ng pagkaaga-aga para dalhin dito sa school kung kailan last day na ng University event.

Wala akong balak pumunta — lalo na no'ng ganap sa amin ni Eris sa bahay nila — dahil ang uncomfortable lang.

Matapos niya sabihin na kilala niya ako ay nagmamadali akong umalis kahit ilang beses niya akong pinigilan. Hindi ko kasi alam kung anong tamang reaction sa ganoon.

Okay, she knows me a lot longer than I imagined, pero hindi ko naman din siya kilala. Ang creepy kaya.

Gusto ko pa rin siya as a friend pero parang creepy pa rin na matagal na niya akong kilala tapos hindi niya kaagad sinabi. Wait, sinabi niya before — no'ng hindi pa kami close — but she said it was a joke.

Bahala siya. At bahala na.

Sanay na yata ako na kapag kasama ko 'tong mag-asawa na 'to ay palagi na lang kaming pinagtitinginan — or more like silang dalawa mismo ang kumukuha ng atensyon ng marami. Hanggang paglalakad papasok dito sa school ay nakamasid ang karamihan.

Lakas naman kasi ng appeal nila. Parehas maganda at matangkad, akala mo mga model pati kung lumakad — lalo na si Amber.

They looked stunning with Zeke wearing a close neck checkered crop top and a fitted denim pants, accentuating her neck, bare shoulders and undeniably toned stomach. Amber was simple yet looking elegant with her above the knee baby pink dress paired with patterned pink and white sneakers.

Napasipat ako sa suot kong buttoned up polo shirt, high-waisted mom jeans and black ankle boots. Hmm...mukha naman akong tao.

Mabuti na lang talaga at open for everyone ang one week event, estudyante man o hindi. Pero kahit naman hindi, makakalusot at makakalusot itong dalawa sa dami ng connection nila. Lalo na si Monicka, baka nga makapasok pa iyon dito as prof tapos walang magtataka.

Napakunot ako ng noo nang sabay silang humawak sa magkabilang braso ko. Sinubukan ko alisin iyon pero ayaw nila.

"Bitaw nga! Nagmumukha akong anak ninyo!"

"Smol bean ka naman so —"

"Tangina 'yan —"

"Bianca?"

Sabay-sabay kaming natigilan at napalingon sa taong ayoko sana makita muna sa ngayon pero as usual, life's a bitch.

Nagtatakang napatitig si Eris sa amin, pansin ko rin ang paglapat ng tingin nito sa mga brasong nakalingkis sa akin. Mukha siyang gulat na may hinahayaan akong dumikit-dikit lang sa akin ng ganoon.

"Your friend, baby?" Ang inosenteng tanong ni Zeke, pero kita ko sa mata niya ang pang-aasar dahil mukhang mabilis niya lang na-gets ang ambiance sa pagitan namin ni Eris. Si Amber lang yata talaga ang pure dito at walang bahid ng kasalanan bukod sa maging maganda at mabait ng sobra.

"Baby?" Kumunot ang noo ko nang mapansin yung isang pitch na pagtaas sa boses ni Eris. Bakit parang galit siya? Tumikhim siya at ngumiti. "Akala ko hindi kita pupunta."

"Nahila lang ako ng mga 'to," ang tugon ko.

Bumitaw sa akin si Zeke at humakbang hanggang sa magkaharapan na sila ni Eris, seryoso lang silang nakatingin sa isa't isa. No'n ako nagkaroon ng oras na pagmasdan si Eris nang hindi ako napapansin na nakatitig sa kanya ─ magka-height lang silang halos na dalawa pero lamang si Zeke ng ilang centimeters siguro.

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon