Chapter 31

2.6K 211 61
                                    

Akala mo mga walang thesis at OJT ang mga kasama namin kung makapagtampisaw sila sa tubig. Para bang pagdating nila ng dagat ay matik na nandoon lang sila para mag-enjoy at wala nang iba.

Nakaupo lang ako sa gilid at nakasilong lang sa malaking payong na nilagay nila rito kanina. Pota, ang init, eh.

Buti na lang talaga at hindi nila ako napilit magsuot ng bikini or else talagang lalayasan ko sila. Kahit si Eris na pasimuno ng lahat ay walang nagawa dahil alam naman niyang hindi ako basta mapipilit sa kung anong gusto niya.

Maybe she's a bit disappointed, pero wala akong pake.

"Ayaw mo maki-join sa kanila?"

Napalingon ako kay Eris na mukhang nanggaling sa loob ng bahay. Naupo siya sa tabi ko at parang wala lang na nasandal. Naka-sunglass pa nga ang loka-loka — pero sige, bagay naman sa kanya.

"Okay na ako rito," sagot ko.

Hindi naman talaga ako mahilig sa dagat-dagat na ganito. Hindi rin ako mahilig gumala. Or siguro kaya lang ako ganito kasi hindi naman ako nabigyan ng opportunity mag-explore sa mga bagay na ayaw o gusto ko. Although if I'll get asked, I'll probably want to try hiking or something like that.

Kaso baka hindi rin kayanin ng katawan ko dahil physically unfit pa yata ako.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Bawal tabihan girlfriend ko?"

"Gi —" Napalingon ako sa kanya. She was smiling sheepishly, as if the question sounded amazing. "Ewan ko sa'yo."

Sumandal na lang ako sa beach chair ko at pumikit. Hindi ko alam kung aware etong babaeng 'to na ang lakas ng dating niya sa suot na bikini. Kulay itim iyon na mas nagpalabas lang ng kaputian niya. Kulay white yung pinapasuot nila sa akin kanina and halos katulad siya ng suot nitong si Eris.

Para talagang wala siyang kapintasan sa katawan. Hindi naman siya yung toned talaga pero hindi rin naman talaga payat, basta sakto lang. May faint line ab din siya, maybe she's hitting the gym once in a while.

"I actually want to say sorry."

Napalingon ako sa kanya. Para siyang tuta na nagpapaamo. "Para saan?"

"I was so excited knowing na girlfriend na kita that I got a bit pushy sa'yo, I mean in terms of you wearing something you're not used to wearing."

Tinitigan ko lang siya. Kitang-kita ko yung pagiging genuine ni Eris sa sinabi, halata kasing na-guilty talaga ang babaita sa trip niya kanina. Gets ko naman na na-excite siya, kaya nga biglang nandito na itong mga kasama namin na mas feel pa sa amin ang pagdadagat, parang mga pinabayaan talaga tapos ngayon lang nabigyan ng chance mag-enjoy.

Kung sa akin lang, wala sanang kaso ang pagsusuot ng bikini, like kami-kami lang naman. Kahit may extrang Alden Richards na malayo ang pagmumukha sa katotohanan.

Nga lang, ayokong ipaliwanag yung sarili ko or titigan nila ako sakaling makita nila ang katawan ko. Hindi naman na nila dapat maging concern iyon so maigi nang manahimik.

"First mo ako, 'di ba?" Napatango ako sa sinabi niya. Hindi ko gets pero para akong tanga na nahihiya. Ang tanda ko na pero ngayon lang ako tinablan ng kaunting kalandian sa katawan, tangina 'yan. Pero wala naman talaga si Eris sa plano ko in the first place. "I want to be patient with you and take our time."

"Para kang siraulo." Tumikhim ako. Hindi ko alam kung bakit parang sweet iyon pakinggan. Parang natatanga na yata ako habang tumatagal.

"You're special to me, Bianca."

Ayan na naman siya sa special-special na 'yan. Sarap suntukin talaga nito minsan.

Tumayo ako. "Tara."

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon